Chapter 16

85 8 2
                                    

Hawk's P.O.V.

"I like you too"

Tumigil yung mundo ko. feeling ko nasa cloud nine ako. Hindi ko alam gagawin ko. Gusto kong maglaho! Ngayon tuloy pakiramdam ko may sumasamapal sa mukha ko.

"Aray!" ang sakit naman nung sampal na yun.

"Huy Hawk! Ang tagal mo namang gumising" si Yasmine? Takte! Panaginip lang pala yun!

AHHHHHHH! Bakit? Akala ko pa naman totoo na!

Teka, panaginip? Paano ako nagka panaginip? Normal lang ba sa  mga multo yun. Sabagay nananaginip ako minsan eh

"Eto na oh, gigising na"

"Dali, ma la-late na ako sa school eh!" eh di pumasok kang mag isa! Inaantok pa ako ano ba yan, kainis naman tong babaeng toh.

May narinig akong bumusina sa labas. Mukhang alam ko yun ah? Gumising ako. Alam kong si Jacob yun! Gumising agad ako.

"Yasmine! Dali! Pinaghihintay mo yung Jacob oh" sigaw nung mama si Yasmine

Eh tita bayaan niyong maghintay kay Yasmine yan.

Sumakay na siya. Andun naman ako sa backseat. Dun ako umupo. Siyempre naman, naalala ko, eto yung ginagamit naming lima noon. Ang dami dami niyang kotse mga... Pito lang naman... Si Dane kasi lima... Si Kaleb 15...si Max nasa 30 yata. Ang yaman noh? Samatala ako hindi ko maalala kung may kotse ba ako noon.

Sana talaga maalala ko na yung nakaraan ko. Gusto ko sana bago ako mawala, maalala ko man lang yung nakaraan ko.

Sakto nasa school na pala kami. Nakasalubong naman namin si Laurel.

"Hi sainyo"

Nginitian lang siya ni Jacob. Oo nga pala, nalaman ni Laurel na nililigawan ni Jacob si Yasmine. For sure nasasaktan yun! Kasi naman itong bibig na to masyadong madaldal

"Hello Laurel"

"So, balita ko nililigawan ka na ni Jacob"

Halata sa mga mata niya na nagseselos siya WHAHAHA. Tatawa tawa ako parang hindi din ako nagseselos. Takte.

"Huh? Jacob, sinabi mo na?" gulat na gulat si Yasmine.

"Wala akong pinagsabihan"

"Pano mo nalaman?" tumingin naman sakin si Laurel.

Tumingin din ng masama sa akin si Yasmine. Hay naku, ang daldal ko din eh! Naiirita ako sa sarili ko.

"Anong tinitignan niyo" sabat sabat din tong Jacob na to. Malamang ako. Mukha ba? Batukan kita jan eh.

"Wala wala"

"Baka nagtatago ka ng pag blu-blush mo sa akin" mat naman siya mag blu-blush sayo aber?

"Bat naman ako mag blu-blush?" seryoso naman yun tingin ni Yasmine. Oh ano ka ngayon Jacob

"Sus tinago mo pa HAHAH" tss! Masyado kang ma feeling aish!

Since nakita ko yung tatlong mokong na yun kahapon, tignan ko kaya sila ngayon.

Nag teleport ako papunta sa classroom nina Kaleb. Bakit ba? Eh nakakatamad maglakad.

Aba aba, ibang klase talaga toh. Limang babae nakapalibot sakanya. Hindi talaga nagbabago toh, hanggang ngayon siya padin yung baliw na kilala ko HAHAHAHAH

Babaero padin tong Kaleb na toh.

Sunod ko kayang puntahan si Dane. Puro padin siya libro. Tutok na tutok yung mata niya sa libro. Pero kung tutuusin din, hindi mo siya mapagkakamalang nerd kasi ang gwapo niya. Sakanilang apat, siya yung pinaka close ko. Kasi kababata ko siya. Na miss ko tuloy siya. Pero ano nga bang magagawa ko kung patay na ako.

Pinuntahan ko naman si Max. Mayaman talaga tong taong toh. Nasa bintana lang ako, nakita kong inabot niya yung isang libo niya dun sa isang lalake tapos minasahe siya. Ibang klase din talaga tong mga toh

How I wish buhay pa ako ngayon. Kung hindi lang ako nabangga eh. Hay naku. Gusto ko nang sumakabilang buhay, pero ayoko pang iwan itong si Yasmine.

