Chapter 34

74 7 0
                                    

Max's P.O.V.

Araw araw kong pinagsisisihan yung ginawa ko one year ago. Sinisisi ko yung sarili ko. Gawa ng galit at poot nagawa mo yun.

Si Jacob lang ang kaibigan kong hindi ako iniwan kahit alam kong nanjan padin sina Hazen, Kaleb at Dane.

Kaya nung nalaman ko na engaged sina Hazen at Tiffany, alam kong nasaktan nun si Jacob. Sa sobrang sakit ng naramdaman niya, naisip niyang tapusin yung buhay niya.

Dala ng galit, sinisi ko si Hazen. Sinisi ko siya sa lahat ng bagay. Lalo na sa kung bakit nagkakaganun si Jacob. Naisipan kong disgrasyahin siya. Alam nina Jacob, Kaleb, at Dane yun. Pero mali sila ng iniisip.

Tinititigan ko nalang tong picture namin noon. Habang kinukwento ko ng maingay sa sarili ko ang nangyayari. Ganito ako maging komportable. Tinugnan ko uli yung picture namin saka ako nagsalita ng malakas para ikwento sa sarili ko.

*Flashback*

"Pre! Kumalma ka lang"  pigil sa akin ni Kaleb

"Ano bang pake mo! Sinaktan niya si Jacob" sabat ko

"Hindi yun rason para magalit ka sakanya. Binugbog mo siya! Tignan mo nga ginawa mo!" sigaw ni Dane

"Kung hindi mo sana naging fiancé si Tiffany hindi masasaktan ng ganito si Jacob" hindi makaimik si Hazen dahil sa panununtok ko sakanya

"Tama na nga Max! Sumusobra ka na! Kaibigan mo padin siya" sigaw sa akin ni Kaleb.

Umalis na lang ako. Hindi ko mapigilan yung galit ko. Gusto ko siyang patayin!

*a week after that day*

Alam ko yung balak ni Tiffany ngayon. Narinig ko yung mga plano niya kanina. Dapat ko siyang mapigilan. Hindi dapat toh matuloy.

Gustong gusto ni Tiffany na mahalin siya ni Hazen. Ang nakikita niyang paraan dito ay bagukin si Hazen upag ma amnesia at makalimutan ang lahat. Nababaliw na talaga siya, handa niyang patayin si Hazen para lang sa ikasasaya niya. Alam niyang buhay ni Hazen ang nakataya dito

Galit na galit ako kay Hazen, pero hindi ko magagawang saktan siya. At hindi ko din makakaya kung may manyaring masama sakanya. After all, kaibigan ko padin siya. Dapat mapigilan ko si Tiffany sa balak niya.

Pumasok na ako sa kotse ko para sundan yung van nina Hazen. Sana hindi pa ako huli. Sana maayos padin siya.

Sakto nakita ko na yung van nila. Nakita ko si Tiffany sa harapan ko. Baliw talaga siya! Talagang itutuloy niya yung balak niya. Hindi ko kayang mawala si Hazen sa akin.

Binilisan niya na yung takbo niya para banggain si Hazen. Pero hindi ko siya hinayaang gawin yun. Binangga ko yung sasakyan niya. Bago mabangga yun, nakatalon siya agad. Sumabit pa nga yung kaliwang beaso niya. Sa sobrang lakas ng tama ko sa kotse niya, tumilapon ito sa van nina Hazen. Dahilan para maaksidente siya.

Nakatakbo agad si Tiffany, gusto ko pa sana siyang habulin pero hindi ko na nagawa. Buti nalang may dumating na ambulance.

Galos lang ang natanggap nina tito at tita, pero nauntog si Hazen. Dahilan para ma comatose siya.

"Walang hiya ka! Hayop ka!" hindi napigilan ni Dane yung sarili niya at sinuntok ako

"Dane, mag hunos dili ka!" sigaw ni Kaleb. "Hindi pa natin alam ang tunay na nangyari."

Hindi nalang ako umimik. Napagdesisyonan namin eag nalang ipagkalat yun. Gusto kong sabihing si Tiffany yun. Pero wala akong evidence. Yung kotse kasi na ginamit niya bagong bili at hindi na register. Kasalanan ko ng lahat ng to!

*End of flashback*

Hanggang ngayon kapag inaalala ko yan, hindi ko mapigilang umiyak. Masakit habang binibigkas ko yung mga salita. Pero sa ganung paraan lang ako kumakalma.

"So ganun pala yung nangyare?"

"A-anong g-inagawa mo dito?"

"Max yung totoo! Ganun nga ba yung nangyare"

Tumango lang ako.

"Bakit hindi mo sinabi!"

"Kaleb pag sinabi ko ba maniniwala kayo? Ang hirap paniwalaan"

Bakit ko pa kasi kinwento ng malakas sa sarili ko

"Kahit na! Dapat sinubukan mo munang magpaliwanag!"

"Wala na ring kwenta pagpapaliwanag ko Kaleb. Ayoko na ring mapahamak si Tiffany dahil sa ginawa niya. Da mga oras na yun, ayaw ko siyang ilaglag dahil mahal na mahal siya ni Jacob"

"Ayan ka nanaman eh, puro si Jacob ang iniisip mo. Pre! Hanggang ngayon ba hindi mo parin kami napapansin? Mahal na mahal ka namin. Kahit sina Hazen at Dane. Pare andito naman kami oh?"

"Hindi mo naiintindihan"

"Tama ka! Hindi ko talaga maintindihan. Bakit? Sa ating lima ako lagi yung nasa gitna. Si Hazen at Dane, magkababata. Ikaw at si Jacob, mas matagal naging magkaibigan. Eh ako? Mag isa ko lang! Wala akong kasama lagi! Talang hindi ko yan kayang intindihin" napaluha na siya.

"K-Kaleb"

"Wag ka nang magsalita. Alam ko na yung katotohanan. Pero hindi ko muna ipagsasabi kahit kanino. Dapat ikaw ang magsasabi nito Max."

"Pero pag sinabi ko, si Jacob"

"Max hindi na gusto ni Jacob si Tiffany! Hindi mo parin naiintindihan? Pangalan at dignidad mo nakataya dito. Tsaka tandaan mo, si Hazen din napahamak. Mag isip ka Max!"

Natigilan ako

"Ahm, sige. Bigyan mo muna ako ng time na mag isip. Pero Kaleb, Nakikiusap ako sayo. Pwede bang sa atin sa atin lang muna ito. Ayoko munang biglain yung mga pangyayari"

Tumango siya tsaka umalis.

Napa upo nalang ako. Hindk ko mapigulamg lumuha. Napaka duwag ko, ni magsalita hindi ko kaya. Napaka hina kong tao, bakit kasi nangyari pa to one year ago. Bakit? Bakit!

Sinisisi ko sarili ko. Bakit kasi hindi ako nag isip. Patawarin mo ako Hazen. Patawarin mo ako. Lagi nalang akong hadlang sayo.

Patawad Hazen...

It's YOUWhere stories live. Discover now