Chapter 19

64 7 0
                                    

"Yasmine, wag ka nalang mag isip ng kung ano ano. Sige na, pumasok na tayo"

Pumasok nalang ako dahil ayokong mag isip na rin ng kung ano ano. Kasi, talagang hindi ko kakayanin kung mawala man siya sa buhay ko.

Buong klase, lutang na lutang yung utak ko kaiisip sakanya. Aish! Asaan na kasi yung lalakeng yun. Hindi ko maiwasang mag alala sakanya. Sa sobrang lutang ko lunch break na. Aish! Hawk! Asaan ka na!

"Laurel, hindi muna ako papasok mamayang hapon. Masama pakiramdam ko eh, paki excuse nalang ako"

"Ha? Oh siya sige, magpagaling ka"

Umalis agad ako. Hindi ko alam kung papa ano ko ba hahanapin yung multong yun! Aish!

Umuwi nalang ako. Pagdating ko ng bahay nandoon si mama.

"Oh Yas, ang aga mo namang umuwi"

"Ma, masama po kasi pakiramdam ko eh, sige po, dun na ako sa kwarto ko"

"Sige sige, magpahinga ka anak"

Umakyat nalang ako sa kwarto ko. Hindi ko mapigilan na mag alala. Binuksan ko yung cabinet ko, wala siya doon. Kwarto niya lang nandon Hawk, san ka na ba?

Hawk's P.O.V.

Alam kong nandidito lang siya, nararamdaman ko siya. Malapit ng matapos oahat ng toh,kunti nalang

"Lemure! Nasaan ka na! Magpakita ka!"

"47!"

"Sabi ko na at dito kita makikita"

"Ano nanaman bang problema mo?"

"Gusto ko lang malaman kung bakit mo ako pinupunterya at nanng matapos na ito"

"BWAHAHAHAH! Sa tingin mo ba, sasabihin ko sa iyo? Mangarap ka nalang!"

"Ano nga ba ang problema mo sa akin?"

"Gusto mo talagang malaman? Ako ang kalaban mo sa katawan mo!"

"Katawan ko? Ano bang sinasabi mo? Kalaban sa bangkay ko? Niloloko mo ba ko? Ano namang pakay mo sa bangkay ko?"

"AHAHAHA! Isa kang hangal 47, hindi pa bangkay ang katawan mo! Isa lang yung katawang humihinga ngunit walang kaluluwa sa loob nito"

"Ano ang ibig mong sabihin!"

"Sapat na ang nalalaman mo!"

"Sabihin mo! Pakiusap!"

"HAHAHAH! Hindi ko na sasabihin sayo. Dahil nandito ka na, natagpuan na kita, batid kong wala na akong laban sa katawan mo. Dahil ikaw ang may pinakamalakas na kapangyarihan upang angkinin yun. Kaya kung hindi ko na makukuha ang katawan mo, hindi ko nalang ito ipapa alam sayo!"

Nilapit niya ang sarili siya sa krus at unti unti siyang tinunaw nito. Ano nga bang nangyayari. Hindi ko naiintindihan lahat!

" Hindi! " huli na ako, wala na siya. Hindi ko na malalaman ang katotohanan ngayon. Tanging si lady manes nalang ang oag asa ko.

Lumabas agad ako upang hanapin siya.

"Lady Manes! Lady Manes! Nasaan ka!"

Kanina ko pa siya tinatawag pero hindi ko siya makita

"Lady Manes!"

"47?ano yun?"

"May hindi ka ba sinasabi sa akin?!"

"47..."

"Nakikiusap ako Lady manes!"

"Hays, sabagay. Palagay ko panahon na rin ito upang malaman mo, ngayong tapos na ang misyon mo."

"Ano ba yun Lady Manes"

"Sumunod ka sakin"

Sumunod lang ako sakanya, nakarating kami sa isnag ospital, pero hindi ito sa Pilipinas, nasa ibang bansa ako. Hazen Cackler sino naman toh

"Teka? Bakit pamilyar siya?"

"47, ikaw yan"

H-huh? Ako siya? Pero pano? Hindi ko naiintindihan. Ano daw?

