Chapter 3

188 10 2
                                    

Yasmine's P.O.V.

Walang pasok ngayon, hindi ko alam kung bakit. Nasa work si mama. Ako lang mag isa sa bahay. Ay hindi. May kasama pala ako.

"Oh? Bat nasa balcony ka?" tanong ko

"Wala, nga pala, Yasmine. Gusto ko lang na malaman mo toh, 1 year na nung namatay ako. At gustong gusto ko ng hustisya. Gusto kong hanapin yung pumatay sakin. Gusto ko siyang gantihan. Nagagalit ako sakanya. Pero dapat pigilan ko yun, dahil pag hindi ko yun na control, magiging masamang multo ako. Ganun ang nangyayari sa mga masasamang multo. Masyado silang nagagalit kaya pumapatay sila ng tao. Ayokong dumating ako sa puntong ganun. Kaya Yasmine, kapag hindi ko na kontrol ang sarili ko, kumuha ka ng cross, at itapat mo sa dibdib ko para mawala na ako ng tuluyan" sabi nito.

"A-ahh sige, teka, bat ba galit na galit ka, malay mo pati yung nakabangga sainyo napano din pala" sabi ko

"Kasi, hindi ko maalala yung family ko, alam kong may pamilya ako pero diko sila maalala. Hindi ko nga rin alam kung saang ospital ako dinala. I didn't knew them. Hindi ko din alam kung asaan ako inilibing, para sana maalala ko ang pangalan ko" sabi nito

"Sige ganito nalang, para hindi ka malungkot, ako ang pamilya mo, so ano? Friends ba tayo?" tanong ko

"Sinong makikipagkaibigan sa isang muto?" tanong niya

"Ako! Friends na tayo ha?" sabi ko

"Oo na" sabi niya sakin

"So ano, may balak akong gumala HAHAHAH, sama ka?" tanong ko

"Hindi mo na kailangan itanong yan, may connection tayo noh. Kahit san ka magpunta dapat andun ako. May maximum tayo ng 500 meters, kaya hindi tayo malalayo sa isat isa."sabi niya

Ang galing naman nun.

Nagbihis na ako, gumala kami HAHAHAH. Grabe unang beses kong gagala kasama ang multo. I mean, unang beses kong gagala ng may kasama. Madalas kasi wala ako lang mag isa eh.

"Halika na" sabi ko saknya. Hihilain ko sana siya. Kasi hindi ko siya mahawakan.

"oo nga pala, hindi kita mahahawakan" sabi ko sakanya.

"HAHAHAH, nga pala, Yasmine. Pwedeng dun tayo sa beach malapit dito pumunta?" tanong niya sa akin

"Sige, sure" sabi ko naman dito.

Malapit lang yung beach na tinutukoy niya sa amin. Since bago lang ako dito, pinuntahan ko nalang rin.

"Wow, ang ganda naman dito" sabi ko.

"Hintayin mong mag sunset mas gaganda pa yan" sabi niya.

Tinignan ko yung relo ko, at 1:40 na, matagal pang mag sunset.

"Mukhang matataglan yata tayo dito ah, wala pang sunset oh," sabi ko.

"Hindi lang sunset maganda dito" sabi niya

"Meron paba?" tanong ko

"Oo, yung mga seksing babae dun oh" sabi niya

"Tss! Para ka rin palang ibang lalake eh" sabi ko.

"Hoy ibahin moko sakanila, mabait kaya ako" sabi nito

"Mabait? Talaga?" sabi ko

"Oo nga, edi sana pinatay na kita" sabi niya. Natulala naman ako

"Huy biro lang eto naman" sabi nito

"Hindi yun magandang biro, hindi nakakatuwa" sabi ko

"Eh, sorry na oh" sabi nito

"Oh siya, hintayin nalang natin mag sunset" sabi ko.

