Chapter 4

158 8 0
                                    

Yasmine's P.O.V.

"H-Hawk?" nangangambang sinabi ni Tiffany habang nakatingin sa akin.

So ano toh? Nakikita niya si Hawk?

"Excuse me?" tanong ko

"Hawk? You're wearing a Hawk t-shirt? Seryoso ka ba? Tss" sabi niya

Napatingin ako sa t-shirt ko, naka t-shirt ako na may design na Hawk. Hays. Akala ko na kung ano. Umalis na sila at pinagtawanan ako.

"Kinabahan ako dun ah, ikaw ba, Hawk? Hawk? Uy nasan ka?" pagtingin ko sakanya wala siya.

"Huy! Nasan ka!" sabi ko

Pumunta ako kung saan saan, pero hindi ko siya nakita. Asan na ba yung lalakeng yun? Jusko naman.

Pumunta ako sa bodega, nagbabakasakali akong nanduon siya.

Tama nga ako.

"Uy Hawk an-"

"Shh! Tumahimik ka, may nararamdaman ako" sabi nito.

"Anong meron?" bulong ko sakanya

"Hindi lang tayo ang nandirito" sabi niya.

Naramdamam ko yung sinabi niyang yun, tumayo ang balahibo ko.

"Magpakita ka!" sigaw niya.

May narinig akong kalabog at mga bulong ng hangin. Unti unti na akong kinakabahan

"Yas, lumabas kana" sabi nito sakin

"Huh? Pero di kita pwedeng iwan" sabi ko

"Lumabas kana!" sabi niya. Dali dali naman akong lumabas.

Hawk's P.O.V.

"Nasaan ka!" sigaw ko. Alam kong naririto lang siya. Nararamdaman ko siya.

"Ako ba ang hanap mo?" sabi niya. Siya ang multo ng bodegang eto. Isa siyang nerd na pinatay ng mga bully.

"Ikaw..." matagal na dapat siyang wala... "Bakit hindi ka pa pumunta sa kabilang buhay?" tanong ko sakanya

"Hindi mo naiintindihan, kailangan din nilang mamatay" sabi niya

"Ikaw ang hindi nakakaintindi, kailangan mo nang tumawid sa kabilang buhay! Kung hindi ka pa makatawid dun, maaaring hindi ka sa langit mapunta" sabi ko

"Wala akong pakealam, ang mahalaga, mamatay silang lahat! Eh ikaw? Ha? Hindi mo rin ba nais na maging payapa ang buhay mo?" tanong nito.

"Hhh, tingin mo talaga madadaan mo ako sa ganyan." sabi ko.

Inatake niya ako. Sinubukan ko siyang labanan. Pero hindi ako makagalaw. Masyado siyang malakas. Isa siya sa masasamang multo.

"Hawk!" sigaw ni Yasmine mula sa pinto.

"Yasmine" sigaw ko, lumapit sakanya yung multo.

"Hindi! Yasmine idikit mo sakanya yung krus!" sigaw ko.

"A-ahh, sige" pumikit siya at naidikit niya ang cross dun sa isa pang multo.

"Hindi" sigaw nito at unti unting naglaho.

Tumakbo si Yasmine papalapit sa akin

"Hawk? Ayos ka lang ba?" tanong niya

"Oo ayos na ako." sabi ko

"Eh, bat mo pa ba nilabanan yung multong yun?" tanong niya

"Hindi ko pa ba nasabi sayo?" tanong ko

It's YOUWo Geschichten leben. Entdecke jetzt