Yasmine's P.O.V.

Asan na ba kasi yung multong iyon Aish!

"Yasmine!"

"Ay palaka!-Lady Manes? Ano pong ginagawa niyo dito, buti dumating kayo"

"Yasmine, may pinapabigay na sulat sayo si 47"

"Po?eh nasan po siya?"

"Yasmine,hindi mo na makikita si 47,tapos na ang misyon niya. Ngunit huwag kang mag alala, magtatagpo muli ang landas nuyo"

"Hindi ko po naiinitindihan. Lady Manes! Lady Manes!" ano? Hindi ko siya naiintindihan.

Binuksan ko sobreng iyon. Isa palang sulat

Yasmine,

Ako ito , si 'Hawk'. Nalaman ko na ang katotohanan tungkol sakin. Hindi ko muna to sasabihin sayo. Sabi ni Lady Manes, magkikita pa uli tayo. Pero sa pagkakataong mangyayari yun, maaaring hindi na kita makilala. Hindi ko nalang sasabihin sayo ang katotohanan. Pababayaan ko nalang ang tadhana kung paano niya tayo pagtatagpuin. Pero diba nangako ako sayo noon na hanggat nandidito ako, proprotektahan kita. Pakiramdam ko natupad ko na yun. Mahal na mahal kita Yasmine, tandaan mo yan

-Hawk

Teka anO to. Seryoso ba siya? Hawk ano bang sinasabi mo. Wala na nga ba siya?

Tumakbo agad ako papunyang cabinet ko, pero hindi na yun tulad ng dati, simpleang cabinet na lang yun.

Hindi! Hindi to pwede! Hawk naman wag kang magbiro. Napaluha ako. Hindi ko naiintindihan. Ano nga ba ang nangyayari?

Tinawagan ko nalang si Laurel.

"Laurel, busy ka ba?"

"Hindi, bakit, pauwi na ako".

"Laurel, pwede bang pumunta ka dito sa bahay? I need someone to talk to"

"Oh sige sige, hintayin mo nalang ako"

Umupo ako sa kama ko. Wala akong ibang magawa kundi umiyak. Ano ba kasing nasa isip niya at hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataong makita siya sa huling sandali man lang.

Hawk! Ano ba kasi ito? Hindi na talaga kita maintindihan eh! Ano ba kasing nasa isip mo! Sabi mo hindj mo ako iiwan! Aish! Ewan ko sayo.

"Yasmine! Andito si Laurel" pinunasan ko ang luha ko nang marinig ko ang boses ni mama.

"Sige po mama, papasukin niyo nalang siya sa kwarto ko"

"Sige, patutuluyin ko muna siya, aalis ako Yasmine, iwan ko muna kayong dalawa." tumango nalang ako.

Nakayuko padin ako.

"Yasmine?" naiyak lang ako nang marinig ko ang boses ni Laurel. "Oh? Bakit ka umiiyak?"

"Si Hawk"

"Bakit siya?" inabot ko ang sulat na inabot sa akin ni lady Manes. "Ibug ba nitong sabihin, wala na si Hawk" tumango lang ako. "Shhh, tahan na Yasmind" ngumiti siya

"Bakit?"

"Tama yung nakasulat dito, magkikita pa kayo"

"Huh? Anong ibig mong sabihin"

"Yasmine, makikita mo pa siya, pero hindi bilang si Hawk. Hindi ko na lang din sasabihin sayo. Pababayaan ko nalang yung tadhana na pagtagpuin kayo."

"Laurel naman sabihin mo na"

"Yasmine makinig ka, pag sinabi ko toh sayo, maaaring hindi mangyari ang nararapat mangyari. Tumahan ka na"

May tiwala ako sa mga sinabi ni Laurel. Pero kahit na, masakit padin para sa akin yun. Wala akong ibang magawa ngayon kundi umiyak.

"Laurel, pwede bang dito ka hanggang makatulog ako, umalis ka na lang kapag ayos na ako" ngumiti siya at tumango.

Sumandal ako skanya habang natutulog. Patuloy padin ang pagtulo ng mga luha mula sa mata ko

It's YOUWhere stories live. Discover now