Chapter 38

3.2K 73 0
                                    

Jaimie Sabrina

Pauwi na ako sa bahay namin maaga kasi akong umalis kasi may kameet-up ako yung isa kong kaibigan. Pagkadating sa bahay, isang hindi pamilyar na kotse ang naka parada sa harap.

 Pagkadating sa bahay, isang hindi pamilyar na kotse ang naka parada sa harap

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"May bisita ba kami? Hindi naman kay Chase yun eh. Baka meron nga pero bakit hindi tinawag ni Mama." Kausap ko sa sarili ko.

Bumaba na lang ako sa kotse at iniwan sa labas ng bahay. Pag bukas ko ng gate nagulat ako sa nakita ko.

"Hi?" Siya.

Naka upo sa harap ng pintoan at may nga roses siyang dala

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naka upo sa harap ng pintoan at may nga roses siyang dala. Talagang siya ba eto? Hindi ako namamalik mata?

"Alam kong guwapo ako pero baka sa kakatitig mo matunaw naman ako." Sabi pa niya. Tumayo siya at doon tumakbo ako papunta sa kanya at tumalong payakap. Namiss ko siya. Andito na nga talaga siya. Hindi isang ilusyon.

Muntik pa kaming matumba dahil sa ginawa ko. "Easy lang naman Sabrina. Baka mapilayan pa tayo." Tumatawa niyang sabi. "I miss you so much munchkin." Bulong niya sa akin.

Naiiyak ako kasi naka balik na siya. Nayayakap ko na siya. "Bakit ngayon ka lang? Bakit ang tagal mo? Alam mo bang nakaka tampo ka? Hindi ka nagpakita sa akin bago ka man lang sana umalis. Naiintindihan ko naman eh. Pero sana nagpaalam ka sa akin. Sobra akong nalungkot alam mo ba yon? Tapos wala pa akong balita tungkol sayo! Nakakainis ka!" Habang sinasabi ko yan eh umiiyak na akong nakayakap sa kanya. Niyakap niya lang ako ng mahigpit.

"Im sorry. Hindi ko na nagawang mag paalam pa sayo noon. Baka kasi pigilan mo ako. Gusto ko na talagang umalis noon kasi feeling ko pabigat na ako sa inyo kaya lumayo muna ako. Sorry." Hinalikan niya lang ako sa ulo.

Patuloy pa ring tumutulo ang luha ko kahit nakahiwalay na ako ng yakap sa kanya. Tears of joy lang ito.

"Aray." Sabi niya. Eh kasi pinalo palo ko siya. Naiinis ako nagtatampo pala ako sa  kanya.

"Mabuti nga sayo yan. Makaganti man lang." Ngumiti lang siya. " Tara pasok na tayo sa loob ang drama ko."

"Oo yang uhog mo ohh lumalabas." At tumawa siya sa pang aasar sa akin. Namiss ko etong pang aasar sa akin.

Nasa loob pala si Mama. Nag aayos ng mga dala ni Haym. Ang dami naman ng pasalubong.

"Eto pala oh para sayo." Sabay abot sa akin ng mga rosas. Namula naman ako doon.

"Salamat." Nagtuloy na lang kami sa loob at nagkwentohan. Namiss rin ni Mama si Haym. Nakwento ko rin sa kanya yung nangyari. Masaya ako kasi andito na siya sana hindi na siya aalis pa.

"Ah tita pwede labas lang kami ni Sabrina? May pupuntahan kasi ako at isasama ko siya." Pag paalam niya kay Mama.

"Ayos lang anak, magbonding rin kayong dalawa total andito kana. Hindi na yan malulungkot." Si Mama.

Nakasakay na kami dito sa magara niyang kotse. Yayamanin talaga.

"Saan tayo pupunta Haym?" Tanong ko.

"Hahanap ng condo ko." Sagot niya.

"Ehh? May bahay ka naman diba bakit magco-condo kapa?" Tanong ko.

"Matagal ko ng binenta iyon." Sagot niya. Hindi na ako nagtanong pa. Alam ko kung bakit. "Ayos lang Sabrina naka move on na ako." Ngumiti lang siya.

Andito kami sa isang kilalang condominium. Nagtitingin ng magandang place at available na space. Sumusunod lang ako sa kanya. Tinatanong rin naman yung opinyon ko.

"Eto na lang po ang piliin niyo. Makikita dito yung paglubog ng araw. Perfect yung scene para sa inyong couple." Sabi ng kausap niya.

Nakangisi si Haym sa akin. Alam ko yang mga ngising yan. May gagawin yan.

"Talaga ba? Sakto sige kukunin na namin yan ng wife ko." Ganti niyang sagot at inakbayan ako. Tignan mo eto ang sinasabi ko eh. Loko-loko talaga.

"Sa office na lang po tayo para makapag pirma na po ng contract. This way sir." Sabi ng kausap namin.

Pinalo ko nga siya sa braso dahil sa kalokohan. Tumawa lang siya sa akin.

Pagkatapos namin doon umuwi na kami sa bahay. May trabaho pa ako.

"Una na ako. Dadaan ako mamaya doon sa bar. Huwag mong ipaalam sa kanila ha? Surprise lang." Siya.

"Sige. Mag-iingat ka sa pagd-drive ah?"

"Oo para sayo wife." At tumawa ng malakas. Kalokohan talaga neto.

Umalis na siya ng bahay at pumasok ako sa loob. Sakto namang tumawag si Chase. Hindi ko sinagot. Naiinis ako sa kanya kasi minsan nahuli ko siyang may katext. It's her ex-girlfriend. Saying she still love Chase. At eto na mang isa inentertain pa. Pero Chase explained to me na hindi naman totoo yung sinasabi niya. Ewan ko ba doon. Kaya naiinis ako.

Nagpahinga lang ako saglit at nagready ng umalis para pumasok sa bar. Nagpaalam na rin naman ako kay Mama eh.

Nine in the evening ng dumating siya. Sobrang saya ng mga empleyado namin kasi andito na daw siya. Hindi nila alam ang main reason kung bakit siya umalis basta ang sinabi ko na lang may aayusin siya sa ibang bansa. Naniwala naman sila. Ayoko rin namang sabihin sa kanila yung totoo. Privacy na rin naming boss nila yun.

"May iniba ka pala dito. Maganda yung kalabasan. Salamat Sabrina hindi mo iniwan eto kahit na hindi ako nag paalam sayo noon." Sabi niya. Andito kami sa isang VIP room kaming dalawa lang. May  mga bouncers sa labas kasi binilin kong huwag magpapasok ng iba at huwag sabihin kay Chase kasi baka puntahan ako ni Chase at hanapin naiinis pa rin ako sa ginawa niya.

"Ano kaba wala yun. Ano pa at magkaibigan tayo kung hindi ko eto aalagaan ng mabuti. Babalik kana ba sa company mo?"

"Hindi muna ngayon baka next month pa. Dito muna ako sa bar tutulongan muna kita dito para makabawi naman kahit papaano. Sila Daddy muna ang bahala doon." Pag explain niya. Tumango lang ako. Mabuti nga para naman hindi mabigla agad na magtrabaho sa company niya. Magaling naman siya maghandle eh.

"Sabrina what if the whole crew of this bar will have a vacation? I mean ako ang sasagot sa gastusin natin magbakasyon lang tayo lahat. Pasasalamat ko sa kanila kasi hindi nila iniwan eto." Suggest niya.

"Matutuwa ang mga yun. Pero ilang araw ba? At saka saan naman?"

"Three days two night? Pwede na ba yun? Doon tayo sa isa naming resort sa Subic. Gastos ko lahat." Sabi niya.

"Game ako diyan. Para naman makapag relax ako, kami. Laging puyat eh. Bongga talaga si Boss." Sabi kong biro.

"Bago sila umuwi mamaya sabihin na natin para mai-sched na rin. Tingin mo?" Tumango naman ako.

Hindi kami nagstay sa opisina ko buong gabi. Doon lang sa VIP room hangang magsara kami. Inutusan ko na si Alfred kanina na sabihing huwag muna silang umuwi kasi may sasabihin ang Boss nila.

"Guys salamat sa pag stay sa Hit bar. Kahit nawala ako ng isang taon nanatili pa rin kayo at bilang ganti na rin sa kabutihan niyo. Mag babakasyon tayo at ako ang sagot sa lahat. Three days and two nights tayo sa resort namin sa Subic. So who's up?" Tanong ni Haym. Nagsitaasan naman ng mga kamay halos lahat ng empleyado.

Natapos ang gabi naming masaya.

Can We Make It?Where stories live. Discover now