Chapter 36

71 8 0
                                    

"A-Anong sabi mo?" nanginginig kong tanong.

"Alam mo Dane, hindi yan magandang biro! Bawiin mo nga yang sinabi mo" sabi ni Kaleb

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Alam mo, itigil mo na yang kalokohan mo, hahalikan nalang kita" sabi ni Max.

"Ano ba naman kayo! Seryoso ako"

"Tama siya" lahat kami napatingin kay Jacob. "Doctor ang course ko, at about cancer yung lesson namin. Napansin ko yan simula nung naging sakitin siya. Nakita ko yung symptoms ng cancer, pero hindi ko pinansin kasi alam kong hindi siya magkakasakit. Sorry, sana pala sinabi na sa inyo"

Lahat kami napatingin uli kay Dane. Numiti lang siya sa amin.

"Ano ba kayo, magpapagamot ako. Pero kung hindi na-"

"Dane! Wag mo nang ituloy yang sinasabi mo! Ano ba, magpapagamot ka at gagaling ka" sabat ko

"Sana nga, sa ngayon hindi ko alam kung saan ako magpapagamot" niyakap siya ni Max. Sumunod naman si Kaleb. Tapos si Jacob. Sumunod naman ako.

Malalakas at medyo siga kami, pero pagdating sa isat isa, humihina na kami. Kalakasan at kahinaan namin ang isat isa

"Mga ugok! Bakit kayo umiiyak!" sigaw ni Kaleb

"Kaya nga! Ang aangas niyong tao" dagdag ni Jacob.

Bumitaw kami sa pagkakayakap namin sakanya. Kaso bigla siyang nahimatay

"Pare! Pre! Uy! Pre wag ganyan!" sigaw ko. Dinala na namin agad siya sa ospital.

"Ahm, mga sir, hindi po kayo pwedeng sumama sa ER. Dito nalang po kayo"

Napaluha nalang ako. Dane naman wag ganun.

Naka upo lang kaming dalawa ni Max habang nakatayo naman sina Jacob at Kaleb. Maya maya, dumating sina Laurel at Yasmine.

"Asan siya?" sigaw ni Laurel

"Kumalma ka Laurel!" sigaw ko

Napaluha nalang siya. Pinakalma naman siya ni Yasmine, pina upo ko silang dalawa.

"Ano bang nangyari kay Dane?" tanong ni Yasmine.

"Sabi niya kanina, may cancer siya" Natigilan siya nung sumagot si Jacob. Hindi siya makapagsalita. Parang yung reaksyon naming apat kanina.

"Kelan pa?" tanong niya

"Kahapon lang namin nalaman" sabat ni Laurel. Lahat kami napatingin sakanya. "Hindi na niya sinabi sa inyo dahil ayaw niyang maging pabigat. Kasi siya lang din pala nagsabi"

"Ano? Tutulong ako! Kahit anong halaga pa yan" sabi ni Max

"Max-"

"Laurel, buhay ni Dane ang nakataya dito. Tutulong kami" sabi ni Kaleb

"Mga kaibigan niya kami" sabi ko.

Nginitian naman siya ni Yasmine. Umiiyak padin siya. Matagal tagal na din sila sa loob.

Nag uumpisa na akong kabahan.

Lumabas na yung doktor

"Family of the patient?" tanong nila

"Pinsan niya po ako" sagot ni Laurel

"Lumalala na yung sa cancer niya. Nahihirapan na siyang huminga. Kailangan na ng surgery as soon as possible". Mas naiyak pa si Laurel. "Iiwan ko muna kayo"

Humagulgul si Laurel sa iyak. Pinuntahan namin sa loob si Dane.

"Huy Dane naman, ikaw nalang meron ako eh, bat kasi nagkasakit ka pa" sabi ni Laurel at umiyak

"Tol, magpapagaling ka ha? Magpapa surgery ka naman diba?" sabi ni Yasmine at umiyak.

Tahimik lang kaming apat.

"Ano ba naman kayo. Wag na nga kayong umiyak. Magpapa surgery ako, pero kung hindi ko kinaya, gusto kong malaman niyo na mahal na mahal ko kayo." sagot ni Dane kahit nanghihina siya. "Wag nga kayong umiyak, ampapanget niyong tignan" dagdag pa nito. Napangiti naman yung dalawa. Kahit pa ganyan na si Dane nagawa pa niyang magbiro. Ibang klase talaga siya.

"Labas muna kami ni Laurel, mag usap muna kayo" sabi ni Yasmine. Lumabas silang dalawa.

Hindi padin makapagsalitang apat.

"Oh? Parang may dumaang anghel" pang asar ni Dane

"Sabihin mo ngang pina prank mo kami" sabi ni Kaleb

"Mukha ba ako nag pra prank?"

"Pare naman, wag ganyan oh" sabi ni Jacob. Tahimik padin si Max

"Max, tutal, mamatay na din yata ako. Bakit hindj mo na sabihin yung katotohanan sa harap naming lahat" napatingin kaming lahat kay Dane. Natigilan kami sa sinabi niya

"Anong katotohanan?" tanong ko.

"Teka Dane? Alam mo na?" tanong ni Kaleb

"Anong? Hindi ko naiintindihan ano bang sinasabi niyo?" tanong ni Jacob

Kahit ako naguguluhan sa nangyayari.

"Sige, pero, ipangako niyong hindi kayo magagalit o magtatanim man ng sama ng loob sakin" sabi ni Max

"Ano ba kasi toh?" tanong ko.

"Tungkol to sayo Hazen, sa aksidente mo" sabi ni Max

"Max, sasabihin mo ang katotohanan" sabi ni Kaleb.

Umupo kaming lahat sa mga upuan sa tabi ni Dane

"Sa inyong apat, si Jacob ang pinaka kaibigan ko. Matagal ko na siyang kaibigan. Kumbaga maihahalintulad ko kami kina Dane at Hazen. No offense Kaleb. Kaya nung nalaman kong fiancé ni Hazen si Tiffany, nagalit ako. Dahil nasaktan si Jacob. Alam kong mahal na mahal din niya si Tiffany. Napaka babaw ng rason ko. Alam kong gusto ni Tiffany si Hazen, pero hindi gusto ni Hazen si Tiffany. Isang araw narinig ko si Tiffany. Gusto ka niyang aksidentihin, para ma amnesia ka, hindi ako pwedeng magkamali dahil sa harap ko mismo niya sinabi yun. Akalain mong desperadong desperado siyang mahalin mo siya. Oo, medyo galit ako dahil nasaktan si Jacob. Pero hindi ko hahayaang mapahamak si Hazen. Kaya nung araw na gusto na niyang banggain yung sinasakyan niyo, pinigilan ko siya. Binangga ko yung kotse niya dahil babanggain ka na niya. Nakatalon agad siya papalabas. Sa lakas nung bangga ko, nabangga ng sasakyan niya yung sasakyan niyo. Paensiya ka na Hazen, ako ang dahilan ng aksidente mo"

Natulala ako. Lumapit ako sakanya. Niyakap ko siya. "Hindi, salamat sayo. Dumating ka man o hindi, parehong bagay lang yung mangyayari. Mapapahamak lang ako. Pero salamat at ginusto mo padin akong maligtas."

Ngumiti siya at umiyak. Napangiti din yung tatlo.

"Tama na nga yang drama niyo" sabi ni Kaleb. Napatawa kaming lahat.

"Dahil jan, binigyan niyo ako ng rason para mag stay sa tabi niyo. Hindi na uli ako aalis" sabi ni Jacob.

Napangiti ako. Kaming lahat. Ito na ang pinakamahalagang araw para sa aming lima.

"Masaya ako na bago ako mamatay, nagsama sama pa tayong lima" singit ni Dane. Isa pa toh puro patay sinasabi.

Ito na talaga ang pinaka masayang pangyayari sa buonh buhay ko.

It's YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon