Chapter 56

4.2K 88 5
                                    

Jaimie Sabrina

We are still here sa bahay nila Haym. Hapon na at ang mga bata? Hayun, tulog. Pagod na pagod sa paglalaro kasama ang mga pinsan. Pinatulog na namin sa kwarto ni Haym. At eto ako nagbabantay sa kanila.

Her family never treat me na iba sa kanila. Kahit na lumayo kami noon ng mga bata. Mas tinanggap pa nila ako dahil sa mga kambal. Masaya na ako doon para rin naman sa mga anak ko eto.

Bumukas ang pinto at pumasok si Haym. She sat beside me.

"Tulog na tulog sila ah. Ikaw ba hindi pa pagod?" She asked then inakbayan ako. Ang clingy!

"Medyo pagod nga sa kakahabol sa kanila. Ang kukulit ng mga anak mo. Parang ikaw." Sagot ko sa kanya at hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya. Pagod talaga ako.

"Siyempre, anak natin mga yan. Mana sa akin." Natawa siya sa sinabi. Ganon rin ako. Tama naman kasi siya, sa kanya nagmana sa kakulitan ang dalawa. "Matulog ka narin muna, ako ang magbabantay sa inyo." At kinulong ako sa mga yakap niya.

I admit, i also miss her so much. Ayoko sabihin sa kanya kasi lalaki lang ang ulo niyan. Noong naglilihi pa lang ako at hanggang sa manganak, hinahanap ko siya. Pero alam kong malabo.

"Doon na lang tayo sa kama humiga, tabi na lang tayo ng mga bata. Para naman makapagpahinga ka talaga." Sabi niya. Tumayo na kami at magkatabi kami. Malaki ang kama at hindi ako nababahala na mahuhulog ang kambal. Hindi sila malikot matulog.

Pagkahiga namin, yumakap siya sa akin at dahil sa inaantok na ako, yumakap rin ako sa kanya. Ang sarap matulog kapag ganito. Pero bago ako sakupin nga aking pagka-antok, nagsalita siya at narinig ko naman.

"Ngayong malapit na kayo sa akin, hinding-hindi ko na kayo hahayaang lumayo. Papanindigan ko kayo. Mahal kita Sabrina, hindi iyon nawala. At gagawin ko ang lahat para mahalin mo rin ako. Pakakasalan kita. Mahal na mahal kita." Rinig kong sabi niya. Humalik siya sa noo ko at doon na ako nakatulog.

Ilang oras ba ang tulog ko? Hindi ko alam. Basta ang alam ko madilim na sa labas. Naku tatawag pala ako kila Mama.

Nagmulat ako ng mata at mukha ni Haym ang bumungad sa akin. Tulog na tulog rin. Nakayakap pa rin kami sa isa't isa. Ang kambal ko naman tulog pa rin. Ang saya sa pakiramdam na ganito ang bubungad sayo pagkagising.

Naalala ko ang sinabi ni Haym kanina. Lahat iyon narinig ko. Masaya ko dahil papanindigan niya kami. At oo na, mahal ko naman talaga siya, natabunan lang noon. Maswerte pa rin ako na sa tagal naming hindi nagkita, mahal pa niya ako. Sa kasal? Wala pa sa isip ko yan. Madami pa kaming aayusin.

Gumalaw siya at nagising na. Isang ngiti ang binigay sa akin at sumiksik sa leeg ko. Ano ba yan, parang bata na naman. Naramdaman kong hinalikan niya ako doon.

"Haym, huwag kang mag-umpisa. Andito lang yung mga anak natin." Saway ko sa kanya.

"Ang sarap pakinggan mula sayo, mga anak natin." Sabi niyang naka ngiti. I can't deny anymore. Masaya talaga ako.

Hindi na kami nagsalita, nagkatitigan na lang kami. I miss being this close to her. Namiss kong titigan ang mga mata niya kahit magkapareho pa sila ng mga kambal. Iba pa rin pag siya na ang kaharap. Ano na kaya ang lasa ng kanyang mga labi? Siguro, sa tagal kong nawala madami na etong hinalikang babae! Dahil sa naisip ko kumunot ang noo ko. Nakakainis naman.

"Anong problema?" Tanong niya. Umiling lang ako. "You know what? Kanina ko pa eto gustong gawin, tulog naman ang mga bata eh."

Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya. Kayat nagtataka akong tumungin sa kanya. But to my surprise, ngayon alam ko na ang ibig niyang sabihin.

She is kissing me right now. Sa una hindi pa ako nakagalaw dahil sa gulat, pero kalaunan sumabay na ako sa galaw niya. Kanina ko lang iniisip about sa lips niya pero ngayon, nangyayari na.

The same feeling pa rin mula noon hanggang ngayon. Malambot pa rin ang kanyang mga labi. Masarap paring halikan. Gaya ng una naming naghalikan noon. I closed my eyes to savor the moment. It feels good. Banayad ang kanyang halik. May pag-iingat. Mas pinalalim niya ang halikan namin at ang pwesto namin? Kalahating katawan niya naka patong na sa akin at ako naman naka hawak na sa batok niya. Tuloy lang ang halikan namin. Hanggang sa makarinig kami ng iyak ng bata.

Napahiwalay siya agad sa akin at tinungo ang isa naming kambal na umiiyak. Napasimangot ako doon, bitin! Pero masaya ako sa ginawa niyang pag asikaso sa anak.

Si Hailey ang umiyak. Ganito kasi siya minsan pag nagigising. Gutom yan kaya umiiyak. Kaya rin binabantayan ko pag tulog sila. Isang araw pa lang namang nagkita ang mga anak ko at si Haym, pero ang tagal na nilang magkakilala. Napapatahan niya agad ang bata.

"Gutom siya Haym kaya umiiyak. Timplahan na lang ng gatas." Sabi ko habang karga niya si Hailey. Buti nga hindi nagising si Heather eh. Kundi iiyak din yun.

"Sa bottle ba siya iinom?" Tanong niya.

"Hindi, may baso sila doon ko nilalagay yung gatas. Tinigil ko na yung pag gamit nila ng bottle." Malaki na rin kasi sila kaya kailangan matuto ng sa baso uminom ng gatas.

Nagtimpla na ako ng gatas. Nandito rin sa kwarto niya yung mga gamit ng bata na hinanda ko kanina. Habang inaayos yung gatas ng anak ko, hinehele niya si Hailey. Ang sweet ng Dada niya ah. Gising na rin naman si Hailey eh.

"Eto na, maupo na lang kayo dyan. Iinomin niya naman eto." Binigay ko na yung baso na may lamang gatas. May takip naman yon para hindi matapon.

Kinuha ni Haym ang baso at binigay sa bata. Pinaupo sa lap niya.
"My princess, heto oh uminom kana para mawala yang gutom mo. Iba ka pag gutom ah." Pagbibiro niya sa bata pero wala sa mood ang anak namin. Ininom na lang niya eto.

"Ang dami ko pa palang kailangang malaman tungkol sa kanila." May lungkot sa boses niyang sabi. Ramdam ko yun. "Pero kahit gaano pa kadami yan, hinding-hindi ako mapapagod para sa mga anak ko. Gagawin ko ang lahat para sa ikakasaya nila. At gagawin ko ang lahat para din sayo, Sabrina." Sabi niya sa akin.

Masaya ako kasi tinanggap niya yung mga bata. At hindi ilalayo sa akin. Ramdam kong mahal na mahal niya ang mga eto.

"Sasamahan naman kita sa pag-aalaga sa kanila. Matutonan mo rin kung ano ang mga hilig nila. Babawi ka naman sa kanila diba?" Tumango siya. "Kahit sila lang muna Haym. Sila na lang muna ang unahin mo. Matagal ka rin nilang gustong makasama. Kung hindi lang dahil sa katigasan ko. Matagal na sana kayong magkakilala. Sorry." Napaluha na lang ako sa huli kong sinabi.

"No. Don't say that. Tapos na iyon at ang importante ang ngayon. Nagkamali man tayo sa nakaraan, kaya naman nating bumawi sa ngayon. At eto, uumpisahan ko ang pagbawi sa inyo." Pinunasan niya ang luha ko sa mata.

Napayakap na lang ako sa kanya. Kinulong ko na rin ang anak kong umiinom ng gatas sa yakap. Umangal pa nga eh.

"Mommy, i want a hug also." Gising na si Heather at yun ang sinabi. Natawa kami ni Haym sa ginawa ng bata. Bumaba siya sa kama at tumakbo papunta sa amin. Sinalubong ko siya ng yakap at si Haym na ang yumakap sa aming mag-iina.

Can We Make It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon