Chapter 32

73 7 0
                                    

Kaleb's P.O.V.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kanina.

*Flashback*

Kahit sinabi na ni Yasmine na wag akong mang espiya, hindi ko napigilan yung sarili ko. Pupuntahan ko lang sana yung tindera ng ice cream. Para kasing ka age ko siya at gandang ganda ako sakanya. Pero hindi ko mapigilan na hindi sundan sina Max at Tiffany, ano ba kasing ginagawa nilang dalawa? At bakit sila magkasama?  Imbes tuloy puntahan ko yung babae, sila yung pinuntahan ko. Nagtago ako sa pader.

"Pwede ba Tiffany, pinagsisihan ko na yung ginawa ko"

"Kahit pa pagsisihan mo yun, wala ka nang magagawa. Tas isa pa, nalaman na ba ni Hazen yun? Na ikaw ang bumangga sakanya?" teka, pano nalaman ni Tiffany yung bagay na yun?

"Anong gusto mong sabihin ngayon?"

"Gumawa ka ng paraan para makuha ko uli si Hazen. Or else, sasabihin ko sakanya yung ginawa mo"

"Napaka babaw mo naman"

"Big deal sakin yun! Kuha mo?"

"Oo na! Oo na! Pero tandaan mo din toh Tiffany, pag nalaman nilang lahat na ako yung bumangga kay Hazen, sasabihin ko rin yung mga pinaggagagawa mo sakanya noon"  teka ano? Anong pinaggagagawa yung sinasabi niya

"Okay fine!" umalis silang dalawa. Dali dali naman akong sumakay sa kotse ko at umalis

*Present*

Hindi ko maalis sa isipan ko yung pinag usapan nila. Ibig sabihin ba nito may kinalaman si Tiffany sa nangyari kay Hazen noon? Tas isa pa, bakit niya gugustuhing mapasakanya uli si Hazen? Nahihibang na nga ba talaga siya.

Pero alam ko naman na gusto ni Hazen si Yasmine. Halata ko naman na yun. Hindi naman talaga minahal ni Hazen si Tiffany eh. Gayun pa man, hindi ko hahayaang magtagumpay si Tiffany. Hindi lanh dahil sa gusto ko si Hazen para kay Yasmine, kundi dahil gusto ko na yung buong katotohanan. Ano nga bang koneksyong ni Tiffany dito?

Hays! Nasa isip ko padin yung babaeng nakita ko kanina. Sayang at hindi ko siya nakilala, tama nga si Yasmine, dapat hindi na ako nang ispiya. Pero kung nakinig lang ako sakanya, malamang hindi ako magkakaroon ng clue sa mga nangyayari.

Sa aming lima kasi, ako yung pinaka gitna. Mag bestfriend si Hazen at Dane simula pagkabata. Si Max at Jacob naman magkaibigan din. Ako kasi yung leader sa amin. At ang hirap na ikaw lagi yung nasa gitna.

Kailangan talaga, mahanap ko yung katotohanan.

Tinignan ko yung relo ko. 4:30 na. Andun pa kaya yung nagtitinda ng Ice cream? Wala naman sigurong masama kung titignan

Pumasok na ako sa kotse ko para bumalik sa park.

Pagladating ko dun, nagsasara na yung tindera.

"Ate! Sandali po"

"Sorry kuya magsasara na po kami." parang familiar siya sakin. Naka hat siya kaya hindi ko gaanong makita yung mukha niya.

"Ahy sorry po" nakita ko yung name tag niya. Liza Montemayor.

Bumalik na ako sa kotse ko. Para talagang pamilyar siya sa akin. Hindi ko nga lang alam kung bakit. Parang nakita ko na siya.

Pag uwi na pag uwi ko, sinearch ko siya sa facebook. Sabi ko na nga ba kilala ko siya eh. Siya yung kaibigan ni Tiffany. Aish! Bakit sa dinami dami, kaibigan talaga ni Tiffany. Damn it!

In add friend ko siya, ewan ko kung bakit yung ginawa ng kamay ko. Basta bigla ko nalang siyang in add.

Umalis muna ako sa pc ko para kumuha ng pag kain. Pag balik ko may notif. /You are now friends with Liza Montemayor/

Literal akong napa nganga. Ewan ko lang ha. Pero dapat naiinis ako dahil kaibigan siya ni Tiffany. Pero masaya ako eh. Ewan ko kung bakit. Di na ako nagpaligoy ligoy pa at chinat ko siya.

"Ahm, ikaw ba yung tindera ng ice cream sa park?" bat parang ang pangit ng paglakasabi ko

"Ahm, hello po. Opo, o order po ba kayo ng ice cream?"

"Opo, dalawang malaking cookies and cream"

"Sure sir, daanan niyo nalang po sa park bukas before 4;30"

Hindi ko alam pinag gagagawa ko.

*Kinabukasan*

Tumingin akonsa relo ko, 2:30 pm? Ganun ba ako katagal matulog.

Naalala ko kukunin ko pa yung Ice cream na in order ko ngayon.

Naligo na ako at nagbihis tsaka dumeretso sa park.

Hinanap ko agad yung pwesto niya. Pagtingin ko, nandun si Tiffany.

"Oh, nasaan na yung sinasabi mong um-order niyang dalawang ice cream?" sigaw ni Tiffany sakanya

"Ewan ko, pero andito lang yun eh. Tas sinabi pupunta dito"

"Paniwalang paniwala ka naman? Gamitin mo nga yang kokote mo!"

"Sorry" naiiyak na siya. Umalis naman na si Tiffany na harapan niya

Dali dali na akong pumunta dun.

"Ahm, Miss, I'm here for the Ice cream"

"Ah, sir kayo po ba yun?"

"Oo, kukunin ko na" ang ganda nga niya.

"Heto sir" inabot ko na yung bayad

"Sa Cadavona University ka ba nag aaral miss?" tanong ko.

"Opo sir. Bakit po? Wait. OMG! ikaw pala si Kaleb Thompson"

"Ahh oo, kaibigan mo si Tiffany?"

"Ahm, o-opo"

"Ganun ba?" kaya ka pala niya sinigawan. "Sige, mauna na ako. At siya nga pala. Don't call me sir, Kaleb nalang"

"Sure Sir- I mean Kaleb. Nice meeting you"

Umalis na ako. Grabe kahit magkaibigan siya ni Tiffany, ibang iba siya. Napaka cute niya. Pero paano siya napkapag aral sa Cadavona University ngayon at dito lang siya nagtra trabaho?

Pag uwi ko, hindi ko alam kung paano ko uubusin itong binili ko. Sakto nakita ko si Mama. Hindi ko siya totoong mama. Tita ko lang siya. Pero siya na ang tumayong mama ko. Siya na rin yung humawak sa company ng parents ko nung namatay sila.

"Ma, gusto mo ng Ice cream?"

"Oh? Bakit ang dami mong binili"

"Ahm.. Ahh kasi.. Ahh, basta"

"Sus, kilala kiya Kaleb. Alam ko na yan. Ganyan na ganyan ka nung niligawan mo yung Francine ba yun? Halos iubos mo pera mo kabibili ng Gucci bags niya. Alam ko yang galawang yan eh. Siguro kay nililigawan ka. Mahilig yun sa ice cream, kaso di mk nakita kaya hindi mo naibigay noh" hindi ako makapag sinungaling kay mama

"Ahm, una sa lahat. Hindi ko siya nililigawan. Kumbaga, na cu cute-an ako sakanya. Tas binili ko sakanya yang Ice cream. Bine benta niya yan. Since gusto ko siyang makita, bumili ako"

"Matalinong bata, oh siya, may gagawin pa ako. Iwan mo na yung isa diyan at kakainin ko mamaya"

"Okay ma"

Masasabi kong mama's boy ako. I always cuddle and kiss her. Close din kami. Siga at chickboy nga ako sa school. Pero sa bahay para akong baby. Masasabi ko ngang kahit papano, swerte ako dahil ganitong buhay ang meron ako eh.

About naman kay Liza. She's so cute. Hindi ko padin talaga alam kung bakit naging kaibigan niya si Tiffany. Speaking of Tiffany, hindi pa kami tapos, iimbistigahan ko pa siya,ano nga ba ang kinalaman niya sa aksidente ni Hazen. Hahanapin ko yung sagot sa katanungang yun. Hindi ako titigil.

It's YOUWhere stories live. Discover now