Chapter 42

94 8 0
                                    

Yasmine's P.O.V.

Limang buwan na din simula nung hindi kami nag usap ni Hazen.

Gusto ko na siyang kausapin kaso hindi ko alam kung papa ano. Miss na miss ko na siya.

"Yasmine! May tao sa baba!" sigaw ni mama. Tao? Ibig sabihin hindi niya kilala kung sino?

"Sige ma pababa na po" bumaba ako tsaka Dumeretso sa gate.

Pagkadating ko, may taong nakatalikod.

"Sino po sila?" bigla siyang Humarap.

"Shhh" tinakpan niya yung ilong at bibig ko gamit ang isang panyo. Parang may kung ano dun sa panyong yun. At unti unti akong nahilo.

At...

At...

Max's P.O.V.

Limang buwan na din simula nung hindi nag uusap sina Yasmine at Hazen. Eto namang si Lover boy hindi mapakali. Miss na miss na daw niya yung asawa niya.

"Max! Akala ko ba may plano ka para mag usap kami ni Yasmine? Five months na bro!"

"Hazen naman atat masyado. Kumalma ka muna okay?"

"Paano ako kakalma eh limang buwan ko ng hindi nakakausap yung taong mahal ko. I miss her so damn much"

"Oo, alam kong miss mo na siya, next month na natin gagawin yung plano" sa totoo lang wala pa akong naiisip na plano. Sinabi ko lang yun para kumalma siya. Hay Max, palpak ka.

"Next month? Pare naiinip na ako ohh"

"Oo nga pero kumalma ka lang kasi."

Maya maya nag ring yung phone niya. Bigla siyang kinabahan. Kinuha niya yung jacket niya tsaka umalis.

"Huy! Hazen! San ka pupunta!"

Hindi niya ako sinagot. Hindi siya kumibo. Ano nanaman kaya yun. Sa pagmamadali niya naiwan niya yung phone niya

Kinuha ko yung phone niya para tignan kung anong meron. Tinignan ko yung last messege galing sa unknown number.

Hindi... Hindi to pwede.

Dali dali kong tinawagan sina Jacob at Kaleb.

"Pre, punta kayo sa harao ng bahay nina Hazen. Ngayon na. Saka ko na i e explain, basta emergency"

Lumabas na ako ng bahay nila para hintayin yung dslawa. Ang tagal naman nila

Biglang dumating si Jacob.

"Bakit pare anong nangyare?" pinabasa ko yung text message. "Asan si Hazen?"

"Umalis na eh". Pasakay na siya sa kotse niya nang pigilan ko siya. "Sandali Jacob, wag tayong magpadalos dalos. Baka pati tayo mapahamak at hindi maligtas si Hazen."

"Tama ka"

Dumating na din si Kaleb.

"Anong nangyare? Bakit Max?" pinabasa ko din sakanya yung text messege. "Anong gagawin natin? Tas si Hazen? Asan si Hazen?"

"Umalis na siya, pero wag tayong magpa dalos dalos. Hindi natin toh kilala, baka mas mapahamak pa tayo at hindi maligtas si Hazen" dagdag ko

"Halina kayo, puntahan na natin yung address." sabi ni Kaleb. Sumakay na kami sa mga kotse namin para puntahan yung address na nakalagay.

Hay Hazen asan ka na ba kasi?

Hazen's POV

Hindi ako nagkakamali, andito yung address na nakita ko.

"Kung gusto mong makita siya ng buhay, pumunta ka sa address na ibibigay ko, kilala mo na ang tinutukoy ko, 47"

Sino naman kayang mag me messege saki ng ganun? Wala akong pake. Alam kong si Yasmine yung tinutukoy niya. At alam kong kilalang kilala niya ako.

"Andito na ako! Nasan ka!" sigaw ko. Nakita ko si Yasmine sa gitna, nakatali ang kamay at paa. "Yasmine!"

"H-Hazen? I-ikaw ba yan?"

"Yasmine!" papatakbo na ako sakanya nang biglang...

"Napakagaling Hazen... Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig, ghost no. 47, Hawk" ang boses na yun... Kialala ko siya

"T-Tiffany? Ikaw yun? Tas Ano bang sinasabi mo?"

"Tama na Hazen, alam ko lahat tungkol sayo. Ako ang tagapagbantay ng mga tao laban sa mga multo. Naninirahan na ako sa mundong ito ng halos isang libong taon, sa loob ng isang libing taon na yun, minsan lang akong umibig. At sayo lang ako umibig ng ganun"

"Ano bang sinasabi mo? Tumigil ka nga Tiffany!"

"Pwede ba Hazen, alam nating minahal mo din ako"

"Oo! Tama kita! Minahal kita noon pa! Pero diba hindi mo naman ako minahal tulad ng pagmamahal ko sayo. Minahal kita bilang sino ka, pero minahal mo lang ako dahil sa pera ko. Kaya nung naging fiancé kita, diring diri ako sayo. Hindi ako magmamahal ng taong minahal ang pera ko pero hindi ako. Tas nakalimutan mo bang sinubukan mo akong patayin?"

"Tama ka, dahil mahal kita. Ikaw mismo ang mahal ko Hazen. Kaya nung nalaman ko na naging multo ka, hindi ako tumigil sa paghahanap sayo. Mahal na mahal kita Hazen!"

"Pasensiya na Tiffany, pero hindi ikaw ang mahal ko"

"Alam ko, kaya kung hindi mo naman ako mamahalin, sisiguraduhin kong wala ka ng mamahalin"

"Anong sinasabi mo?"

"Kung hindi mo ako mamahalin, hindi. Mo na rin pwedeng mahalin si Yasmine! Sumama ka na sa best friend mo Yasmine. Para hindi malungkot si Dane" tumawa siya. Nahihibang na talaga siya.

"Itigil mo na yang mahibangan mo!" sigaw ko

"Eh kung ayoko? May magagawa ka ba dun ha?"

"Isa kang baliw!" sigaw ni Yasmine. Napalingon kami ni Tiffany sakanya.

"Did you just..."

"Tama na Tiffany! Baliw ka na talaga!" dagdag pa nito.

"Sinasabihan niyo ako ng baliw? Magsama kayo" sabi niya. "Huliin siya!" turo niya sakin.

Pinahuli niya ako sa dalawang multo. Hindi ako makalaban. Itinabi nila ako kay Yasmine.

"Yasmine, ayos ka lang ba?" tanong ko kay Yasmine

"Hazen... Bakit ka pumunta, mapapahamak ka lang eh"

"Shhh, di ba nangako ako sayo, na habang nandito ako sa mundong ito, proprotektahan kita"

"A-Ano?"

"Pinangako ko yun diba? Pinangako ni Hawk..."

"Naaalala mo na?" tumango ako.

"Awww, ang sweet niyo naman. Sabagay, eto na yung last niyong lambingan." naglabas siya ng baril. "Sinong uunahin ko? Si Yasmine? Or si Hazen? Maganda siguro pag si Yasmine para maramdaman din niyang maging multo" sabat ni Tiffany

"Wag! Ako nalang ang saktan mo" sigaw ko.

"Hawk..." bulong ni Yasmine

"Shhh... Barilin mo na ako Tiffany" sabi ko

"Hindi! Ako! Ako nalang" sigaw ni Yasmine

"Heh! Masyado kayong sweet! Mamatay lang din kayo!" kinasa niya na yung baril. "Mamatay na kayo"

"Hindi! Walang mamatay sakanila!" sigaw ng isang babae.

Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Siya... Siya nga... Buti dumating siya...

It's YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon