Chapter 31

3.1K 80 0
                                    

Joey Haym

That night, i didn't control my self. Nadala ako sa init ng katawan. Kaya nagawa ko sa kanya yun. Hiyang hiya ako sa nagawa ko. At buti na lang napigilan niya ako.

Ilang weeks na rin naman yung lumipas at back to normal na. Si Keren nakauwi na rin. Ako na ang sumundo sa kanya noon and it seems she has a problem. Gusto kong magtanong pero hinayaan ko muna siya baka pagod lang din. After niyang maka uwi minsan na lang kami kung magkita. Busy rin kasi siya.

"Excuse me Boss may meeting po kayo ngayon with another client. Nasa conference room na rin po." Si Steff.

"Okay i'll be there in a minute. Mag-aayos lang ako." Sabi ko.

Another client na naman. Talagang gumaganda yung progress namin. And thanks to my employees sila ang may gawa ng lahat. Tumungo na ako sa conference room namin para harapin yung bagong client.

"Good afternoon ladies and gentlemen. Welcome to the company." Pagbati ko sa aking mga bisita.

"Joey? Is that really you Joey Haym?" Tanong ng isang client namin. Napatitig ako sa kanya ng matagal parang pamilyar din kasi.

"Jackson Smith?" Tanong ko.

"Yes Joey. It's Jackson. Nice too see you bro." At nagkamayan kami. Jackson  Smith, isang kaibigan. We were playmates noong bata kami. Nasa iisang compound lang kasi yung bahay namin dito sa Pilipinas noon. Kaya magkakilala kami.

"Nice to see you too after how many years." Sagot ko. "Maybe we can catch up later after this business meeting."

"Sure buddy. Later." Sagot lang niya.

Tinuloy na lang namin kung ano talaga ang purpose nila dito. And seems they want to buy our cars. Maging dealer. In which payag kami. Kasi maganda naman yung proposal nila. Maganda yung contract. Natapos ang meeting namin na umabot ng dalawang oras.

"Thank you for the approval Joey. So  let's hang out this night? I'll introduce you to my fiancée." Sabi niya.

"Sure. Just call me later. I still have works to do."

Tumuloy na sila kasama niya yung mga empleyado niya. Full force pa ata ahh.

Tinuloy ko ang trabaho ko hanggang sa saktong matapos ng uwian. Jackson called me about later. He just reminded me. Umoo na lang ako gusto ko rin namang magcatch up sa kanya. We're friends back when we were young. Tropa din siya ni Kuya Jake. Nag migrate sila ng parents niya sa Australia kasi doon naka base ang parents niya. At mula noon wala na kaming communication.

I texted Keren na may kikitain akong kaibigan and i tried to convince her na sumama sa akin but she said may pupuntahan rin siya kaya hindi ko na lang pinilit.

Papunta na ako sa isang restaurant kasi yun ang sinabing meeting place namin ni Jackson.

I arrived at the place just in time at pumasok na ako. Nakita ko naman siya mag-isa kaya dumeretso na ako sa pwesto niya.

"Hi buddy. Sorry naghintay kapa, medyo may tinapos lang." Sabi ko.

"No. It's okay buddy. Mga ilang minutes pa lang akong nandito. Let's order first?" Sabi niya at tinawag ang waiter. Sinabi na lang namin yung aming order at umalis na yung waiter.

"How' life? I mean is there someone now your living with?" Si Jackson.

"Wala pa akong balak mag-asawa buddy pero may girlfriend na ako. Bago pa lang naman pero mahal ko." Sabi kong nakangiti. "How about you? Where is your fiancée? I thought she's with you now?"

"She is coming later. May tatapusin lang daw kasi sa trabaho niya." Sagot niya.

"Baka naman pinapagod mo ah?" Makahulogan kong sabi at natawa siya. "So how long your engaged?"

"Two years buddy. And by this year magpapakasal na kami. Umuwi talaga ako dito para asikasuhin na yung kasal namin. Ang ofcourse you are invited. Sila tito at tita kukunin kong sponsors namin ha? Pakisabi naman." Sabi niya.

"Sure makakarating sa kanila yan. And matutuwa sila na makita ka. Pumasyal ka kaya sa bahay. Alam mo naman yung address nila diba."

"Yup buddy. Na-aalala ko pa naman yung dating place niyo. Sa mga susunod na araw dadalaw ako. Kumusta na pala sila tita? And how about Jake?" Siya.

Nagkwentohan kami at nagkamustahan habang kumakain. Hinihintay na lang kasi namin yung fiancée niya. Para ipakilala sa akin.

"She is coming now. May pupuntahan kapa ba after here? Baka nakaka istorbo na ako ah?". Tanong na niya.

"Nope buddy. Clear na sched ko for tonight. Siguro dadaan na lang ako sa bar ko para icheck." Sagot ko.

"Where is your bar? Para puntahan ko naman. Doon na lang tayo magbonding nila Jake." Suggest niya.

"Sure. Pero dapat libre mo ah? Baka malugi yung bar ko." Sabay tawa kong sabi. "Kelangan..." Naputol ang sasabihin ko dahil sa isang boses ang narinig ko na tumawag kay Jackson.

"Sorry im late. Traffic din kasi." Sabi niya. Hindi ako lumingon sa kanya. Hinihintay kong maka upo siya sa harap ko. Kilala ko ang boses na yan. Kilalang- kilala. Bakit? Bakit mo nagawa eto?

Yung masayang awra na nararamdaman ko kanina eh nawala. Napalitan eto ng lungkot, sakit at galit. Nagawa niya talaga sa akin eto?

"It's okay. Masaya naman yung kwentohan namin ni Joey." Sagot ni Jackson.

At doon bumaling ang tingin sa akin ni Keren. Gulat na gulat eto ng makita ako. Hindi makapagsalita. Bumukas ang bibig pero walang mga salitang lumabas. Inaya na ni Jackson si Keren na maupo sa tabi niya.

"Buddy, i want to introduce you my soon to be wife, Keren. And baby, this is Joey my childhood friend." Masayang pakilala niya sa amin.

Tinignan ko lang sa mga mata si Keren. Seryosong tingin. Alam na niyang galit ako. Tahimik rin siya walang masabi.

Ang sakit. Bakit mo ginawa eto Keren? Bakit ka nagsinungaling?

Inilahad ko na lang ang kamay ko para makipag-kamay. Ayokong maging bastos sa harap nila.

"Nice meeting you, Keren." Tinignan ko siya ng seryoso at makahulogan. "But buddy i need to go, may emergency lang akong pupuntahan. See you next time and siguradohin mong padadalhan mo ako ng invitation ng kasal niyo. See you next time guys." Tumayo na ako at seryoso lang ang mukha. Pero bago ako makaalis sa table namin may sinabi pa ako.

"Before i forgot, congratulations in advance to the both of you." At umalis na ako.

Can We Make It?Where stories live. Discover now