Chapter 30

80 9 2
                                    

Kinabukasan nakatanggap uli ako ng text galing kay mystery guy. Yun na tinawag ko sakanya eh napaka mysterious niya.

"Good morning Honeybunch :)"

Wow? Honeybunch? Bakit Honeybunch na ang tawag sakin nito ngayon. Sino ba kasi toh. Aish! Binalak kong makipagkita kay Laurel kaya tinawagan ko siya.

"Laurel"

"Oh Yasmine?"

"Ahm, ano kasi eh. Pwedeng makipag usap"

"Nag uusap na kaya tayo"

"I mean personal, magkita tayo?"

"Ah sure. Pero mamayang hapon pa, i de discharge na kasi si Dane ngayon eh"

"Ah ganun ba? Buti naman. Sige kita nalang tayo mamaya."

Binaba niya agad yung phone niya. Hays gulong gulo na kasi ako uhu. Ano ba kasi ibig sabihin ni Lady Manes sa sinasabi niya?

Bumaba na agad ng kwarto ko, naalala ko kasi yung sinabi ni mama na aalis siya ngayon.

"Ma? Naka alis kana?" walang sumagot. Siguro nga naka alis na siya. Hays. Hindi man lang ako nakapag paalam uhuu.

Nagpasya akong pumunta uli sa park. Bumili uli ako ng shawarma.

"Kuya isang shawarma nga po"

"Sige ija, nga pala, merong mga note jaan sa mga shawarma. Eto na oh" inabot niya sakin yung shawarma, ngumiti siya at umalis.

Tinignan ko yung wraper ng shawarma ko. Nakita ko yung note na nakasulat dun.

"I chose you because I love you"

Ano nanaman ba toh? Hays. Di porke pinili ka mahal ka, minsan pinipili ka lang dahil no choice na siya.

Teka nga, eto na ba yung sagot sa tanong ko?

"Wow, ang ganda naman ng nakasulat jan"

"Ay anak ng! Ikaw lang pala Kaleb. Anong ginagawa mo dito?"

"Wala naman, sorry nagulat kita. Nakita ko kasi yung asawa ng bestfriend ko eh HAHAHA"

"Aish! Lahat nalang sinasabi yan"

"Eh totoo naman HAHAH"

"Eh bakit ka nga ba nandito?"

"Wala nakita kasi kita eh."

"Ako? Eh ano ngayon kung nandito ako?..." nakita ko siyang nakatingin sa malayo. "Sino yung tinitignan mo?"

"Wala" tinignan ko yung tinignan niya. Si Tiffany yun ah. Aba ibang klase din toh

"Si Tiffany? Sabihin mo nga, may gusto ka ba kay Tiffany?"

"Ano bang sinasabi mo?"

"Ikaila mo pa eh halata naman na"

"Di ba porke tinitignan gusto na?"

"Sinabi mo eh... Teka, si Max ba yun?"

"Yun yung tinitignan ko"

"Huh? Sandali nga, nang e espiya ka noh"

"Hindi naman. May sinusundan ganun"

"Aish! Pang iispiya na din yun"

"Oo na oo na, mauna na ako sayo"

"Oh sige, wag ka nang mang espiya!"

"HAHAAH hindi nga ako nang iispiya"

"Pang i ispiya kayang sundan mo sina Max at Tiffany"

"Hindi naman sila eh"

"Eh sino?"

"Basta! Kumustahin mo ko dun sa asawa mo HAHAHA sana pala may honemoon booth"

"Takte! Sige na! Shupe na" tawa padin siya ng tawa habang umaalis.

Kinain ko nalang yung shawarma ko. Tinago ko yung wrapper kasi kanina ko pa iniisip yung nakasulat dun.

Tinignan ko yung relo ko, 1:45 na. Ma text nga si Laurel.

"Laurel nasa park ako, punta ka?"

Nilapag ko yung phone ko. Maya maya nag ring ulit. Ang bilis namang mag reply.

"I chose you because I love you"

Huh? Ano nanamang sinasabi ng Laurel na toh. Ay teka, hindi si Laurel yun. Si Mystery Guy pala. Teka, nag match yung sinabi niya sakin dun na nasa wrapper ko. Hindi kaya si Kaleb si Mystery guy? Siya lang naman kasi nakaka alam ng nakasulat dun eh. Uhu. Ano ba yan. Alangan naman si Kaleb yun.

"Yasmine!"

"Ay tipaklong!" nagulat ako dun ah. Bakit lahat nalang nanggugulat. Anong problema ng mga toh?

"Tinawag mo ako tas tatawagin mo akong tipaklong?"

"Sorry, nabigla lang"

"Bakit mo ba kasi ako tinawag"

"Kasi nung binisita ko si Dane kahapon, nakita ko si Lady Manes. Tapos tinanong ko kung bakit sa dinami dami ng pwede nilang ilapit kay Hawk, sa akin pa"

"Oh tapos?"

"Sabi niya, si Hawk daw pumili sakin"

"Pinili ka ni Hawk?"

"Oo nga, kaya nga itatanong ko sana sayo eh. Panong nangyari na pinili ako ni Hawk? Kasi diko ma gets eh"

"Ewan ko lang ha... Kasi may nakita ako sa isang book ng lola ko... Diba nga si Hawk hindi pa patay nung time na yun? Pero naging kaluluwa siya na humiwalay sa katawan niya. Tapos wala siyang maalala. Ngayon naman, ang gagawin sakanila, papipiliin sila ng taong pwedeng makatulong sakanila. Pero hindi nila alam kung ano or sino talaga sila."

"So anong ibig sabihin nun?"

"May na feel na connection si Hawk sayo kaya ka niya pinili" oo nga naman, bakit hindi ko naisip yun. Kasi naman ang sinabi niya sakin nung una, yung anghel daw ang nagdala sakanya sakin.

"Anong connection naman yan?"

"Hindi ko alam, it's either part ka ng buhay niya or mahal ka niya" wow? Sis ang gulo

"Part ng buhay niya? Pero paano?"

"Hindi ko pa alam ang mga sagot. Maigi kung si Lady Manes nalang tatanungin mo. Tas nga pala, wag mong babanggitin si Lady manes sa Harap ni Dane. Oh siya mauna na ako sayo. Magkikita pa kami ni Jacob"

"Okay sige, teka! Si Jacob?"

"Ahm... Ah... Ano eh ahm... Basta bye bye"

Yun! Yun ang may connection. Sabi na nga ba eh may tinatago yung dalawang yun sa akin.

Na explain naman ng maayos ni Laurel pero hindi ko talaga maintindihan. May mga tanong padin talaga sa isip ko eh. Uhu.

Dane's POV

Sakto nakauwi na ako. Aish! Ano ba kasing nasa isip ko at lutang akong nag drive.

"Buti naman at ayos ka na"

"Anong buti naman? Mas maigi ngang natuluyan na ako"

"Dane, ano bang sinasabi mo?"

"Marissa, gusto na kitang makasama"

"Pero Dane, bata ka pa. Hindi ka pa pwedeng mamatay"

"Pero kung para sayo, handang handa ako"

"Dane, ito na nga ba ang sinasabi ko. Kaya bawal magkaroon ng relasyon ang multo sa tao ay dahil dito. Ayokong napapahamak ka Dane"

"Pero Marissa-"

"Shh, walang pero pero Dane, makakahanap ka ng taong para sayo. Yung tao talaga"

"Marissa! Marissa!" unti unti siyang naglaho. Bakit kasi ganito? Madaming bawal sa pag ibig. Ang gusto ko lang naman ay mahalin siya. Kaso hindi pwede.

Gusto na kitang sundan Marissa. Dumeretso ako sa kusina at kinuha ang kutsilyo. Tinapat ko sa pulso ko.

" Marissa, mahal na mahal kita"

It's YOUWhere stories live. Discover now