"Eh, anong oras naba?" tanong nito

"2:00 palang, matagal pa" sabi ko

"Gusto mo bang mag ice cream?" tanong nito. Kung makapangyaya din akala mo kung manlilibre

"Sure naman" sabi ko

"Ayun, dun tayo" sabi niya

"Masarap ang Ice cream nila dun" sabi niya

"Huh? Eh pano mo naman nalaman?" tanong ko

"Wala naman, pakiramdam ko kasi masarap eh" sabi niya.

"Bakit, di kaba nakakakain? I mean, multo ka, so hindi ka kumakain?" tanong ko

"Nakakakain naman" sabi niya

"Pano?" tanong ko

"Hmm, ganito. Yung mga bulok na pagkain. I mean, yung mga hindi na pwedeng kainin ng mga tao dahil nasayang, pwede naming kainin. Pero hindi bilang bulok na pagkain. Kundi masarap talaga" sabi niya.

"Weh? Sige nga, pano yun, sandali bibili ako nung ice cream" sabi ko.

Bumili ako ng dalawang ice cream, isa sakanya at isa din sa akin.

"Ihulog mo ung ice cream" sabi niya

"Huh? P-pero"

"Ihulog mo nalang" sabi niya. Hinulog ko naman.

At laking gulat ko nung pinulot niya yun ng malinis. Ganun pala yun. Ang galing naman.

"Salamat dito" sabi niya

"Wala yun" Sabi ko.

Nag usap lang kami ng nag usap. At grabe, nag enjoy akong kausap ang isang multo.

Nang tignan ko ang relo ko. Uy, 6:00 na pala, namalayan.

"Uy, sunset na" sabi nito.

"Wow, ang ganda naman dito" sabi ko.

"Oo, tignan mo, nagiging purple yung color nung sunset. Ang ganda diba?" sabi naman niya

"Kaya ba gusto mong pumunta dito?" Tanong ko

"Oo lagi akong nandito pag wala ako" sabi niya sakin.

"Madilim na, uwi na tayo?" tanong ko sakanya.

"Sige, halika na" sabi niya.

Pag uwi ko ng bahay, saktong andun na din si mama.

"Oh, san ka galing?" tanong niya

"Diyan sa malapit na Beach" sabi ko.

"Ahy ganun ba? Musta naman dun nak" tanong ni mama

"Ayos naman po. Ma? May problema ka ba?" tanong ko sakanya

"Wala anak, magpahinga kana, I love you" sabi niya sakin at hinalikan ako sa noo.

Pumasok na ako sa kwarto ko.

"Oh? Anong problema?" tanong ni Hawk

"Wala naman, si mama kasi. Hindj siya ganun eh, parang may problema siya. Hindi ko lang alam kung ano" sabi ko

"Eh di lapitan mo, kausapin mo" sabi niya.

"Huwag muna, kailangan pa niya ng space para makapag isip isip" sabi ko

"Sige, ikaw bahala" sagot niya, at pumasok sa cabinet ko

Hindi ko alam kung bakit komportableng komportable siya sa cabinet ko, eh amg sikip sikip kaya dun. Puro pa damit ko.

*Kinaumagahan*

School nanaman, hay naku. Hindi nan sa ayokong pumapasok. Ayoko lang sa mga taong nandun. Nakakainis kasi masyado eh.

"Yasmine!" sigaw ni Hawk

"Hawk? Bat ka nandito? Tas bakit ka sumama" tanong ko

"Wala naman nakakamiss din itong school eh. Tas hindi naman ako makikita dito eh. Multo ako, remember?" sabi nito sakin

"Oo na, oo na" sabi ko. Habang naglalakad ako, naabutan ko sina Tiffany.

"Si Tiffany" bulong ni Hawk

"Miss mo na siguro siya noh?" tanong ko

"Sobrang miss ko na, kung alam mo lang" sabi niya.

Nadaanan ko si Tiffany, huminto ito at tumingin sa akin. Parang nagulat siya.

"H-Hawk?" nagulat siya pagkasabi niya nun

It's YOUWhere stories live. Discover now