Chapter 18

71 8 0
                                    

Yasmine's P.O.V.

Masaya ako ngayon. Masaya dahil sa mga sinabi ni Hawk. Alam ko na yun eh. Halata naman. Ang kailangan ko lang is yung umamin siya. Pero, natatakot ako. Kasi multo siya. Aalis din siya at iiwan ako.

Hinarap niya ako sakanya. Nagpakita siya ng malungkot na mukha.

"Hindi Yasmine, wag mo akong gustuhin" napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya

"Ano bang sinasabi mo?"

"Yasmine, hindi pwede"

"Hawk? Anong ibig mong sabihin. Gusto kita. Anong masama dun"

"Yasmine, gusto kita, at gusto mo ko. Pero kahit gusto natin ang isat isa hindi pwede eh"

"Anong hindi pwede, ano ba?"

"Yas, tao ka, multo ako. Hindi tayo pwedeng magkagusto ds isat isa, kasi hindi tayo pareho. At isa pa, dadating yung araw na mawawala din ako. Kaya Hindi pwede Yasmine."

Tumalikod siya sakin.

"Hindi Hawk! Wala akong pake, eh ano ngayon kung multo ka at ganito lang ako? Anong problema dun? Gusto kita mapa ano o sino ka man"

Napalingon uli siya sakin

"Ayoko lang masaktan ka" nakita ko yung lungkot ng mga mata niya. Naluha ako.

"Pero Haw-"

"Shh, wag ka ngang umiyak. Sige ka papangit ka lalo niyan. Ayokong masaktan ka sa dulo. Tumahan ka na."

"Wala akong pake"

"Kung ikaw wala, ako meron. Yung malaman mo lang na gusto kita, at malaman ko na gusto mo ko sapat na yun. Pero hindi talaga tayo pwede Yasmine. Masasaktan ka lang" ngumiti siya sakin at umalis. Masaya ako na sakanya ko naibigay ang first kiss ko kahit papano. Ganun pa man, nalungkot ako. Naiyak nalang ako. Bumalik ako dun sa cottege para pakalmahin lang yung sarili ko.

Gabi na. Kalmado na ako. "Halika na Yasmine" napalingon ako sa kanan ko, narinig ko siyang nagsalita. Tumango lang ako.

Habang nasa daan kami, nakayuko lang ako. Tumingin siya sakin at hinarao sakanya "Yas, sorry pala, sorry talaga. Alam kong hindi pwedeng maging tayo dahil multo ako at tao ka. Ayaw lang kitang masaktan. Pero, ipapangako ko sayo. Proprotektahan kita habang nandito pa ako sa mundong ito. hindi kita pababayaan." napangiti naman ako sa sinabi niya.

Pero kahit na. Masakit padin sakin yun. Hinalikan niya yung noo ko. Napangiti naman ako doon.

"Halika na, para naman makapagpahinga ka, may pasok ka pa diba?" nakangiti nitong sabi sa akin. Natuwa naman ako sa sinabi niya.

Nakauwi na kami. Umakyat na ako sa kwarto para magbihis. Umupo ako sa kama ko after kong magbihis. Napatingin ako sa cabinet ko. Pumasok ako. Nakita ko si hawk na nakaupo

Nilapitan ko siya. "Ayos ka kang?" tanong ko

"Oo, pakiramdam ko kasi aalis na ako eh" napatigil ako sa sinabi niya. Kinabahan ako pero masaya para sakanya. Nalulungkot ako dahil ayoko pa siyang mawala

"Pano mo naman nasabi yan, ikaw talaga kung ano ano sinasabi mo"

"Kasi, pakiramdam ko nasa paligid ko lang si Lemure, konting konti nalang. Nararamdaman ko na talaga." sabi niya. Nilagay ko yung buhok ko sa harap ng mukha ko, para hindi halapmtang umiiyak na ako. Hindi ko kayang marinig yung salitang yun.

"Ahh, ganun pala. So masaya ka na ba? Dahil ayun nga. Hehe. Finally" sabi ko habang nakangiti. Hindi ko alam magigung expression ko.

"Masaya naman ako kahit papa ano dahil sa wakas makikilala ko na yung family ko" nakangiti siya habang sinasabi yun. Hindi ko mapigilang mapaluha. "Yas, narinig mo na ba yung kasabihan na 'Some things are treat for the eyes, but watch out for appearances lies'

"Oh? Bakit naman yun?"

"Yun ka" matipid niyang sagot

"Ako? HAHAHA bakit ako?" sabi ko

"Ano ka ba, nakikita ko sa mukha mong nakangiti at masaya ka. Maganda ka pag nakangiti ka. Pero deep inside, I know that you're sad." napatingin ako sakanya. Pinunasan niya yung luha ko "Shh, stop crying. Huwag ka nang malungkot"

Ngumiti lang ako sakanya tsaka niyakap niya ako. Niyakap niya ako. "hanggat nandidito pa ako, proprotektahan kit Yasmine Rawlinson. Hanggat nararamdaman ko ang lupa I won't leave you" sabi niya.

Mahal na mahal kita Hawk.

If a human like me can't love a ghost like you, I'd rather die right now just to be with you...

Ang sakit sakit padin ng mga sinabi niya. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Gumising nalang ako sa kama ko. Ewan ko kung papano ako napadpad dito. Bumangon ako at wala si Hawk. San nanaman pumunta yun. Sumilip ako sa bintana ko. Andun si Jacob sa labas. Naalala ko tuloy si Hawk. Nagseselos yun kay Jacob HAHAHAH yung lalakeng yun. Naligo na ako at nagbihis. Pumunta akong kusina para kumuha ng apple at umalis na din.

"Matagal ka pa ba jan? Sorry pinaghintay kita"

"Ayos lang maghihintay ako para sayo" eh sus! Hanggang salita lang yang mga yan. Napangiti lang ako. Kasi sa totoo lang, hindi naman siya yung gusto ko eh. Si Hawk talaga, oo cute siya, cute si Jacob. Pero kahit anong gawin ko, I only adore him. Pero hindi ko siya gusto.

Sumakay nalang ako sa sasakyan niya at pina andar niya yun. Kanina ko pa iniisip kung nasaan na ba talaga si Hawk. Hindi ko siya nakita mula nung gumising ako. Aish! Asan na naman yung multong yun.

Pagdatin namin sa school, bumaba na ako. Sinalubong naman ako ni Laurel.

"Yasmine!" Aish! Naalala ko nanaman si Hawk HAHAHA. Naalala ko yung pagka defensive niya, naisama pa tuloy niya si Laurel sa kalokohan niya

"Oh, Laurel! Tara na, sige Jacob, mauna na ako ha? Bye!"

"Sige sige , ingat ka!" singit ni Jacob. Nakita ko sa mga mata ni Laurel yung lungkot. Halata naman kasing may gusto siya kay Jacob eh. Aish!

"Halika na Yas!" pero kahit ganun, kahit alam niyang nililigawan ako ni Jacob, ganun padin ang turing niya sa akin. Hindi siya nalulungkot or naiingit.

"Sige ba" bigla kong naalala si Hawk kaya napayuko ako

"Yasmine, may problema ba?"

"Wala"

"Wag mo nang ikaila, alam kong may problema ka"

"Si Hawk kasi, hindi ko siya makita, kaninang umaga pa"

"Baka naman nakikipaglaban siya"

"Hindi! Hindi pwede, huli nang pakikipaglaban kay Lemure, aalis na siya kung ganun"

"Hays, kung totoo man yun, kawawa siya, hindi man lang niya na nasabi sayo yung feelings niya"

"Actually umamin na siya, at ganun din ako. Kaso, hindi pwede, dahil multo siya at tao ako"

"Ano! Napakababaw na dahilan naman niyan! Kung gusto ka niya, gusto ka niya. Kahit pa ba magkaiba kayo"

"Yun nga eh, balang araw, aalis na din siya. Isa pa, sabi niya nasa States daw yung bangkay niya."

"Ha? Eh paano niya yun nalaman?"

"Narinig daw niya yun kay Jacob"

"So ibig sabihin ba nito, nakaka alala na siya? Edi alam niya na katauhan niya?"

"Hindi, hindi pa ganun. Masyado lng magulo ang lahat kung i e explain ko pa sayo. Pero isa lang ang alam ko. Hindi ko ka kayanin kung mawala man siya"

It's YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon