Chapter 28

76 8 0
                                    

Yasmine's P.O.V.

Dumiretso kami nina Laurel, Max, Kaleb, Hazen sa ospital. Ano bang nasa utak nung Dane na yun baliw din yata yun. Pero hindi ako makapaniwal dun sa kwento ni Laurel. Seryoso? May relasyon sila ni Lady Manes. Aish!

"Ahm, the patient is okay, you can talk to him" sabi nung doktor. Nagmadali si Laurel na pumasok kaya inawat ko siya.

"Kumalma ka muna"

"Ayos lang ako Yasmine. Nakakainis lang kasi. Alam kong malungkot siya kaya lutang siyang mag drive. Buti nalang may nakakita skanya" pumasok siya sa loob. "Dane! Ayos ka lang?"

"Oo" sagot ni Dane

"Dane naman, alam kong mahal na mahal mo si Lady Manes. Pero pwede ba? Wag mo muna siyang sundan? One day magsasama din kayo. Pero hindi ngayon" sabat ko. Oo, alam ko na lahat.

"Tol naman, di ko pa susundan yun, matagal pa. Sadyang lutang lang akong mag drive" hay! Buti alam mo

"Pre! Gising ka na?" sabi ni Kaleb

"Hindi! Tulog pa" pamimilosopo naman ni Max. Pinabayaan ko muna sila dun sa loob at lumabas ako.

"Oh Hazen? Dika pa ba papasok?"

"Mamaya na lang. Sisiguraduhin ko munang maayos yung kalagayan nung asawa ko" asawa niya? Potek? Kinasal na siya

"Asawa mo?" maang maangan pa ko

"Eto namang asawa ko nakalimutan kaagad eh" ewan ko ba pero naiinis ako

"Ano bang problema mo? Tumigil ka nga!" mag walk out na ako.

Ewan ko lang ha! Pero akala ko talaga pormal yung Hazen na yun. Na mi miss ko talaga si Hawk!

"Sandali Yasmine!" habol niya

"Oh? Ano?"

"I'm just kidding. Pasensiya na" ahy pormal ka din pala eh

"Ayos lang! Bakit ba kasi kailangan mong mang asar ng ganun"

"Wala naman. I just wanted to be your friend"

"Yun na yun? Hay! Hindi mo na kailangan na mang asar, ganyan ka ba makipag kaibigan?"

"Oo HAHAH. Ewan ko. Di naman kasi ako nakikipag kaibigan noon eh."

"So ano?"

"Ahm... Friends?" ket more than friends pa. Char

"Friends"

"Eh, mamaya na yan newly wed!" sigaw ni Kaleb. Baliw ba yun?

"Huy kaleb. Yung kanina, wala lang yun. It's just a game" sabi ko

"Ewan ko lang kung masabi niyo pa yan bukas HAHAHA sige na! Mauna na kami ni Max." ano nanaman ba pinagsasabi nitong lalakeng toh?

Umalis sila pareho. Nakakapagtaka naman at hindi nagsasalita si Max.

Biglang dumating si Jacob

"Oh, andito pala ang newly wed" bakit lahat nalang

"Bibisitahin mo ba si Dane o yung asawa ko?" tanong ni Hazen. Para namang ano toh. "Alam kong nililigawan mo siya" dagdag pa niya.

"HAHAHA baliw. Si Dane talaga pinunta ko dito. Isa pa, Ayos na sakin yung pag reject ni Yasmine. Isa pa, gusto ko nang makipag ayos sa inyong apat. Pero saka na yun. Oh siya, dun na ako. Bye sainyo ng asawa mo HAHAHAHAH" baliw din kasi yong Hazen na toh. Pero in fairness, kung tutuusin, ayos na ako dahil okay na kay Jacob yung pag reject ko sakanya noon.

"Huy! Wag mo na nga akong tawaging asawa mo!"

"Sorry HAHAHSHA diko mapigilan"

"Oh siya, uwi na ako"

"Sige, kakausapin ko lang si Dane, bye"

Umalis na ako. Hay salamat, bahay na! Wala nang mang aasar sakin dun. Ang bigat naman nitong box. Pag uwi ko, binaba ko yung box.

"Yasmine" sigaw ni mama

"Po?"

"Asan na yung son-in-law ko?" ano nanamang pinagsasabi ng nanay ko

"Ha?"

"Nakita ko yung post ng kaklase mo! Ang gwapo niya!" nanay ko ba to?

"Ma naman, booth lang yan. Tas ginawa lang kaming example kasi walang gustong magpakasal"

"Eh! Bagay naman kayo eh."

"Hay naku naman pati ba ikaw ma?"

"Eh! Ewan ko sayo! Sige na magpalit ka na ng damit"

Pumasok na ako sa kwarto ko. Nakaka stress naman tong araw na toh. Pati nanay ko inaasar ako. Uhuu. Tapos isa pa tong Laging nag te text sa akin. Sino ba kasi to? May pa passionate passionate pang nalalaman eh.

Na mi miss ko na talaga si Hawk. Kahit anjan na siya bilang si Hazen, iba padin yung pagka miss ko sakanya eh. Iba talaga si Hawk.

*Next day*

Habang naglalakad ako, lahat ng tao nakatingin sa akin ano bang problema nila?

Nakarating na ako sa classroom ko. Lahat sila nag titinginan sakin. Dumiretso ako sa upuan ko

"Laurel, anong nangyari? Bat nakatingin silang lahat sakin"

"Ano pa bang i e expect mo? Eh kinasal kasalan ka kahapon. Tapos kay Hazen pa!" sabagay may point siya. Uhuuu ano ba yan. Tas aning problema nitong babaeng toh? Abot langit ang ngiti

"Huy! Bakit ganyan ngiti mo"

"Wala naman"

"Anong wala naman alam ko yang ganyang ngiti. Si Jacob yan noh?"

"Huh? Hindi ah"

"Ikaila mo pa"

"Oo na! Tama ka! Eh kasi ang cute niya eh" di ko ikakailang cute nga talaga si Jacob

"Ay sus! Ano nangyari?"

"Eh! Basta! Bawal sabihin"

"Luh? Eh di wag! Malalaman ko din yan, musta naman na si Dane?"

"Ayun hanggang bukas pa siya dun. Madami pang test ang gagawin sakanya"

"Ganun ba?"

Tumango siya, nanakangiti padin siya. Saktong pumasok sa loob ng classroom tong si Hazen.

Hindi niya ako kinausap. Buti naman ayokong kung ano nanaman sasabihin ng mga tao samin. Tahimik lahat hanggang...

"Class, pinapunta kayo dito para sabihing wala kayong pasok ng 1 week. Dahil lahat ng teachers ay may naka assign na projects. You can go" ang saya saya nilang lahat.

Samantala ako. Naiinis. Bakit? Siyempre ikaw pa ba naman papasukin para sabihing walang pasok.

Lumabas na ako dahil ayoko na ng kung ano ano pa. Dumaan ako sa ospital para kumustahin si Dane.

Sakto nandito na ako. Pagpasok ko, narinig kong may kausap si Dane. Pamilyar yung boses. Pero hindi na ako pumasok.

Maya maya lumabas yung kausap niya. Sabi ko na nga ba. Tama ako, Lady Manes

"Sandali, pwede ba tayong mag usap?" sabi ko

"Sige"

"Totoo ba ang tungkol sa inyo ni Dane?"

"Paano mo nalaman

"Wag kang mag alala, sa atin lang toh. Mahal mo ba siya?" humarap siya sa pintuan nung kwarto ni Dane

"Bakit mo ba tinatanong ang mga to?"

"Dahil gusto kong malaman. Dahil alam kong mahal na mahal ka niya"

"Wala na sayo yun"

"Sige, hindi na kukulitin tungkol sakanya, tungkol toh kay Hawk"

"Bakit? Hindi bat buhay na siya?"

"Opo, pero. Bakit nung kaluluwa siya saakin niyo siya inilapit?"

"Hindi ako ang nag abot sakanya sayo. Siya ang pumili sayo"

"Po? Lady Manes? Asan na kayo" mahilig maglaho tong lady Manes na to eh.

Anong ibig sabihin niya na si Hawk ang pumili sa akin?

It's YOUWhere stories live. Discover now