Chapter 22

69 8 0
                                    

Yasmine's P.O.V.

"H-Hawk?"

Napangiti ako sa tuwa hindi ko alam mararamdaman ko.

"Dane pare! Dito na uli ako mag aaral"

"Talaga? Ayos yun pre ah! Na miss kita. Nga pala, may ipapakilala ako sayo. Panigurado matutuwa kang makita siya" hinarap niya si Hawk sa akin.

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Tumakbo ako sakanya at niyakap ko siya.

"Tama ako Hawk, babalik ka" tinulak niya ako.

"Who are you! How dare you to hug me" nasaktan ako sa sinabi niya. Hindi niya ako naaalala.

"Kumalma ka Hazen, hindi mo na ba naalala si Yasmine?" singin naman ni Dane

"Yasmine? Wala akong kilalang Yasmine. Kialala mo siya Dane? Sabihan mo nga siya na wag mangyakap" sabay alis niya.

"S-Si H-Hawk?" nauutal na sabi ni Laurel.

"Oo, si Hazen nga. Nakabalik na siya. Sabi ko sayo Yasmine eh" napasimangot ako. "Ayos labg yan Yasmine, sadyang di ka niya naaalala dahil kaluluwa siya noon" hindi ko mapigilang umiyak.

"Paano magiging ayos toh, ang sakit sakit kaya. Wala na yatang mag sasakit pa kapag hindi ka maalala ng taong mahal mo eh"

"Tahan ka na Yas" singit ni Laurel. "Dane, mauna na kami sa room ha?"

Pag pasok ko sa room. Nanahimik nalang ako. Pumasok agad yung teacher ko.

"Good morning class", "May transferee tayo" dagdag pa ni ma'am. Pumasok na si Hawk. Alam kong siya yun.. Napayuko nalang ako.

"Ang gwapo niya"
"Oh my!"
"He's so hot"

Bulungan nung mga babae sa gilid. Tama naman sila. Ang gwapo kaya ni Hawk.

"Good morning, I'm Hazen Cackler"

"Ok Mr. Cackler, dun ka sa tabi ni Ms. Rawlinson"

Tabi ng Upuan ko lang kasi yung bakante eh. Umupo siya sa tabi ko. Madami tuloy babae yung nagbubulungan. Nakakainis naman. Pero kahit papano, masaya ako at nakita ko na uli si Hawk. Tama nga sina Dane at Laurel, makikita ko pa siya. Pero hindi ganito yung in expect ko na pagkikita eh.

"Ikaw ba yung babaeng yumakap sakin?" tanong niya. Aih! Nahiya ako. Kainis

"Ahm, oo... Ako nga... Sorry, napagkamalan kitang ibang tao eh... Pasensiya ka na" nakayuko padin ako habang sinasabi yang mga salitang yan

Napatawa siya ng mahina. "It's okay, in fact, you look familiar. Nung nakita kita kanina, feeling ko matagal na kitang kilala"

"Ganun ba, I'm Yasmine Rawlinson by the way" inabot ko yung kamay ko saknya

"Oh, I'm Hazen" nakipagkamay siya sakin. Bigla siyang napatigil at hinawakan yung ulo niya.

"Ayos ka lang?"

"Yes, don't mind me. Ayos lang ako" napatingin nalang ako sa prof namin. Pero nakikita ko siyang nakatingin sakin gamit ang peripheral vision ko. Hindi ko maiwasang mamula. Saktong nag bell na. Buti naman pala. Lumabas si Haw-Hazen.

Kailangan ko nang sanayin na tawagin siyang Hazen. Dumeretso siya sa isang lugar sa school namin. diko alam na may ganto dito.

Lumapit siya sa tatlong lalake, kilala ko sila. Si Kaleb, si Dane, at si Max. Oo nga pala. Magkakaibigan sila. Naalala ko tuloy yung kinwento sakin ni Dane about kay Max.

