Chapter 59

3.9K 94 6
                                    

Joey Haym

Huling gabi na namin eto dito sa Palawan at dapat maging memorable sa aming mag-anak.

I will ask Sabrina to marry me. Alam ng dalawa kong prinsesa. At kakuntyaba ko sila ngayong gabi. Dito sa bahay ko gagawin ang pagpo-propose.

I asked the help of my children to distract my soon-to-be wife. Ang sarap pakinggan, wife. With the help of our employees here, sinabi kong ipasyal muna sila para makapag-prepare ako. Simple candle light dinner lang. Kasama ang mga anak namin. Gusto kong masaksihan nila kung gaano ko makamahal ang Mommy nila. May mga rose petals ding naka-kalat sa sahig. Balloons na hugis puso at meron ding bilog. I can't wait to see her reaction.

Before ko eto gawin, I called her parents and asked the permission to let me marry their daughter. Walang pag-aalinlangan na binigay nila sa akin ang permiso. Sobrang tuwa nila dahil pakakasalan ko na raw ang anak nila. I also informed my family, and my Mom was so happy. Sila na daw ang bahala sa kasal namin.

Etong ring naman na ibibigay ko sa kanya? Matagal ko na etong binili para sa kanya noong umuwi sila at nalaman kong may anak kami. Advance ko ba mag-isip? Well, i only figured out na siya lang ang babaeng papakasalan ko.

All are set up and siya na lang ang kulang. Im now ready.

Tawa ng mga anak namin ang naririnig ko sa labas. Nandito na sila.

Bumukas ang pinto at nauna ang dalawa na pumasok. They give me a sweet smile. Ang gaganda ng mga anak ko! And here she is. Nang pumasok siya, nagulat sa nakikita. My kids just giggled when they saw her face. Tumuloy sila at sinara ang pinto. Andito lang ako sa naset-up na table namin nakatayo.

"Good evening my beautiful young ladies, and also to you my lovely Sabrina." Bati ko sa kanila at ngumiti sila.

My kids ran towards me at kiss me sa cheeks. I give them my warmest hug.
"Dada, please make Mommy happy everyday." Paki-usap ni Heather.

"I will Heather."

"And Dada, please love Mommy everyday." Now it's Hailey.

"I will love her everyday Hailey."

Tumayo na sila sa gilid ko at ang Mommy na lang nila ang hinihintay namin. She gave us a lovely smile na kami lang ang pag-lalaanan niya.

"Haym? Ano etong pakulo mo ngayon?" She ask.

"I want you to remember this night, my Love." Sagot ko. Ako na ang lumapit sa kanya at hinila para maka lapit na sa dinning table namin.

Pina-upo ko na sila isa-isa. Katapat ko si Sabrina at magkatapat din ang kambal. Sinimulan na naming kumain, hindi magulo at puno lang ng saya ang paligid. When we finished eating, I secretly gave my phone to Hailey. Alam na niya ang gagawin. Si Heather naman tinanguan ko at siya ang magpapatugtog sa stereo.

Tumayo ako at lumapit kay Sabrina ng tumunog na ang music.
"May I have this dance?" Aya ko sa kanya at nilahad ko ang mga kamay ko.

Ngumiti siya sa akin at inabot ang aking kamay. Kinawit niya ang mga braso sa aking batok at hinapit ko ang kanyang bewang palapit sa aking katawan. Our twins let out a not so loud scream. Kinikilig ang mga anak ko!

Magkatitigan lang naman kami habang sumasayaw. Ngumingiti kahit walang pinag-uusapan.

"Yung mga anak natin, kinikilig na sa atin. Ano ba kasi etong ginawa mo." Si Sabrina na may ngiti sa kanila.

"Gusto ko lang namang ipakita na Mahal ko ang Mommy nila. Mamaya ko na sila isasayaw. Ikaw muna." At humalik ako sa kanyang noo.

Tumingin ako kay Hailey at vinivideo niya kami. Para sa pag laki nila, makikita pa rin nila kung paano ko tatanungin ang Mommy nila.

"Sabrina, hindi ko alam kung paano umpisahan eto eh." Napatingin naman siya sa akin ng nagtataka. Kaya ko to! "Hindi ko rin inaasahan na tayo, magkaibigang matalik eh magkaka-tuloyan at magkaka-anak. Wala sa hinagap ko ang mga eto noon. Pero ngayon? Masaya ako kasi maganda pala ang kalabasan. Gusto kong magpasalamat sayo, sa pagkakaibigang binigay mo sa akin. Mahal kita. Pasensya kung noon nasasaktan na pala kita ng hindi ko alam. Pasensya na kung manhid man ako. We got this misunderstanding, at nalagpasan natin. Kasi, mahal natin ang isa't isa. Hindi man natin nasabi yun noon, nagtagumpay naman tayong ipagpatuloy ngayon. Salamat kasi, binigayan mo ako ng mga magagandang kambal. Salamat sa pag-papalaki sa kanila kahit wala ako sa tabi niyo. At salamat kasi binigyan mo ako ng pagkakataong makabawi sa kanila, at sayo." Lumuluha na siya ngayon.

Mahina na yung tugtog namin nung sinimulan kong magsalita. Lumayo ako ng konti sa kanya para kunin ang singsing sa aking bulsa.

Lumuhod na ako sa harap niya, at inilahad ang hawak kong singsing. Napa singhap siya at tinakpan ang bibig para pigilan ang malakas na iyak. Eto na Haym, ituloy muna!

"Sabrina, pangako ko sayo mamahalin  ko kayo ng mga anak natin. Ibibigay ko lahat maging masaya lang kayo. Hinding hindi ko na kayo hahayaang lumayo pa sa akin. Hindi ko kayo sasaktan." Napaluha na rin ako. And our twins is still watching us. Magkayakap sila. Tumingin ako sa mga anak ko at isang ngiti ang binigay sa akin.

"At ngayon, papanindigan ko kayo. Jaimie Sabrina, I only want you to be the mother of my children. Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay. Ikaw ang gusto kong kasama hanggang pumuti ang mga buhok ko. Sabrina, will you marry me?" Mas napaluha siya sa huli kong sinabi.

Hindi muna siya naka sagot at naluluha pa rin siya. Hindi ko alam kung tatanggapin niya ang alok ko, kasi ilang araw pa lang naman kaming magkarelasyon. Pero kahit ganun, maghihintay ako hanggang sa maging ready na siya.

"Haym, salamat sa lahat. Hindi ako nagsisisi na ikaw ang minahal ko. Na ikaw ang pinili ko at ikaw ang Dada ng mga anak ko. Salamat dahil papanindigan mo kami. Hindi na kami lalayo pa sayo. Kahit saan kami pupunta, isasama ka namin. Mahal ka namin Haym. Mahal na mahal kita." Sabi niya. Mas nabuhayan ako sa huli niyang sinabi.

"Oo Haym, pakakasalan kita." Huli niyang sabi at dali-dali kong sinuot sa daliri niya ang singsing at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Thank you! I love you Sabrina. Kayo ng mga anak natin." Sabi ko. Sumenyas ako sa mga anak namin na lumapit na sa amin at tumakbo naman sila. Nakayakap sila sa aming mga binti. "Our twins, Dada and Mommy will get married soon." Masayang sabi ko sa kanila at tuwang tuwa sila.

Hinding-hindi namin makaka-limotan ang gabing eto. Isa sa pinaka masayang araw naming magpapamilya.

Can We Make It?Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu