Chapter 21

76 8 2
                                    

Laurel's P.O.V.

Alam ko kung gaano kasakit para kay Yasmine yun. Hindi niya na makikita ulit si Hawk. Siguro hanggang ngayon umiiyak padin siya. Sana pala hindi ko nalang siya iniwan kahapon.

Teka, siya ba yung umiiyak dun sa garden? Siya nga!

"Yas? Are you okay?"

"Ikaw pala, oo ayos lang"

"Nabalitaan kong nireject mo si Jacob"

Tumango siya. Nalaman ko yun dahil kausap ko si Jacob kanina.

"Yun ba yung iniiyak mo?"

"Hindi, miss ko lang talaga si Hawk. Hindi ko pala kaya kapag wala siya. Miss ko na siya ng sobra sobra." hindi ko siya kayang tignan ng ganito. Gusto ko nang sabihin sakanya yung katotohanan, pero diko kaya. Bahala na si tadhana

"Wag kang mag alala Yasmine, one day. Makikita kayo"

"Bakit lahat nalang ganyan sinasabi? Pati si Dane" what? Kilala niya si Dane, pinsan ko yun eh

"Kialala mo siya?"

"Bestfriend ko na siya, kanina lang. Tell me, ano ba yung totoo" hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam proproblemahin ko. Pano niya naging bestfriend yun ng ganun kabilis?

"Yasmine, kumalma ka muna. Hindi ako pwedeng magsalita ngayon. Kumalma ka nalang muna." Yan lang nasabi ko sakanya. Tumakbo siya papalayo. Ganun talaga yung impact ni Hawk sa buhay niya.

Pinuntahan ko agad si Dane.

"Dane!"

"Laurel? Bakit?"

"Paano mo naging best friend si Yas?"

"Dahil pareho naming kilala si Hawk"

"Kilala mo si Hawk? Pano?"

"Si Hawk ay si Hazen Cackler"

"Huh? Siya yung kababata mo?"

"Wow? Hindi mo nga kilala yun eh"

"Eh kahit na. Yun na yung rason mo?"

"Hindi, binilin sakin ni Hazen si Yasmine, at mukha naman siyang mabait na kaibigan eh"

"Siguraduhin mong kaibigan lang yan ha? Pareho nating alam yung tungkol kay Hawk"

"Oo, alam ko yun. Kaya kaibigan lang talaga!" saka siya nag walk out.

Lahat nalang ba ng makakausap ko mag wa walk out? Eh kung ako rin kaya mag walk out. Hindi ko iiwan si Yasmine ngayon. Lalo na at nakikita ko siyang umiiyak at nasasaktan.

Pero, si Jacob kaya? Malamang nasaktan yun dahil ni rehect siya ni Yasmine. Pero hindi naman halata. Nakangiti siya eh. Tapos may kausap na babae. Hays, kahit kailan talaga tong Jacob na toh. Akala ko talaga mababago siya ni Yasmine.

Yasmine's P.O.V.

Hindi ko alam mararamdaman ko ngayon. Ang panget ng araw ko. Dumaan nalang ako dito sa bodega. Naalala ko noon, andito si Hawk palagi. Tapos meron pa siyang nilalabanan. Na mi miss na talaga kita Hawk.

Hindi ko padin kayang oumasok kaya naglakad ako papauwi.

Wala si mama dito. Hays. Tumingin ako sa salamin.

"Siguro kung nandito si Hawk, sasabihin niya sakin na wag akong umiyak. Sadabihin niyang magpakatatag ako. Sasabihin niya na kumalma ako, na ayos lang lahat. Tsaka, ayaw niya akong makitang nagkakaganito". Napangiti ako

Gumaan yung loob ko. Feeling ko talaga nandito si Hawk sa tabi ko. Kahit papaano gumaan yung pakiramdam ko. Nakita ko na uli yung ngiti sa mga labi ko. Tuwing nakikita ko yung labi ko, na aalala ko yung first kiss ko. HAHAHA. Magaan na ang pakiramdam ko. Handa na akong pumasok sa Lunes.

Gabi na pala. Nagpalit na ako ng damit. Bago ako matulog nagdasal ako.

