Chapter 19

3.3K 84 1
                                    

Jaimie Sabrina

Simula noong pinayagan kong manligaw sa akin si Chase mas madalas na niya akong puntahan sa bar. Minsan nagdadala ng pagkain. May pabulaklak pa nga eh. Alam na rin lahat ng crew namin dito na manliligaw ko siya. Paanong hindi malalaman kung laging may dalang bulaklak araw-araw.

Masaya siyang kasama hindi boring kasi magaling magpatawa rin. Isa yan sa mga nagugustohan ko sa kanya. Kengkoy nga kung minsan eh. Hindi lang naman sa bar siya nanliligaw. Pati rin sa bahay dumadalaw kapag walang pasok. Nagiging close na rin sila ni mama kasi marespeto si Chase. Alam na rin ng mga kapatid ko na manliligaw ko siya kasi one time bumisita ang dalawa kong ate at saktong bumisita din siya.

"Ang lalim naman ata ng iniisip mo. Nandito naman ako sa tabi mo eh." May pa cheesing sabi niya.

"Lakas ng hangin ahh." At tumawa lang siya. Nandito kasi kami sa isang restaurant inaya niya ako ng date. "Saan tayo pag tapos na tayo dito?"

"San mo ba gustong pumunta? Siyempre ang susundin ko ang gusto ng nililigawan ko." Sabay kuha ng isa kong kamay na nakapatong sa mesa.

"Ayy mga linyahan at mga galaw. Luma na." Pang aalaska ko para maitago yung pagkakilig ko sa kanya. "Sa dagat, mataas na lugar, tahimik. Yan dalhin mo ako diyan sa lugar na yan." Hamon ko sa kanya.

"Ayey captain!". Pagsaludo sa akin. Tumawa na lang ako sa kakulitan neto.

After magbayad, lumabas na kami ng restaurant at nagtungo sa parking lot. Ewan ko kung meron ba ganung lugar dito. Gusto ko lang talaga magrelax. Maglabas ng stress. At mag-isip ng malalim.

"Sisiguraduhin kong magugustohan mo yung pupuntahan natin. Pwede ka pa doon sumigaw walang pipigil sayo." Sabi niya habang nagd-drive.

"Sure ka? Walang magagalit? Pero gusto ko lang magrelax nakakapagod kasi sobrang busy na."

"Oo walang magagalit. Maidlip ka muna diyan gigisingin kita mamaya." Sabi niya. Alam din kasi niyang puyat ako. Tumango na lang ako at hindi ko namalayang naka idlip na nga ako.

Makalipas ang ilang minuto, may nararamdaman akong yumuyugyog sa aking katawan. Ginigising na pala niya ako.

"Wake up sleepy head. Nandito na tayo." Pagkabukas ko ng mga mata ko mukha niya ang nasa harap ako. Medyo malapit eh kaya nabigla ako. Tinitigan ko siya sa mata. Matagal. Actually may katagalan na rin naman niya akong nililigawan tatlo o apat na buwan na ata. Madami na siyang efforts at naappreciate ko lahat. Nagugustohan ko na rin naman siya.

"Ang ganda ng mga mata mo." Wala sa sariling sabi ko. Ngumiti na lang siya sa akin. Ang ganda ng mata niya.

"Alam ko pero mas maganda ka. Kaya lumabas na tayo para makita mo yung maganda ring tanawin." Sabi niya. Kinilig naman ako sa simpleng banat niya.

Lumabas siyang una at pinagbuksan ako ng pinto. Isa rin ito sa gusto ko sa kanya. Gentlewoman.

"Wow ang ganda naman dito. Tahimik, dagat, mataas na lugar. Tama ka nga." Namamangha kong sabi.

"Makakapag pahinga ka dito kahit sandali kasi presko yung hangin, tahimik, hindi rin mainit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Makakapag pahinga ka dito kahit sandali kasi presko yung hangin, tahimik, hindi rin mainit." Sabi niya at tumabi sa akin.

Ganun lang kami ng ilang minuto. Nakatayo, nakaharap sa dagat at walang nagsasalita sa amin. Parang dinadama yung masarap na hangin. Walang polusyong dala. Nakakawala talaga ng stress.

"Halika doon tayo sa ilalim ng puno na yun oh dun nalang tayo umupo." Aya niya sa akin. May puno nga dito nagiisa parang sinadyang tinanim na magisa lang.

"Ang sarap sa pakiramdam Chase. Nawawala yung pagod ko. Salamat ah. May ganito pa lang lugar dito. Paano mo nalaman pala eto?"

"This land is mine. Nabili ko siya sa isang kakilala. Nagandahan ako agad kaya agad-agad ko rin binili. Gaya ng sabi mo nakakawala ng pagod." Naka ngiti niyang sabi.

"Chase may gusto sana akong sabihin sayo." Parang mas nabuhayan siya sa sinabi ko.

"Sasagutin mo na ako?" Agad niyang tanong pero ngumiti lang ako at umiling.

"Tungkol din doon. Pero hindi pa kita sinasagot. Maghintay ka pa. Malapit na."

