Chapter 5

160 8 0
                                    

Hawk's P.O.V.

Ayokong dinadamay si Yasmine kapag may multo akong pinupuntahan.

Nandito na ako. Andito yung area na nararamdaman ko.

Pero wala namang nandito eh.

"Alam kong naryan ka" sabi ko

"AHAHAHHAHAHA ikaw pala yan" sabi niya. Sabi ko na at alam ko kung sino siya.

"Black Phantom? (napangiti ako) sabi ko na, hindi moko titigilan" sabi ko.

Siya si Black Phantom, siya ang leader ng mga masasamang multo. Gusto niyang maging katulad ko rin siya.

"Alam mo, nakakapagtaka lang kasi. Bakit hindi mo iuna ang poot sa puso mo. Ayaw mo ba ng hustisya sa nangyari sayo?" tanong niya

"Hindi mo ako mauuto!" sabi ko

"Talaga? Number 47-"

"Hawk,ang pangalan ko ay Hawk"

"Hawk? AHHAHAHAH may pangalan ang multo? At anong uri ng pangalan yan?" sabi nito.

"Tantanan mo na ako" sigaw ko

"Lalamunin ka din ng kadiliman" sabi nito.

"Tumigil ka na!" sigaw ni Lady Manes. Siya naman ang pinuno ng mga ligaw na kalukuwa, mabuti man o masama.

"Maswerte ka ngayon Hawk" sigaw ni Phantom at umalis.

"Lady Manes, Maswerte ako at narito kayo" sabi ko.

"Oo, sinadya kong puntahan ka. Dahil may sasabihin ako sayo" sabi nito sa akin.

"Ano po ba yun?" Tanong ko

"Eto ang listahan ng mga multo na gustong pumunterya sayo" sabi niya.

"Lima? Lima pa sila?" tanong ko

"Oo" sagot nito

"Anong gusto mong gawin ngayon?" tanong ko dito.

"Tatlo sakanila ay masama, ang dalawa naman ay unti unti nang nagiging masama. Tulungan mo sila, kahit pa kinamumuhian ka nila" sabi nito

"Anong mapapala ko dito?" tanong ko, napayuko ako

"Sasabihin ko ang boong katutuhanan ng buhay mo sayo" sabi niya.

"Katotohanan? " tanong ko. Nang tumingin akong muli sakanya. Wala na siya.

Ngayon may dahilan na ako para gawin to.

Bumalik ako sa school ni Yasmine.

Saktong uwian na nila.

"Yasmine, halika na?" sabi ko sakanya.

"Sige" sabi niya.

"Siya nga pala? San ka ba nanggaling?" Tanong niya

"Jan lang, nga pala, kumusta araw mo ngayon?" tanong ko.

"Heh, wag mong ibahin yung topic, ano? Anung uri ng multo naman yang kinaharap mo" tanong nito.

Batid kong makakatulong si Yasmine dito.

"Ahm, sasabihin ko sayo pag uwi natin." sabi ko

"Sige sige" sabi niya.

*Pag uwi*

"So ganito yan. Kanina nakaharap ko si Black Phantom, siya ang pinuno ng masasamang kaluluwa. Pinilit niya akong gawing masama. Pero hindi siya nagtagumpay dahil kay Lady Manes, siya naman ang pinuno ng lahat ng multo. Dahil sakanya, hindi natuloy yung binabalak ni Phantom" sabi ko.

It's YOUWhere stories live. Discover now