"Hazen, buti naman at nandito kana" sabi ni Kaleb

"Oo naman, isang taon din akong nakatulog HAHA" biro pa nito. Siya padin talaga si Hawk. Magbibiro kahit seryoso yung biro niya.

Niyakap siya ni Max. Naluha ni Max, nakita ko yun. "I missed you Pre!" nakita mo sa mga mata niya na nagsisisi siya. Ang sama naman ng tingin ni Dane.

"Hazen, wala ka bang naaalalang babae na nagngangalang Yasmine?" tanong agad ni Dane

"May kilala ako, yung seatmate ko kanina" sagot ni Hazen

"Aba ibang klase! Chicks na yan!" sigaw naman ni Kaleb

"Baliw! Para ngang matagal ko na siyang kilala eh!" sabi naman ni Hazen. Talagang matagal mo na akong kilala! Isang buwan HAHAHA

"Eh, totoo naman." sabi ni Dane, lahat sila napatingin. "Never mind" dagdag niya.

Ayoko nang makarinig ng kung ano ano pa kaya dahan dahan akong umalis.

Success nakalabas ako ng buhay. Hindi ko talaga alam mararamdaman ko. Matutuwa ba ako dahil medyo ayos kami? Or malulungkot ako dahil hindi niya ako maalala.

Dati sa mga movies ko lang to napapanood. Ngayon nangyayari na sakin. Aish! Nakakairita. Lumabas na silang apat naku! Nagtago ako sa malapit na pader.

"Hi Hazen!" sigaw ni Tiffany. Ay anak ng! Expected ko na din ko, ex pala niya toh. Nakakainis! Nakakaselos! Di joke lang HAHA.

"Tiffany?"

"Oo, naaalala mo ba ako? Ako yung gf mo"

"Naalala kita, as my ex" anluh? Ang sungit naman nito

"Ah oo nga pala. Nakalimutan ko Hehe"

Iniwasan ka agad siya ni Hazen. WHAHAH buti nga sayo. Kailangan ko nang umalis dito bago pa-

"Yasmine!" ay anak ng! Tiffany naman jusko! Humarap ako sakanila. "What are you doing there?" tanong niya

"Ahh, kasi ano eh, ahm"

"Tinawag ko siya! Tol!" phew! Buti nalang anjan si Dane. "Mga pre, bestfriend ko pala, si Yasmine". Ngumiti ako sakanilang lahat.

"What? Bestfriend mo siya? Dimo ba alam na malandi siya?" ay potek! Napatingin tuloy sakin si Hazen! Shocks! Kainis!

"HAHAHA kung matatandaan ko, ikaw ang gumawa nung balitang yun Tiffany, hindi naman malandi tong si Yasmine eh" sabi ni Dane

"Kaya nga, Ikaw lang yang gumawa ng balitang yan" singit ni Jacob. Parang napahiya si Tiffany sakanya, kaya umalis siya "Hi Hazen, na miss kita pre" sabi nito.

"Jacob! Long time no see ah"

"Mukhang marami tayong pag uusapan mga pre, halina kayo" singit ni Kaleb

"Sige, sunod na ako" sabi naman ni Dane. Umalis silang lahat

Kinausap ako sandali ni Dane.

"Alam kong narinig mo lahat. Sana maginhawaan ka" nakangiti niyang sabi sakin. Tumango ako

"Sige na tol, mauna ka na. Aalis na din ako" paalam ko saknya. Ngumiti siya sakin at umalis.

Kumaway nalang ako sakanya.

Habang naglalakd ako, nakita ko si Laurel.

"Oh, Laurel, ma hinihintay ka?" tumingin siya sakin na parang nagtataka siya.

"Wala naman. Himala at medyo okay ka na. Dahil yan siguro sa pag uusap niyo kanina ni Hazen. Nakita ko yun eh" napatawa kaming dalawa sa sinabi niya

"Oo din HAHAHA... Masaya ako dahil hindi pa siya sumakabilang buhay"

"HAHAH ikaw talaga, lunch na tayo" aya niya sakin

It's YOUWhere stories live. Discover now