Chapter 26

3.2K 79 0
                                    

Jaimie Haym

Nakaka-inis yung dalawa. Pinag tulongan pa talaga ako sa pang iinis. Pero maganda na rin yung nangyari. Magkakasundo sila. Ayoko rin namang may alintan sila. Wala akong pipiliin sa kanila kasi parehas ko silang mahal. Si Chase na kasintahan ko at si Haym na kaibigan.

Nagpanic pa ako kanina dahil sa akala ko sasabihin ni Chase kay Haym yung about sa inamin ko sa kanya. Pero pasalamat pa rin ako kasi hindi niya ginawa. Hindi ko alam kung sakali mang ganon ang mangyari.

"Alfred kamusta naman dito? Ayos lang ba kayo?" Tanong ko sa kanya. Kabubukas pa lang ng bar pero madami na agad yung tao.

"Ayos naman kami. Kaya pa naman yung dagsa ng tao kahit na maaga pa. Busy kayo ata ni Boss Joey ah?" Tanong niya.

"Ah oo. Kasi plano namin na ibahin yung design ng bar. Para naman maiba sa mata ng customers at para na rin mas madami pang mahikayat na pumunta dito. Ano sa tingin mo?"

"Kung ako lang mas maganda yung plano niyo ni Boss. Pabor ako doon. Gaganahan din yung mga customers kung may bago silang makita." Sabi niya.

"Sige sasabihin ko kay Haym yang suggestion mo. Pero pag nagtuloy yung renovation may sahod pa rin kayo. Papasok pa rin kayo pero hindi na aabot ng gabi. Tutulong na lang kayo sa pag-aayos dito. Okay lang ba?"

"Siyempre naman ayos na ayos yun kesa naman wala kaming masweldo. Ang swerte nga namin sa inyo ni Boss Joey. Ang babait ninyo tapos may ganito pa. Hindi niyo kami hinahayaang magutom." Siya.

"Si Haym yung may ideya lahat ng eto. Ayaw niya na naghihirap yung mga empleyado niya kaya naman di bale ng konti yung kita ng bar basta mabigyan kayo lahat ng tamang sweldo. Yun ang gusto niya."

"Naku talagang mag papasalamat kami sa kanya niyan Ma'am." Ngumiti na lang ako sa kanya at nagtuloy sa ibang pwesto para magcheck.

Kasi ang motto ni Haym dito "Treat your employee well and pay them right. So that they will give their best to do the job." Which is tama naman talaga.

Pagkatapos kong magcheck sa lahat pumasok na ako sa office at nadatnan ko yung dalawa na umiinom na ng alak.

"Bakit kayo umiinom ng alak?" Pagsusungit ko. Kaso tumawa lang silang dalawa. Nakakainis.

"Babe konti lang eto. Hindi naman namin sosobrahan tsaka kwentohan lang para magkakilala kami ng bestfriend mo." Si Chase na medyo namumula na.

"Oo nga naman Sabrina. Para makilala ko rin etong jowa mo." Si Haym din na namumula.

"Hayst! Basta last na yan ha? Ikaw Haym magddrive ka pang umuwi. Malayo pa naman yung bahay mo."

"Don't worry incase i can't drive home please call Keren. Dito sa cellphone ko." Nakangiting sabi niya. Tumango lang ako.

"Babe ikaw din. Uuwi pa tayo sa condo mo. Huwag damihan ang inom." Paalala ko rin sa kasama ko.

"Ayey captain!" Sumaludo pa ang loko. Wala na lasing na ata.

Nagkatawanan na lang sila sa mga pinagsasabi. Umupo na lang ako sa swivel chair ko para magpahinga konti. Ang sakit kasi ng paa ko. Naapakan pa kanina.

Tinitigan ko si Haym without Chase knowing it. Namiss ko rin naman etong kaibigan ko. Simula kasi noong inamin ko kay Chase about sa nararamdaman ko kay Haym, dumistansya ako sa kanya. Kasi gusto kong ibaling lahat ng atensyon ko kay Chase which happened naman. Hindi ko rin alam na ganon na pala yung status nila ni Keren. Kanina nung sinabi niyang sila na, medyo kay konti pang sakit sa puso ko. Alam ko nagiging unfair ako kay Chase. Pero eto na oh sinusubukan ko na talagang lahat-lahat ng atensyon ko sa kanya lang.

Pagkatingin ko naman kay Chase nahuli niya akong nakatingin kay Haym. Nagulat ako at nagbahala. Kasi baka kung ano pa ang isipin niya. Pero nagkamali ako, ngumiti siya sa akin ng pagkatamis tamis. Nakahinga naman ako ng maluwag. Napaka maintindihin niya talagang tao. Ngumiti rin ako sa kanya ng matamis bilang ganti.

"Oh common stop eye fucking each other will you? Wala dito yung girlfriend ko kaya huwag kayong mang-inggit." Si Haym na lasing na nga. Namula naman ako sa pinagsasabi neto.

"I just can't take my eyes off of her. I really love your bestfriend Joey. At lahat gagawin ko para walang umagaw sa kanya. Not even you are exempted." Si Chase na medyo may pagkadiin ang mga salita niya.

Naalarma ako sa awra na nila. Iba na ata eto ah.

"Hey dude what do you mean? Are you threatening me? Aagawin ko sayo si Sabrina? Eh bestfriend kami niyan. Mas nauna ako sayo." Si Haym na medyo naiinis na rin. Alam kong hindi siya pala patol pag lasing pero iba na kasi ngayon. Mag-aaway ba sila? Ano ako bouncer nila?.

"Im not threatening you Joey. Sinasabi ko lang eh walang makakaagaw sa akin si Jaimie. I know your best of friends. Kung may gagawa man nun, ipaglalaban ko siya." Si Chase. Makikilig na sana ako kaso ganito naman yung awra nila kaya sumingit na ako.

"Ahm guys? Mag-aaway na ba kayo? Kasi kung oo sabihin niyo na para magtawag ako ng boucer para sa labas kayo magsuntokan hindi dito sa loob ng opisina. So ano?" May inis kong tanong.

Mukhang natauhan naman sila kaya napatigil na rin naman sila.

"I'll go home now Sabrina. Pasensya na kung ano man yung hindi namin napag-kaintindihan ni Chase. Siguro dala na rin ng alak. Sorry." Si Haym na tumayo na sa upoan. Niyakap at hinalikan niya ako sa pisngi bilang pag papaalam.

"Mag-iingat ka sa pagd-drive Haym. Naka inom ka kaya huwag mabilis ha? And please call me if you are at home. Okay?" Ako at sinamahan ko siyang lumabas. Nagpaalam naman ako kay Chase at okay lang sa kanya.

Pagkarating sa kotse niya, hinawakan ko agad yung braso niya bago makasakay.

"Haym sorry din kung ano man yung nasabi ni Chase sayo. Lasing din yong tao kaya kung ano-ano na ang sinasabi. Pasensya talaga." Paghihingi ko ng tawad.

"It's okay Sabrina. Ako rin naman dahil sa alak napatolan ko pa yung jowa mo. Basta sinasabi ko sayo eto ha? Huwag kang magdalawang isip tawagan ako kung may problema ka. Sa pamilya mo man,kay Chase o ano pa. Bestfriends parin tayo kahit na may kanya-kanya na tayong love life. Magsabi ka sa akin gaya ng dati pa rin Sabrina. Huwag mong kakalimutan yan." Mahaba niyang sabi.

Gusto ko sanang sabihin sakanya na 'oo may problema ako sayo noon. Na etong nararamdaman ko sayo ang problema ko na mahal kita pero hindi pwede kasi parehas tayong takot. Takot na baka masira tayo at magsisi sa huli.' Yan ang gusto kong sabihin sana noon.

"Oo bestfriend pa rin naman. Tsaka kung may problema ka rin ha? Magsabi ka sa akin. Kung may problema kayo ni Keren andito ako para makinig sayo. Sige uwi na. At mag-ingat sa pagmamaneho Haym." Niyakap ko nalang siya ng mahigpit. Sumakay na siya at umalis.

Pumasok na rin ako sa loob at diretso sa opisina ko. Naka yuko si Chase pagpasok ko.

"Im sorry Babe. I messed up this night. Hindi ko nakontrol yung sarili ko. Im sorry. I got jealous. In which i shouldn't." Sabi niya.

Napabuntong hininga na lang ako. I understand her. May karapatan siyang magselos kasi ako ang girlfriend niya. Lumapit ako sa kanya at tumabi sa upoan. Niyakap ko nalang siya.

"No its okay. I understand you Babe. And please bear in your mind that your the one i love now. Sana maniwala ka." Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at hinalikan ko na sa labi.

"And I Love you too Babe." Sagot naman niya. Pinatulog ko nalang siya sandali para mawala yung antok niya.

Nagdaan ang ilang oras at uwian na. Ginising ko na si Chase para kami ay umuwi na rin.

Can We Make It?Where stories live. Discover now