Chapter 11

92 9 0
                                    

Yasmine's P.O.V.

"I-ikaw?" bulong ko. Nang makita kong si Jacob pala yun.

"Bitiwan mo nga siya!" sigaw nito kay Tiffany

"Sino ka naman para pagsabihan ako? You're my ex na, remember" sabi naman nito kay Jacob

"Pwede ba Tiffany, grow up. Una sa lahat, wala naman talagang ginagawang mali yang si Yasmine eh. Ikaw gumagawa ng sarili mong problema. Then now na nag break tayo, siya padin sisisihin mo. Tss! Akala ko ba matalino ka? But why can't you understand such a thing like this. You're so immature" sigaw nito.

Napahiya si Tiffany sa part na yun. Binitawan niya ako at umalis. Umalis na din lahat ng audience.

Umiiyak naman ako.

"Are you okay?" tanong sakin ni Jacob

Tumango ako "Salamat" sabi ko.

"Sige, pasensiya ka na kay Tiffany" sabi niya

"Ayos lang yun" sabi ko.

"Ahm... Mauna na ako" sabi niya.

"S-Sige" sagot ko. Napabuntong hininga naman ako habang pinapanood siyang lumakad papalayo

Pagkatalikod ko. Nakita ko si Hawk

"Ay Anak ng- Hawk naman wag kang mang gulat ng ganun" sabi ko

"Eh pasensiya na" sabi niya

"Tss, san ka ba galing" tanong ko

"Jan lang" sabi niya

"Anong 'jan lang', grabe ka naman. Akala ko ba kaibigan kita? Eh bakit mo ako iniwan nung may nang away sakin" sabi ko

"Ah, so nagtatampo ka." sabi niya

"Oo naman! Nakakainis kaya" sabi ko

"Alam mo, kung ano man yung ginawa ko kanina kaya kita 'iniwan', importante yun. At para sayo din yun. Sorry na. Sorry kasi puro ako pasensiya. Sorry for leaving you." sabi niya

"Tss, bahala ka jan. Pero sige. Wala naman akong choice eh. Sige na" sabi ko

"Bakit paulit ulit mo akong pinapatawad?" tanong niya

"Huh?" sabi ko

"I mean. Iniiwan kita lagi, tanda mo yun? Hindi ako nagpapa alam na aalis ako. Tas madalas akong mang gulat sayo. Then all I can do Is to say sorry." sabi naman nito

"Ano ka ba naman, kaibigan kita. Kahit pa magkaiba tayo. Mananatili kitang kaibigan. Maliit na problema lang yun. Hay naku. Ikaw talaga" sabi ko

"Salamat" sabi niya. "Nga pala, bakit kung makatitig ka kay Jacob wagas?" tanong nito

"Wala naman, ang cute niya kaya" sabi ko

"Tss, mas cute pa yata ako" bulong niya. Grabeng bumulong toh. Maririnig talaga

"Ano yun?" pang asar ko

"Wala" sabi niya

"HAHAHAH, narinig ko yun Hawky. HAHAHAHAH wag mag deny" pang asar ko

"Narinig mo pala nagtatanong ka pa" sabi naman nito

"Uy! Grabe naman tong magtampo. Selos ka?" tanong ko.

Namula naman toh.

"H-hindi! Ano ba yan Yasmine. Andami mong tanong" sabi niya.

"So selos ka nga. Kasi di kita sinasabihan ng cute?" sabi ko uli

Mas namula pa ito

"A-Ahhm... E-ewan ko sayo!" sabi nito at nag walk out.

HAHAHAHAH pikon. Ang lakas lakas kong tumawa. Diko namamalayang may mga nakatingin sakin

It's YOUWhere stories live. Discover now