Chapter 29

74 6 0
                                    

Yasmine's P.O.V.

Anong ibig niyang sabihin dun. Aish! Kaiisip dun nakalimutan ko nang nandito ako para kay Dane

"Dane? Kumusta naman na lagay mo?"

"Yasmine? Ayos lang naman. Bakit dika pumasok?"

"Walang pasok ngayon Dane"

"Narinig kong nag uusap kayo ni Lady Manes kanina, tol, pwede bang wag mo na siyang kulitin sa akin?"

"Bakit naman?"

"Basta!"

"Sige sige. Magapagaling ka na ha? Mauna na ako sayo"

"Sige, mag ingat ka Yasmine"

"Sige"

Umalis na ako.

Napagdesisyonan kong dumaan sa Park. Umupo ako sa ilalim nung puno.

Bumili ako ng shawarma. Hays. Naalala ko nanaman siya.

"Can I join you?" kilala ko yun ah

"Sure"

"Ewan ko ba, pero parang memorable tong lugar na ito para sa akin"

"Talaga? Bakit?"

"Ewan ko din"

"Nga pala, tanong lang. May naalala ka ba noon na isang lalake na binu bully at binubugbug tas dinala mo sa ospital kaso nawalan siya ng buhay?"

"Oo, pano mo nalaman yang bagay na yan?"

"Wala, nabalitaan ko lang siya"

"Alam mo, na gui guilty talaga ako. Tuwing naalala ko yung pangyayaring yun, nagsisisi ako dahil hindi ko siya nadala ng mas maaga. Ang sakit lang sa loob."

Sa pagkakataong yun, alam kong si Hawk yung kausap ko. I mean, naalala ko lang nung nagkakaganun si Hawk.

"Ayos lang yan, at least kahit papa ano nadala pa siya sa ospital"

"Hay, oo nga naman." bigla siyang napahawak sa ulo niya.

"Oh, ayos ka lang ba?"

"Oo ayos lang ako"

Hazen's P.O.V.

Bat ganito? Ang sakit ng ulo ko. Sobrang sakit. Hindi lang yun. May nakikita ako sa direksyon na yun na dalawang lalakeng nag uusap.

Hindi ito yung unang beses na nangyari. Minsan nang nangyari toh sa library. Nung nakita ko yung libro na nasa desk nun sa library, yung tungkol sa Wight. Nakita ko si Yasmine na nakatayo at parang may kausap na babae. Ano bang nangyayari sa akin?

Hindi naman siguro ako na e engkanto dahil hindi naman sila totoo.

"Sigurado kang maayos ka lang?" tanong niya uli

"Oo"

Ewan ko ba, pero tuwing nakikita ko si Yasmine, feeling ko matagal ko na siyang kilala. Para bang nakilala ko na siya noon. At parang may special connection kaming dalawa. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.

"Teka, Yasmine. Sina Jacob at Laurel ba yun?" tanong ko sakanya

"Oo nga noh" tumayo siya. Pero hinawakan ko yung kamay niya

"Teka, pabayaan mo nalang silang dalawa"

"Sige" umupo siya. Hawak ko padin ang kamay niya at kinakabahan ako. Agad agad ko namang binitawan ko yung kamay niya.

"Sandali, cr lang ako" tumango siya.

Kinuha ko yung phone ko para i text siya. Ako yung laging nag te text sakanya.

It's YOUWhere stories live. Discover now