"Akala ko sasagutin mo na ako ngayon. Dito." Nakangiti pa ring sabi niya.

"Yun nga ang sasabihin ko, gusto ko bago kita sagotin alam mo lahat ng tungkol sa akin. Lahat-lahat wala akong itatago sayo. Ganun ka rin naman sa akin eh. Lahat sinabi mo na sa akin. Gusto kong maging fair sayo. At sana sa sasabihin ko hindi magbago yung tingin mo sa akin. Ayos lang sa akin kung pagkatapos ng sasabihin ko sayo eh lalayuan mo ako. Gusto ko lang talagang maging fair sayo." Mahaba kong sabi sa kanya. Sumeryoso naman ang mukha niya.

"Ano bang sasabihin mo sa akin Jaimie? Makikinig ako. Hindi kita huhusgahan agad. Makikinig ako." Seryoso na niyang sabi. Napabuntong hininga ako. Malalim.

"May mahal na ko noon pa." Bigla siyang napatingin sa akin ng nagtataka. Nakita kong may gumuhit na sakit sa kanyang mga mata. "Ngunit hindi niya alam na mahal ko siya. Ayokong sabihin kasi natatakot ako. Natatakot na baka mawala siya, lumayo siya sa akin. Matagal ko na siyang mahal. Matagal ko na ring tinatago. Ako lang ang nakaka-alam na mahal ko siya. Si mama hindi alam. Sila ate hindi rin alam. Kundi ako lang." Mahaba kong sabi.

"I think i know who is that person. And it's Joey, right?" May lungkot sa boses niyang sabi.

"Tama ka Chase, siya nga. Mahal ko na siya noon pa. Alam mo naman di ba na matagal na kaming magkaibigan? Nag-aaral pa lang kaming dalawa noong una kong naramdaman eto sa kanya. Pero hindi niya alam. Hangang sa ngayon nga eh hindi niya alam. Kasi ayokong sabihin sa kanya. Ayokong kapag sinabi ko sakanya eh lalayuan niya ako. Ayokong masira etong pagkakaibigan naming binuo ng matagal. Kaya hindi ko sinubukan. Pero sa mga nagdaang araw at buwan, gusto ko ng itigil etong nararamdan ko sa kanya. Kasi wala ring patutunguhan. At masakit narin eh. Na lagi niyang sinasabing bestfriends kami. Natanong ko na rin sa kanya eto kung sakali man, siyempre alam mo na ang sagot niya. Maski siya ayaw niyang masira at magkasisihan kami sa huli. Kaya nagdesisyon akong itigil na." May mga luha sa aking mga mata habang sinasabi ko sa kanya ang lahat.

"Sakto namang dumating ka sa buhay ko. Nakilala kita. Unexpected time nga. Pero huwag mo sanang isipin sa ginagamit lang kita Chase. Ayokong masaktan kita. Kaya ko rin sinasabi sa iyo lahat ng eto. Sa mga araw na kasama kita, napapasaya mo ako. Walang dull moments pag kasama ka. At nagpapasalamat ako sayo dahil doon. Alam mo bang nagugustohan narin naman kita. Sinong hindi mahuhulog sayo diba? Napakalakas ng charm mo." Pinahid niya yung mga luha ko gamit ang mga kamay niya. Ngumiti na rin siya pagkatapos kong sabihin yun sa kanya.

"Sana Chase, hindi magbago yung turing mo sa akin dahil sa mga sinabi ko sayo. Please huwag mong isipin na ginagamit kita. Sa oras na nagtanong ka sa akin na liligawan mo ako, doon ako nagdesisyon na pagbigyan ko naman yung ibang gusto akong mahalin. Na ibibigay ko lahat ng makakaya ko para rin sayo." Umiiyak at may ngiti kong sabi.

"No. I didn't think that you are just using me. Ako rin naman ang nagdesisyong ligawan ka. Sasagutin mo man ako o hindi tatanggapin ko." Sagot niya sa aking nakangiti na. "Hindi ako lalayo sayo ng dahil lang sa mga sinabi mo."

"Salamat Chase. Napakabuti mong tao. Salamat sa paguunawa sa akin. Sana makapaghintay ka pa sa akin. Konti na lang Chase. Malapit na." Hinawakan ko ang kanyang pisngi. Ngumiti naman siya

"Dahil diyan sa sinabi mo, pagbubutihin ko pa lalo ang panliligaw sayo. Sisiguraduhin kong ako na ang nasa puso mo. Na ako na ang mahal mo. Hihigitan ko yang pagmamahal mo sa kanya. Mas mamahalin kita ng sobra. Alam ko hindi mo rin matatanggal na mahalin siya kasi nga bestfriend kayo. Naiintindihan ko yun. Pero sisiguraduhin kong mas malaki ang pagmamahal ko sayo." Sabi niya sa akin ng deretso sa mata.

"Thank you so much Chase. Sana makapaghintay ka pa." Niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil naiintindihan niya ako. Niyakap niya rin ako ng mahigpit. Ramdam ko Chase mahal mo nga ako.

Can We Make It?Where stories live. Discover now