Lord,

Kumusta na po si Hawk? Miss ko na po siya. Bumalik na ba jan? Ayos lang naman siya for sure. Lord, sana po talaga tama yung sinasabi nina Laurel na makikita ko siya. Umaasa padin kasi ako na buhay siya. Kahit hindi totoo, Lord kayo na po ang bahala sakanya. Salamat din po at ngumiti na din ako kahit papano. In Jesus's name

Amen

Napangiti na ako. Maayos na yung pakiramdam ko, ngumiti ako at humiga sa kama ko. Unti unti, nakatulog na ako.

Umaga na pala. Sabado ngayon. May ngiti na sa mga labi ko. "Good morning Lord". Masigla kong sabi. Ano kayang owedeng gawin. Nag ring yung phone ko.

Galing kay Laurel. "Good Morning Yas, tara labas din tayo ih. Isasama ko yung pinsan kong si Dane. Ano ayos ba?"

Wait! Pinsan niya si Dane? Hindi ko yun alam ah. "Sure, see you:>"

"Sunduin kana namin" di na ako nag reply. Bumaba agad ako at niyakap si mama.

"Good morning mama"

"Oh, good mood ang baby ko ah"

"Siyempre naman. Ma, lalabas kami ni Laurel, kasama si Dane. Bestfriend ko"

"Sure, sige ba"

Naligo na ako at nagbihis. Napatingin ako sa cabinet ko. Ngumiti ako "Good morning Hawk, I miss you" saka naglakad pababa.

"Oh? Dika ba kakain?"

"Ndi na ma, sige po, bye love you!"

Sakto paglabas ko, nakita kong naglalakad sina Dane at Laurel.

"Wow, nakangiti ka ngayon ah!" masiglang sabi ni Laurel.

"Siyempre naman!" sigaw ko

"Ayos tol! Lika na!" singit naman ni Dane

"Tol? Anong tol?"

"Yan na tawag ko sayo HAHA ayos ba?"

"Ayos naman... Tol HAHA halina kayo"

Naglakad na kami papunta sa park. May dala dalang blanket si Laurel. Nilatag niya sa ilalim ng puno yung blanket. Naaalala ko noon nag picnic kami ni Hawk. Napangiti tuloy ako.

"Anong ngiti yan?" tanong ni Laurel

"Wala, naalala ko kami ni Hawk, pumunta kami dito noon eh" napangiti ako lalo

"Kilig ka naman?" pang asar naman sakin ni Dane.

"Baliw hindi ah!" depensa ko

"Eh, bayaan mo na. Buti nga happy siya eh." dagdag ni Laurel

"Oo na!" sigaw ni Dane. Natawa kaming pareho ni Laurel sa sinabi niya. Madami tuloy napatingin samin. May mga babaeng nakatingin sakanya. Cute din kasi tong tol ko HAHAHA. Napangiti na ako. Dito ko na realize na, talaga ngang hindi papayagan ni Hawk na malungkot ako. Pinadala niya si Dane para kahit papa ano sumaya na rin ako.

*kinagabihan*

"Oh siya, pasok na ako ha? Ingat kayo"

"Ok, sige, bye tol" kumaway nalang ako sakanilang dalawa. Masaya na ako kahit papano. Miss ko padin si Hawk pero kahit siguro siya, hindi papayag na malungkot ako.

Pumasok na ako sa kwarto ko. Humiga ako sa kama ko, ngumiti ako at pinikit ko ang mga mata ko. Makakapag pahinga na ako

*1 week later *

"Tol! Asan kana" sigaw ni Dane

"Eto na nga eh"

"Ang sarap siguro ng tulog mo" asar sakin ni Laurel

"Sorry naman" pina andar na ni Dane yung kotse niya.

Nakarating agad kami sa school.

Nasa gate palang kami, may nakita akong lalakeng pamilyar. Bumaba na kaming tatlo, pati sila na pamilyaran sakanya. Lumapit si Dane sakanya.

Lumingon ito sabay sabing "Dane, pre I missed you" nagulat kaming tatlo lalo na ako. Siya ba yun? Siya nga

Napalunok ako at sinabing "H-HAWK?"


_____

Opx, wait lang. Madami pang mangyayari sa story natin, kalma muna tayo. Ano na kayang mangyayari sakanilang dalwa?

_____

To be continued...

It's YOUWhere stories live. Discover now