Chapter 1

438 16 3
                                    

Yasmine's P.O.V.

Maayos ang buhay ko noon. Tahimik ang buhay ko. Maayos at walang nang eestorbo, pero nagbago ang lahat. Nag decide si mama na lumipat kami ng bahay. Siyempre, new school din.

Lumipat ako ng school sa Cadavona University. Malapit lang yon sa bahay namin. Bukas na ang pasukan namin. Natatakot ako, dahil hindi ako sanay sa maraming tao. Galing kasi ako sa school na kakaunti lang ang students.

Bumaba ako para kumain. Lumapit si mama sa akin. "Anak, ayos lang ba para sayo toh?" tanong niya. Ngumiti ako "Opo ma, nakakapag adjust pa naman ako" sagot ko. "Bukas na ang unang araw mo, magpakasaya ka anak, pagkatapos mong kumain, magpahinga ka at matulog kana" sabi niya.

Napaka swerte ko sa mama ko. Close na close kami. Mama's girl ako. Kami nalang kasi kami ni mama. Iniwan kami ni papa nung buntis palang si mama sa akin.

*The next day*

Maaga akong pumasok ngayon, exited kasi ako. First time ko toh, first time kong makapunta sa school na madaming tao.

Nandito na ako, napakadaming tao. Pero, hindi ako nakipagkaibigan. Matagal kong nahanap ang classroom ko.

Pumasok ako sa classroom at lahat ng tao lumingon sa akin. Naka mask ako ng pumasok. Lahat sila nagbulungan, dahilan para mas itago ko ang mukha ko.

May babaeng lumapit sakin. Napaka weird niya, para siyang tipo ng nerd. "Hi sayo" sabi nito. Pero tumango lang ako.

"Ahmm, Laurel nga pala, Laurel Adams" sabi niya.

"Yasmine" sabi ko at nakipagkamay. Hindi ako sanay na makipag usap sa tao.

"Nga pala, introduce ko sayo mga tao dito." sabi niya. At tumango ako

"Yung mga lalake dun ay yung mga pinaka hot sa campus na toh. Yun si Jacob de Nall, siya yung campus crush, ang gwapo niya noh?" sabi nito sa akin. Pilit ang ngiti ko tsaka tumango.

"Ayun naman sina Tiffany, at yung mga kasama niya ay yung mga barkada niya. Sila yung pinakamatataas na babae dito sa campus. Kung maka asta sila parang pagmamay ari nila itong school, matatalino din sila" dagdag nito.

Habang tinitignan ko yung Tiffany na yun, napalingon siya sakin at tinignan ako ng masama. Iniwas ko naman na ang tingin ko sakanila kesa naman sa mapano pa ako.

"Good morning class" sigaw ng teacher namin mula sa harapan.

"I am Mrs. Diaz, I am your Philosophy teacher, today, hindi muna tayo mag le lesson. Let's check your attendance first." dagdag nila.

"Mr. de Nall"

"Present ma'am" sigaw ni Jacob

"Ms. Adams"

"Present" sigaw ni Laurel

"Ms.Quezada"

"Present" sigaw ni Tiffany

"Ms. Rawlinson? May ganito palang apilido" sigaw ni ma'am, at lahat ng kaklase ko nagtawanan, napayuko naman ako.

"Sino si Ms. Rawlinson?" tanong nila sa amin.

"P-present p-o m-ma'am" nauutal ako habang sinasabi yan.

"Louder!" sigaw ni ma'am

"Present ma'am" sabi ko.

Lumapit sila sa akin, habang ako naman ay nakayuko.

"Iha? May lahi ka ba?" tanong nito sa akin.

"American ma'am" sagot ko.

"O-ooh, may amerikana pala tayong kasama" sabi nila at tumawa silang lahat sa classroom. Habang diretso parin akong nakayuko, naiiyak na din ako.

"Madalas pag taga ibang bansa ang isang parent, iniiwan sila nito. Don't tell us na iniwan ka din ng isa mong parent" dagdag nila. Humalakhak ng humalakhak ang classmates ko. This time, napatingin ako sa teacher ko, tinignan ko siya sa mata.

"Excuse me" sabi ko. Lahat sila natahimik. Gusto kong ilabas yung nararamdaman ko sa harapan niya. Pero. "May I go out, ma'am?" tanong ko.

"S-sure, s-sige, labas kana" sabi nito sakin.

Lumabas na din ako. Tumakbo ako sa cr. Naiiyak na ako. Pagdating ko sa banyo, umiyak ako. Hindi ko kaya ang mga sinabi ng ma'am. Masyado akong sensitive. Lalo na kapag pinag uusapan ang daddy ko.

Naghilamos ako para hindi mahalata ss umiyak ako. Pagka punas ko ng mukha ko, tumingin ako sa salamin at may nakita akong lalakeng naka black sa reflection ko. Inalog ko ang ulo ko. At nang mahimasmasan ako, hindi naman. Hmm? Guni guni ko lang yun.

Bumalik ako sa classroom, pagbalik ko, recess na pala. Kaya kinuha ko nalang ang bag ko at pumuntang canteen. 20 minutes ang recess namin.

Pagdating ko sa canteen, bumili ako ng pagkain ko at umupo sa isang sulok. Lumapit sa akin yung grupo ng mga babae. Sina Tiffany yung at mga kasama niya.

"Ahm, excuse me, in case na hindi ka informed. Sa amin yang table na yan" sabi ni Tiffany sa akin. Lahat nagtinginan sa amin.

Hindi ma ako sumabat o ano ano man at umalis nalang ako. Pinatid ako nito at nadapa ako. Pinagtawanan nila akong lahat. Lahat sila tumawa.

"Stop it!" sigaw ng isang lalake. Si Jacob.

"J-jacob?" nagulat si Tiffany

"Pwede ba Tiffany, bago palang si Yasmine dito, hindi niya deserve yan" sigaw niya. Tumayo na rin ako.

"Ohh, tama, well, I'm so sorry", sinabi ni Tiffany sakin in a plastic way. Napangiti din siya.

Hindi ako naging komportable. Sa ngiti ngitian nila. Na parang may binabalak sila sa akin na masama.

"Ako na. Ang bahala. sakanya" putol putol na sinabi ni Jacob at hinila ako.

"Uy bitawan mo ako!" sigaw ko sakanya.

Kinaladkad niya ako sa bodega, kasama niya ang iba pang mga lalake.

"Bakit dito pa tayo? Eh diba may multo daw dito" bulong nung kaibigan ni Jacob.

"Tss, duwag kaba? Matatakot ka sa lugar na to" sabi nito

"H-hindi noh" sagot nung kabigan niya.

"Hoy! Bitawan niyo nga ako" sagot ko.

"At ba't ko gagawin yun? Ms... Rawlinson" sabi ni Jacob at tumawa silang lahat. Nagsimula niyang hawakan ang mukha ko

"Ano ba! Bitawan mo ako!" sigaw ko.

"Why miss Rawl-" hindi natuloy ni Jacob ang sinabi niya nang may nahulog na upuan. Natakot ako.

"Jacob, pre totoo yata yung multo" sabi ng kaibigan niya.

"Patawa ka ba? Wala lang yun" sagot niya.

May narinig uli kaming mga kalabog.

"Umalis na tayo dito" sabi ni Jacob at umalis silang lahat doon. Iniwan nila akong mag isa.

Patuloy ang naririnig kong kalabog.

"S-sino ka? H-hindi ako natatakot sayo" sabi ko. May nakita akong lalake na naka hoodie, siya yung nakita ko sa cr.

"Wag mo kong sasaktan" sigaw ko. Napapikit ako. At pag bukas ko ng mga mata ko, wala na siya. Pagkakataon ko na to. Tumakbo ako papalabas ng bodegang yun. Uwian na sa time na yun.

Napagdesisyonan ko nalang umuwi, habang nasa daan ako. May matandang babaeng nakasabay ko.

"Iha? Saan ka nag-aaral?" tanong nito sakin

"Sa Cadavona University po" sabi ko.

"Naku, iha, mag iingat ka sa mga ligaw na kalulwa jan, pwede ka nilang sundan" sabi nito

"Po?" tanong ko. Kumurap ako at nawala sila.

Luh? Asan si lola. San na siya napunta. Nakakakilabot din dito.

Nag patuloy nalang ako sa paglalakad.

Sa wakas nakauwi na ako.

Humiga ako sa kama, dahil pagod na pagod na ako.

"Miss?" may lalakeng nagsalita. Nahimasmasan ako at kinabahan. Pagtingin ko sa kaliwa...

"AHHHHHHHHHHH!"

It's YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon