Chapter 15

94 9 1
                                    

Hawk's P.O.V.

Hanggang ngayon nasa isip ko padin yung pinag uusapan ng dati kong tropa. Oo, magkakaibigan kami noon. Pero private masyado yung friendship namin. Si Tiffany nga lang yata nakaka alam ng friendship namin. Two years ago nung naging magkakaibigan kami. Pero umalis agad si Jacob. Ewan ko ba dun. Lima kaming magkakaibigan. Talagang hindi mawala sa isip ko yun. Ano ba naman yan! Napaka bingi ko naman kasi para hindi marinig yung pangalan na binanggit nila. Pero hindi padin sila nagbago. Si Kaleb, mukhang babaero padin. Si Dane nerdy padin,pero kahit nerd yun malakas yung topak nun, malakas din uminom HAHA. Si Max, mayaman padin. Hayst. Bakit kasi naaalala ko lang yung isang tao kapag nakikita ko.

"Huy!"

"Anak ng tilapia!"

"Gulat na gulat?"

"Eh nakakagulat ka! Dinaig mo pa ang multo!"

"Eh ikaw naman kasi, tas ano ba kasi yang iniisip mo? Sobrang lalim kahit walang tubig malulunod ako"

"Wala"

"Wala? Sabihin mo na kasi"

"Narinig ko kasing nag uusao sina Jacob tas mga barkada niya"

"Ah, ung mga kasama niya parati?"

"Hindi! Alipin niya yung mga kasama niya lagi. Ibig kong sabihin yung totoong barkada niya. Kami yun"

"Wait ano?"

"Hays, ganito kasi. Yasmine Wag mong ipagkakalat ah!"

"Oo, ititikom ko bibig ko"

"May group of friends kami noon. Ako, si Jacob, Dane, Kaleb, at Max"

"Teka teka. Eh magkakahiwalay na building yung mga yan eh. Pano kayo magigung barkada"

"Two years ago lang kami naging magkakaibigan, pero tinago namin yun. Ewan ko, basta ayaw lang naming ipagkalat. Pero nung mga ilang buwan na kami, umalis si Jacob. Ewan ko dun. Kanina sinundan ko si Jacob, pinag uusapan nila ako"

"Weh? Eh di, nalaman mo na totoong name mo?"

"Hindi nga eh"

"Aww, eh ano daw sabi?"

"Nasa States daw katawan ko, hindi daw nila alam kung buhay o patay ako. Pero bakit ganun? Di ba obvious na patay na ako, kaluluwa na nga ako oh"

Binatukan niya ako. Aray ko, bat naramdaman ko yun.

"Nag iisip ka ba? Siyempre, multo ka eh, eh di hindi nila alam na kaluluwa ka na, hindi ka nga nila nakikita. Hay naku"

Oo nga, may point siya. Napaka galing ko din eh.

"Eh anong gagawin natin ngayon"

"Bayaan mo nalang, sa pagkakataong mahanap ko na si Lemure at natalo na siya, malalaman ko na rin yung katotohanan"

"Hhh, halika na, uwi na tayo"

"Sige tara na"

Habang nasa daan kami, tinitignan ko kung nasa paligid ba si Jacob. Malamang bubusina nanaman yun. Well, buti naman at wala siya. Kung anjan siya naku.

Nakarating na kami sa bahay nina Yasmine. Niyakap niya yung mama niya mula sa gate.

"Mama!" nakakatuwa talaga si Yasmine oag ganyan siya sa mama niya, ang cute cute niya kasing tignan eh.

"Nak! Buti nakauwi ka na, nga pala. May bisita ka"

Si Yasmine may bisita? Eh sino namang bibisita sakanya

It's YOUDonde viven las historias. Descúbrelo ahora