Chapter 26

80 8 1
                                    

Yasmine's P.O.V.

*One week later*

Eto na yun yung event sa school. Pagbukas ko ng wardrobe ko... Seryoso toh? Dress nalang damit ko! Aish! No choice ako kundi isuot yung dress kong puti

"Nak? Nag dress ka?" gulat na gulat si mama

"Opo na, no choice eh. I gotta go na"

"Oh anak! Wag mong kalilimutan yang box ah?"

"Opo mama, sige na mauna na po ako"

"Okay anak, enjoy"

Lumabas na ako. Ang bigat bigat din pala nito.

Pagdating ko ng gate, sakto sakita ko si Kaleb.

"Yasmine! Yan na ba yun? Wow? Naka dress ka?"

"Ah oo"

"Oh siya, tulungan na kita. Dun tayo sa feild ngayon"

"Ah sige sige". Nauna na siya dun. Nakita ko si Laurel. Hirap siya dun sa mga damit na dala dala niya.

"Laurel! Need help?" tanong ko

"Sige, pakidala tong belo, tas may bulaklak jan at... Wait? Naka dress ka? Mayghad Yasmine! Ang ganda mo!"

"Luhh, sige na halika na sa feild"

Pagdating namin sa feild, nag ayos na agad kami ni Laurel. Wala pa sina Hazen at Dane.

Nasa tabi lang pala namin yung booth nina Tiffany. Kasama naiya sina Max at Jacob. Lahat sila nakatingin sakin. Siguro dahil toh sa dress ko.

Inayos ko na lahat, pati yung sunset na background. Ipinalibot ko na rin yung Christmas lights. Ang ganda!

Tapos na namin yung pag de design. Inayos naman na ni Laurel lahat sa gilid. Saktong dumating na si Dane

"Dane! Oh eto yung suot nung father" abot ko sakanya.

"Teka? Naka dress ka tol?" tanong niya. Lahat nalang ba ito napapansin

"Oo, oh siya, magsuot ka nalang niyan" sabi ko. Isinuot naman na niya. Sinuot na rin ni Kaleb yung pang sakristan niyang damit

Asan na kaya si Hazen.

Ayun! Dumating din! Akala ko di na siya dadating eh. Ngayon lang ako nakita ni Hazen na nag dress. Pero mukhang hindi bago sakanya yun kasi siyempre, ngayon lang kami nagkita. Pero nagulat ako nung lumapit siya sakin

"Yasmine? Is that you? And... You're wearing a dress?" ay napansin din

"Ahh oo, oh siya siya. Suot mo na yung pang sakristan mong damit"

Naka ayos na kaming lahat. Pero bago mag start, pinapunta muna kami sa gitna para sa maliit na program.

"A blessed Good morning Cadavona University. So we are here to celebrate the founding day of our school. So bilang celebration. Meron tayong hinandang booths. Meron tayong, photo booth, jail booth, horror booth, at marriage booth. So enjoy your day. Once again a blessed good morning to all of you"

Bumalik na kami sa pwesto namin. Pansin ko na madami nang nasa jail booth. Ibang klase din ang dami nilang hinuli. HAHAH. Ganun na din sa horror booth. Madaming nagtitilian sa maliit na tent nila. Pero pinakamadami sa photo booth. Ang galing nila Tiffany na mag operate eh.

Sa amin? Wala! Walang may gusto

"Bakit para yatang walang gusto sa atin?" tanong ni Kaleb

"Ano ka ba? Siyempre kasalan itong sa atin eh. Sino bang gustong magpakasal?" singit ni Dane

It's YOUWhere stories live. Discover now