Chapter 13

83 6 0
                                    

Hawk's P.O.V.

Tumakbo si Yasmine papunta sakin. Naiinis talaga ako eh. Ewan ko ba kung bakit. Lalo na pag kasama niya si Jacob. Tss. Bakit? Kaibigan ko naman siya eh. Ewan ko.

Naglalakad lang kami sa labas nang bumusina si Jacob sakanya. Ay anak ng! Bakit ba hindi niya tantanan si Yasmine.

"Oh Yasmine" sabi pa nito habang nakangiti

"Oh? Jacob?"

"Bakit ka naglalakad? Sumabay ka na"

"No need, maglalakad nalang ako"

"Dali na"

"Hindi na nga, may dadaan pa kasi ako eh"

"Ahy ganun ba?, oh siya mauna na ako sayo"

"Sige ingat ka"

Pinaandar niya na uli ung sasakyan niya. Tss.

"Lagi kang naka ngiti pag kausap mo si Jacob" sabi ko

"Ahh... Bakit ba? Cute kaya siya"

"Umamin ka nga. Gusto mo siya noh"

"Huh? Hindi ah"

"Kahit itago mo halata naman"

"Hindi nga, promise. Tas teka? Nagseselos ka ba? Diba sinabi ko naman na sayo kanina. Ikaw lang bestfriend ko"

"Yun nga! Nagseselos ako. Pero hindi dahil lang sa kaibigan kita. Kasi Yasmine gus-... Wala wala"

"Anong sabi mo?"

"Wala. Bayaan mo na umuwi nalang tayo"

Namula ako! Ano ba naman yan. Nagpadala nanaman ako sa emosyon ko. Hays.

Pagdating namin sa bahay, nakita ko yung malungkot na tingin ni Yasmine. Hindi ko kayang makita yun. Lalo na kapag ako yung dahilan kung bakit siya nagkakaganun.

"Yas"

"Hmm?"

"Sorry sa inasal ko kanina"

"Mm"

"Galit ka ba sakin?"

"Ndi naman. Kasi naman. Bakit ganun ka umasta pagdating kay Jacob?"

"Ewan ko, basta parang nasasaktan ako eh"

"Nasasaktan?"

"Ewan ko. Sige, bukas, hindi nalang kita sasamahan sa date niyo ni Jacob para hindi na ako maka abala pa. Sige"

Umakyat nalang ako papuntang cabinet niya. Nakakainis kasi. Bakit kasi ganito akong uri ng multo.

*Kinaumagahan*

Yasmine's P.O.V.

Naghanda na ako para sa labas namin ni Jacob. Pagtingin ko sa cabinet ko, kwarto niya andun,pero wala siya. Bumaba din ako pero wala siya. Ang nakita ko lang si mama.

"Mama! Nakauwi ka na!"

"Nak, I missed you so much. Hmm? Bihis na bihis ka ah? May puountahan ka ba?"

"Opo, sa mall lang. Sige ma mauna na po ako"

"Sure, ingat"

Lumabas nalang ako. Sakto andun na si Jacob sa labas.

"Halika na Yasmine" sabi nito. Sumakay na rin ako sa sasakyan niya.

Nakakapagtaka talaga, hindi ko makita si Hawk.

Pagdating namin sa mall, dumeretso kami sa shakey's. Nagutom agad ako eh. Um-order kami ng Hawaiian Pizza at mojos.

Nagsine din kami. Ewan ko, pero nasaan na kasi yung Hawk na yun. Kung saan saan naman nagpupunta nakakainis.

After naming nag sine nag ice cream kami.

"Yasmine, gusto mo"

"Sure thanks... Alam mo, next time isama natin si Laurel"

"Laurel? Why?"

"Huh? Akala ko ba friends tayong tatlo"

"A-Ahh oo, sige sa susunod sasama siya satin"

Naisip ko na kaibigan nga pala dati ni Hawk si Jacob kaya natanong ko eto.

"Nga pala, matanong ko lang. May kga kaibigan ka ba? I mean, alam ko naman na madami kang kaibigan. Pero, yung mga past na friends"

"Ahh... Ahm meron, isa"

"Sino?"

"Ex siya ni Tiffany. At ahm... Na aksidente siya"

"Talaga? Asan siya ngayon"

"Ewan ko, wala na akong balita sa kanya, dinala kasi siya ng parents niya sa states para mapagamot ng maayos. Ewan ko lang kung namatay ba siya or what. Pero ewan ko"

"Ahh, sorry for that"

"Ayos lang." uminom naman siya ng tubig

"Nakasuhan ba yung bumangga sakanila" nabulunan siya "Okay ka lang"

"Oo, ayos lang ako"

"Ahh, may nasabi ba akong mali?"

"Wala"

"Ahm, ano uli pangalan nung friend mo na yun?"

"Ahh... Wag muna nating pag usapan, sige. Mag gagabi na. Hatid na kita" sabi niya. Hays.

"Sure"

Hinatid niya na ako papauwi. Curious padin ako kung ano ang name ni Hawk. Pero mas nag aalala ako dahil hindi ko siya makita. Asan na ba kasi yung lalakeng yun. Kung saan saan nanaman nag susu-suot.

"Sige Jacob, dito na ako"

"Sige"

"Ingat ka"

"Sige, ikaw din"

Pagpasok ko ng bahay, sinalubong ako ni mama

"Oh nak, sino yung lalakeng yun? Is he your boyfriend?" tanong agad niya

"No, hindi ko siya boyfriend. Besides, playboy yun. Ewan ko lang may topak yata at niyaya akong lumabas"

"Tss! Naku! Ikaw talaga anak. Malay mo naman nagbago diba. Sige, kumain kana ba?"

"Opo ma, sige akyat na ako"

Umakyat na ako sa kwarto ko.

"Musta date mo?"

"Ay anak ng!" jusko magulat toh "Hawk naman, para kang multo manggulat"

"Multo naman ako eh, so musta date mo"

"Huh? Date ba un? Ewan ko. Ayos naman so far. Pero hindi ko na enjoy"

"Eh bakit naman? Ang cute nung kasama mo kanina, hindi mo manlang i e enjoy?"

"Paano ako mag eenjoy eh ang inaalala ko, ikaw. San ka ba kasi nanggaling?"

"Inaalala mo ako"

"Oo kasi nam-... Ahh... Ahm... San ka ba galing?"

"Ahh, hinanap ko yung Lemure. Wala akong idea kung sino siya. So bakit mo ako inaalala?"

"Eh kasi naman, hindi ako sanay na hindi ka makita sa isang araw . Tas yang kwarto mo walang laman. Hindi ka manlang nagpasabe"

"So nag aalala ka baka mapano ako?"

"Oo, nag aalala din ako baka sumakabilang buhay ka na talaga tas iwan mo ako. Then after nun wala na yung makulit na multong umaaligid aligid sakin"

Napangiti naman siya.

"Anong ngini-ngiti mo jan?"

"Wala HAHAHAH. Bayaan mo, pag nawala na ako, mag re request ako kay Lady Manes na padalhan ka ng isang libong white lady para hindi ka maging lonely"

"Ay anak ng! Nakuha mo pang magbiro. Ewan ko sayo! Magbibihis pa ako. Sige na! Shupe" hindi pa siya umalis. "Sabi ko magbibihis ako! Dun ka"

Lumapit siya sakin. "Huy lalake! Anong ginagawa mo"

Nagulat ako nung niyakap niya ako. "Ano nanamang drama mo?" sabi ko.

"Salamat sa pag aalala mo" napangiti naman ako sa sinabi niya.

It's YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon