Chapter 37

68 6 0
                                    

Laurel's P.O.V.

Si Dane nalang meron ako, hindi ko kakayanin kung mawawala pa siya sakin. Wala na talagang natitira sakin. Yung family ko nasa ibang lugar. Hindi ko na alam mangyayari sakin kung nawala pa siya. Dinala ako slni Yasmine sa canteen yung hospital para dun muna kami, walang katao tao diti. Maya maya pumasok si Jacob.

"Pwede ko ba siyang kausapin?" tanong ni Jacob kay Yasmine. Tumango lang siya at umalis. "Ayos ka lang?"

"Hindi ko alam, hindi ko na kakayanin kung pati si Dane mawawala sa akin"

"Shhh, tahan na, magiging maayos lang siya."

"Bakit mo ba ginagawa sakin to?"

"Ang alin"

"Lagi kang nanjan para sakin. Masasabi kong ganyan ang mga kaibigan ko pero, parang mas higit ang pag trato mo sakin. Ano ba ako sayo?"

Ngumiti siya sakin. Isang malawak na ngiti. "Laurel, special ka sakin. Kasi gusto kita." Napatingin ako sakanya. "Tama ka ng dinig gusto nga kita. Gusto in a way na more than friends" natigilan ako. Hindi ko alam mararamdan ko. Bumubilis tibok ng puso ko sa sinabi niya, pero nalulunkot ako sa nangyayari kay Dane

Ngumiti lang ako sakanya.

"Wala sa timing yung pagkakasabi ko sayo. Tumahan ka na"

Sumandal nalang ako sa balikat niya. Unti unti akong nakatulog.

Habang umi idlip ako. Nakikita ko si Dane na nasa harap namin ni Jacob.

"Huy! Ano bang ginagawa mo jan?"

"Wala, magpapa alam lang ako. Alam kong mahal na mahal mo si Jacob. Kaya magiging masaya ako pag nakasama mo siya. Laurel, pag nawala ako, wag kang malulungkot ha? Kasi malulungkot ako pag iiyak ka. Mahal na mahal kita pinsan. Salamat sa lahat." nakita ko sila ni Lady Manes.

"Huy! Ano bang pinagsasasabi mo"

"Paalam pinsan, mahal na mahal kita. Salamat sa pahiging ate, kapatid, nanay, at lahat lahat. Wag kang iiyak. Mahal na mahal kita, paalam" saka niya ako hinalikan sa noo. Sumama siya kay lady Manes.

Nginitian nil akong dalawa, biglang gumaan ang loob ko. Maya maya nagising ako.

Panaginip lang pala.

"Oh? Bakit?" tanong ni Jacob.

"Si Dane!" natataranta kong sabi. Pumunta agad ako sa ER.

Andun sa pintuan sina Hazen, Max, Kaleb, at Yasmine. Nasa likod ko naman si Jacob.

Umiiyak silang lahat.

"Anong nangyari?" tanong ko.

Lumabas yung doktor. "Family of the patient?"

"Ako po" sabi ko.

"I'm sorry ma'am, he didn't make it" tumigil yung pag ikot ng mundo ko. Napaupo nalang ako. Dali dali akong pumasok sa loob ng ER. Hindi pala panaginip yung kanina. Totoong nagpapa alam na siya.

"Huy Dane! Gumising ka nga!" naiyak na ako. "Ang pangit ng joke mo huy!" humagulgul na ako sa iyak nung hindi siya sumagot. Totoo nga ba ito? Wala na talaga siya. Humarap ako dun sa apat pati kay Yasmine. "Diba panaginip lang toh? HAHA! Sabihin niyong panaginip lang to" umiyak na silang lahat.

Humarap ako kay Dane. "Insan naman eh. Bumalik ka na, promise, magpapakabait na ako. Mas magigung mabuting pinsan, ate, kapatid, at nanay na ako sayo." wala akong ibang maramdaman ngayon kundi sakit. Wala akong ibang magawa kundi umiyak ng umiyak.

Niyakap ako ni Yasmine mula sa likod." Shhh, ayaw ni Dane na malungkot ka"

Umiiyak padin ako. Wala nang natira sakin ngayon. Walang wala na! Wala na talaga! Bakit kasi Dane! Limang buwan na pala yang cancer mo! Bakit ngayon pa! Nakakainis ka din minsan eh. Dane!

It's YOUWhere stories live. Discover now