Nag bell na. Ibig sabihin lunch na nila. So hanggang lunch ako maglibot. Ibang klase

Nakakainis naman kasi at hindi ko pa makilala kung sino si Lemure.

Yasmine's P.O.V.

Lunch na namin kaya happy ako food nanaman. Nagutom ako agad ewan ko ba kung bakit ganito ako. Lately puro pagkain na iniisip ko.

Ewan ko ba. Nililigawan ako ni Jacob. Cute siya. As in perfect na halos. Happy naman ako. Siyempre manligaw pa naman sayo ay isang Jacob de Nall tatanggi ka pa ba?

Pero,may mali eh. Ewan ko,di naman sa sinasabi kong sasagutin ko siya agad. Yun nga lang, parang wala akong nararamdaman para sakanya. Kumbaga I adore him, but I don't like him. Wow may pa english english na tayo.

Sasabihin ko ba kay Jacob na ayokong ligawan niya ako? Hay Yasmine, ewan ko sayo. Nababaliw ka na talaga.

Nakita ko nanaman itong si Hawk. Ewan ko, pero pag nakikita ko siya sumasaya ako. Yun nga lang kasi. Exited siyang umalis papuntang kabilang buhay. Eh hindi ko pa naman kakayanin ang buhay na wala siya. Char ang dami ko nanamang alam nababaliw na ako.

Pero kung tutuusin, cute din tong si Hawk. Cute naman talaga siya eh. Ex niya nga si Tiffany. Eh ang ganda ganda kaya ni Tiffany, mayaman, sexy, tas malaki pa yung hinaharap niya. Nakakaingit! Chos! WHHAHAHHAHAHA kababae kong tao eh.

"Huy! Yasmine!" kinaway niya yung kamay niya sa mga mata ko

"Oh?"

"Ang lalim ng iniisip mo ah! Si Jacob siguro yan!" tss! Kasasabi ko nga lang na hindi ko siya gusto

"Hindi noh"

"Sus, diba gusto mo siya. Ayie" tss! Magseselos na nga lang halata pa. Ako kasi yung uri ng tao na masyadong mapagmasid. Halata ko na yun kay Hawk na may gusto siya sakin. Pero ayoko din mag assume. "Ay hindi kinilig?" makulit din tong multong toh

"He's not my type"

"Ang arte mo! Napaka choosy mo naman" galeng umarte. Maasar nga toh

"Hindi ako choosy, iba kasi gusto ko eh" WHAHAHA this is it whohoo. Lokohin ko nga toh

"Sino ba?"

"What if sabihin kong ikaw?" nagseryoso mukha ko, nag blush siya. Luhh pati ako nag blush. Bumilis tibok ng puso ko. Mayghad! What's happening? "Char!" nakahinga siya

"ahahahah" ang plastik ng tawa niya

"Na dismaya ka ba?" pang asar ko uli

"At bakit ako madidismaya aber?" sus! Sige!

"Ewan ko sayo" anluh bat ganun? Inasar ko lang naman siya. Walang meaning yun! Wala! Walang meaning yun. Siyempre charot lang kasi yun. Ano ba naman kasi yan! AHHHHHH! Nagmukha tuloy kaming naghaharutan pero walang label. Ako lang pala, di pala siya nakikita. Pero sa totoo lang, charot kasi yun! Uhu! Ayoko na!

"Ang dami mong alam, di kapa ba papasok?" naalala kong half day lang pla kami

"Half day lang kami ngayon. Uwi naba tayo?"

"Sige! Pero may pupuntahan tayo mamaya"

"SAn?"

"Mag da-date tayo" namula ako. Luhh. Ano daw? DTe? Anluhh

"Date"

"Charot!" ay takte. Wait! Ako lang ba toh? Nagsabi siya ng charot WAHAHAHAHHA nakakatawa. Nag charot siya AHAHAHAH. Pinipigilan ko tawa ko pero nahalata

"Eh! Sige ikaw bahala"

"Talaga, ako bahala sayo" tapos kumindat pa siya. Luhh. Bakit ganto ako. Uy Yasmine, umayos ka nga. Nababaliw ka naman.

It's YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon