Chapter 20

81 8 0
                                    

Yasmine's P.O.V.

Pagkagising ko wala na si Laurel. Maaga akong nagising kaya napagdesisyonan kong pumasok. Hays. Na miss ko tuloy si Hawk.

"Yasmine! Asa baba si Jacob!" sigaw ni mama sa akin. Hays. Naligo na ako at kumain. Hays. Na mi miss ko talaga si Hawk. Kahit wala na siya, siya padin ang gusto ko

Bumaba na ako papunta kay Jacob. Sa tuwing nakikita ko siya, naaawa ako sakanya, ayoko na siyang pa asahin.

"Jacob, mauna ka na"

"Ha? Bakit?"

"Please Jacob, wag mo na rin akong sunduin araw araw"

"May problema ba?"

"Jacob. Wag mo nalang akong ligawan. Nakikiusap ako sayo. Ayaw kasi kitang lokohin. Ayokong umasa ka sa akin. Sorry Jacob"

"Sige Yasmine" nalungkot siya at pina andar nalang yung kotse niya. Masakit padin talaga sakin lahat lahat. Napaka bilis kasi ng mga pangyayari, ngayon hindi na ako nakakakita ng multo. Wala na rin yung pasaway na multong araw araa akong kinukulit. Hindi muna ako pumasok. Pumunta ako dun sa Beach

Naaalala ko tuloy si Hawk

"Hay naku Hawk, parang kailan lang nung lagi tayong nandito para kumain ng ice cream at manuod ng sunset. Miss na kita. Alam mo ba yun? Miss na miss na kita." naiiyak ako habang sinasabi ko yun. "sinabi ko na kay Jacob na wag akong ligawan. Kasi kahit na anong gawin ko, ikaw padin yung mahal na mahal ko eh. Ikaw padin yung laman ng puso ko. Kung pwede lang sana na bumalik ka eh. Hawk, I love you"

"Sabi ko na nga ba nandito ka eh" napalingon ako dun sa nagsalita

"Dane? Ikaw yung nasa kabilang building tama ba?"

"Oo"

"Bakit ka nandito, at pano mo nalaman na nandito ako. Pano mo din ako nakilala?"

"Isa isa lang. Sinabi sa akin ni Jacob ang lahat. Kaibigan ko kasi siya noon. Nag alala siya sayo. Napansin kong hindi ka pumasok. Palagi kitang nakikita dito at may kausap na hindi ko nakikita" napatigil ako sa sinabi niya. "Wag ka nang magulat Yasmine, nakikita ko din siya"

"Si Hawk?"

"Hawk ba ang tawag mo sakanya? Oo, kaibigan ko kasi siya eh. Nakikita ko din siya at lagi ka niyang kinukwento"

"Ganun pala"

"Alam ko ang totoong katauhan niya at kung ano ang nangyari sakanya"

"Talaga?"

"Oo. Kaibigan ko siya simula pagkabata. Nung nag college naman kami, dun lang kami nagkakilalang lima, ako, siya, Jacob, Max, Kaleb. Oo magkakaibigan kami pero hindi namin sinabi kahit kanino. Isang araw nagtampo sa amin si Jacob. Umalis siya sa grupo namin at kaming apat nalang ang natira. Sinisisi ni Max si Hawk sa nangyari. Matalik na kaibigan ni Max si Jacob kaya big deal sakanya lahat. Sa sobrang pagkainis niya, nagtangka siyang tapusin si Hawk. Kaya ayun, isang araw, habang nasa roadtrip sina Hawk at ang pamilya niya, sinamantala ni Max ang pagkakataong yun, binangga niya yung sinasakyang van nina Hawk. Dinala siya sa hospital. But he's brain dead already. Dinala yung katawan niya sa States para magpagamot. Ngayon hindi ko na alam kung anong nagyari sakanya, one month after the accident, may nabasa akong libro about ghost. At one month after kong matapos basahin yung libro nakikita ko na siya. "

"Paano si Max?"

"Nabaliw siya nun at napunta sa mental, after 5 months gumaling an din siya. Walang nakaka alam sa ginawa niya, tanging ako, si Kaleb, si Jacob, at ikaw lang"

"Sino ba talaga si Hawk?"

"Siya? Siya si Hazen Cackler, ex niya si Tiffany. Si Tiffany naman yung reason kung bakit umalis si Jacob. In-arrange marriage sila. Pero halata ko naman kay Hazen na ayaw niya kay Tiffany. Si Tiffany lang ang may gusto kay Hazen. Mahal na mahal ni Jacob si Tiffany nun, kaya pakiramdam niya napagtaksilan siya. Pero walang may gusto nung nangyare. Kaya nga nung naging sila ni Tiffany, natuwa siya eh. "

" Tingin mo, babalik si Haw- Hazen? "

"Pakiramdam ko naman oo, pinuntahan niya ako bago siya makipag laban kay Lemure, sabi niya bantayan daw kita"

"Ganun ba, salamat"

"So ano? Friends naba tayo?"

"Sige ba, Ako si Yasmine Rawlinson"

"At ako naman si Dane Peterson"

"Sige, hindi ka ba papasok?"

"Mamayang hapon nalang. Isasabay nalang kita."

"Palagi ka din dito?"

"Oo, favorite place namin to ni Hazen, sinabi niya sa akin noon na pag nahanap na niya yung babaeng mamahalin niya habang buhay, dadalhin niya dito. Pero wala pa siyang nadalang babae eh"

"Wala? Ni isa? As in wala?"

"Oo, may naging gurl friend siya, pero never siyang nagdala ng babae dito. Player yun eh"

"So, nung dinala niya ako dito..."

"Ah oo! Dinala ka na niya! Ayos HAHAH, mukhang ibang klase ka" natawa ako sa sinabi niya

"Na miss ko tuloy siya"

"I know you like him" natigilan ako sa sinabi niya

"H-Ha?"

"Wag ka na nga, sinabi niya lahat! Pati yung kiss niyo"

Nahiya ako "Huh? Ano ba yan,it's my first kiss to he honest"

"So sinuko mo ang 1st kiss mo sa isang multo? HAHAHA" anluhh na asar niya ako dun

"At least sakanya"

Dane's P.O.V.

"napaka swerte ni Hazen dahil nakilala ka pa niya bago siya umalis"

"Bakit naman?"

"Madami siyang naging gf, pero ni minsan hindi pa siya naging ganito kasaya." napangiti siya "Wag kang mag alala Yasmine, babalik pa yun. Alam nating buhay pa siya"

"He's brain dead"

"But it doesn't mean na talagang patay na siya. Maniwala ka pang gigising pa siya"

"Sana nga"

"Lunch time na, halika na, isabay na kita"

Tumango ako at sumama sakanya. Nasa tapat na kami ng school, pareho kaming bumaba.

"Magkakilala kayo?" nagulat ako ng nakita ko si Jacob

"Ahm, oo, best friend ko siya" sabat naman ni Dane

"Ganun ba? Friends with benefits? Kaya pala ayaw mong ligawan kita Yasmine eh, siya yung rason"

"Hindi yan totoo Jacob. Kanina ko lang naging kaibigan si Dane. Isa pa, hindi yun yung rason ko"

Sinara ni Jacob yung kamay niya. Galit na galit siya. "Hhh, tama nga yyng sinabi nila tungkol sayo nung una palang Yasmine. Malandi ka" tsaka siya tumalikod. Bigla siyang hinabol si Dayne at sinuntok.

"Wala kang karapatang sabihan ng malandi si Yasmine! Ganyan ka na ba ka-makasarili? Dahil lang hindi ka niya sinagot sasabihan mo siyang malandi?" inawat ko siya

"Stop protecting that slut!" nasasaktan na ako sa sinabi niya. Tumakbo ako papalayo.

"Yasmine!" sigaw pa sa akin ni Dane. Ang sakit naman na maririnig mo mula sa isang lalake yung salitang 'slut'

Umiyak nalang ako sa cr. Pagkatapos kong kumalma, Napatingin ako sa salamin. Naalala ko tuloy si Hawk, dito ko siya unang nakita. Nag reflect pa nga siya jan eh. Diko maiwasang ma miss siya. Lumabas na ako. Naka abang si Jacob sakin.

"Yas, sorry sa mga nasabi ko"

"Tingin mo hindi masakit yun? Jacob ano ba! Ayoko na manligaw ka sakin dahil ayokong masaktan ka sa huli. Mas magandamg magmahal ka ng iba. Tapos naging kaibigan ko lang si Dane sasabihan mo na ako ng slut?"

"I'm really sorry"

"Kung kaya lang matakpan ng sorry mo yung nararamdaman ko! Ang sakit dahil babae ako at sasabihan mo lang ako ng slut"

Umalis agad ako umiiyak ako habang naglalakad. Hindi ko kinakaya tong pain ko ngayong araw

It's YOUWhere stories live. Discover now