Chapter 31

72 6 0
                                    

Dane's POV

"Wag" siya nanaman

"Bakit? Gusto ko na siyang makasama"

"Hindi ito ang paraan!"

"Tumahimik ka nga! Tsaka diba dapat masaya ka? Kasi sa wakas mamatay na ako. May isang tao ulit na mamatay. Hindi ka ba masaya dun?"

"Oo, isa akong masamang multo. Pero tulad nga ng sinabi ko sayo, may kahinaan ako"

"At anong ibig mong sabihin? Kahinaan mo ako? HAHAH"

"Oo, dahil ako ang lolo ng lolo sa tuhod ng lolo sa tuhod ng lolo sa tuhod ng iyong ama! Isa ka sa mga anak ko"

"Ako? Nagbibiro ka ba? Hindi ba si Marissa lang ang minahal mo?"

"Hindi ko siya nakilala nung ako ay nabubuhay pa lamang. Dahil limampung taon ang agwat namin. Minahal ko lamanh siya nung akoy namatay na. Meron pa akong isang babaeng minahal nung akoy nabubuhay. At yun ang ninuno mo. Alam kong hindi ka naniniwala sakin. Ngunit ito ang totoo. Kaya harapin mo ang katotohanan ijo. Bitawan mo yan"

"Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Dahil ayokong mandiri ka. Tayo ay nasa iisang angkan ngunit iisang babae lamang ang ini ibig natin. Bitawan mo na yan. Dahil pagkakasala ang gagawin mo. Gusto mo bang sumunod sa hakbang ko?"

"Bilang masamang multo? Wag na lang" binitawan ko ang kutsilyo at bumalik sa kwarto ko.

Kadiri, ninuno ko siya? Kaya pala. Kristopher Peterson. Alam ko na, ninuno ko ang pinaka masamang multo. Ano bang buhay toh.

Ano bang kasalanan ko sa mundong ito! Ano bang problema mo sakin! Bakit mo ako pinaparusahan ng ganito. Una, nagmahal ako ng isang multo. Ngayon, malalaman ko na ninuno ko ang pinakamasamang multo. Ano pa bang susunod? Mamatay na din ba ako? O baka naman sabihin mong hindi ko tunay na pinsan si Laurel.

Napahagulgul nalang ako sa iyak. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Sinuntok ko ng malakas yung pader ko. Hindi ako tumigil hanggang sa nasugat na ang kamao ko.

"Dane! Tumigil ka na!"

"Bakit ba!"

"Dane isa! Tama na! Tama na Dane!"

"Hindi mo naiintindihan! Alam mo bang ninuno ko si Kristopher? Si Black Phantom? Ninuno ko siya!"

"Ninuno mo? Sa iyong ama? Teka imposibleng mangyari yun!"

"Hindi ka pa ba nagtataka kung bakit pareho kaming Peterson? Isa pa, kaagaw ko yung ninuno ko sa babaeng minamahal ko!"

"Dane, tama na! Tumahan ka na"

"Hindi Laurel!"

"Shh, tumahan ka na" niyakap niya ako. Siya nalang yung natira sa akin. Siya nalang yung tunay na nagmamahal sa akin.

Sumandal nalang ako sakanya. At unti unting nagpahinga

Laurel's P.O.V.

Hindi pa din ako makapaniwala ninuno niya si Black Phantom? Si Black Phantpm na pinuno ng masasamang multo? Si Black Phantom na kaagaw niya sa pag ibig ni Lady Manes? Ninuno niya?

Himayaan ko lang na sumandal siya sa akin. Nakatulog na siya. Kumuha ako ng unan. Dahan dahan kong nilapag yung ulo siya sa unan na kinuha ko.

"Sana maging ayos na ang lahat sayo Dane"

Masyado akong disappointed sa sarili ko. Dapat ako ang kasangga niya. Kaso mas pinili ko yung lakad namin ni Jacob. Anong uri ng pinsan ako?

"Nakauwi ka na? Text back:)" speaking of. Nag text na siya. Hindi ko alam kung ano kami ni Jacob. Lumalabas kami, or mas magandang term na, nag da date kami, pero walang kung anong namamagitan sa amin.

Oo, amimado akong gusto ko siya, pero. Hindi ko alam kung gusto niya ako. Basta nag da date lang kami. In short, wala kaming label.

"Wag ka nang mag alala sakin, nakauwi na ako"

Reply ko sakanya. Nakakakita ako at nakakarinig ng multo. Pero hindi tulad nina Dane at Yasmine. Yung sakanila since birth, ako gumagamit pa ng kung ano ano.

Bumaba ako para gawan ng lugaw si Dane.

"Kumusta na siya?"

"Ay butiki!" puro ba panggugulat sa araw na toh?

"Shh, hindi dapat niya malaman na nandito ako"

"Talagang hindi! Dun tayo sa garden"

Naglakad kami papuntang garden

"Kumusta na siya?"

"Ang lakas ng loob mong kumustahin siya? Alam mo ba kung bakit siya nagkakaganun? Dahil sayo at kay Black Phantom, tapos ngayon mangangamusta ka?"

"Gusto ko lang alamin yung kalagayan niya. Ano bang nangyari?"

"Ayun! Nalaman niya na ninuno niya si Black Phantom"

"Sinabi ni Kristopher sakanya?"

"Mukha ba? Nalaman niya na ninuno niya yung kaagaw niya sa puso mo. In fairness din sayo, mag ninuno yung nagkakagusto sayo. Siyempre, mala Hailee Stanfield ang beauty mo eh"

"H-huh?"

"Wala wala"

"Sana maging maayos na siya"

"Magiging maayos din siya, basta wag ka munang magpapakita sakanya"

"Bakit?"

"Gusto mo bang mas lumala yung lungkot niya? Tas diba, ayaw mo din naman na magkita kayong dalawa"

"Oo nga, salamat. Laurel, alam kong masama ang loob mo sa akin. Pero nakikiusap ako sayo, balitaan mo ako kung may nangyari sakanya"

"Oo, siya na, magluluto pa ako"

Umalis siya bigla.

"Teka nga? Pano ko pala siya babalitaan? May fb ba siya?" bulong ko sa sarili ko.

Bumalik na ako sa kusina. Bumaba na siya. Sakto luto na yung lugaw.

"Oh, bakit ka bimaba, eto oh, lugaw"

"Salamat"

"Kumain ka na ha?" tumingin lang siya sakin at ngumiti. "Oh bakit?"

Niyakap niya ako "Salamat Laurel ha? Kahit mas matanda ako sayo, naging nanay na din kita" wow? Nanay agad. Pero in fairness na touch ako

"Ano ka ba naman, sino sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo. Oh? Maayos ka na ba?"

"Medyo, ang hirap lang kasi-"

"Shh, the more na iniisip mo yung isnag bagay, the more na hindi mo yun nakakalimutan. Kumain ka na"

Kahit pala gwapo toh, may kahinaan din. Nerdy siya, pero hindi tulad ng ibang nerdy, malakas yung charisma niya sa mga babae. Maangas din yung dating niya.

"Ang sarao naman ng luto mo"

"Siyempre para sayo yan eh"

"Siya nga pala, san ka galing?"

"Ha? Bakit?"

"Saan nga"

"Kay Jacob" naibuga niya yung kinakain niya

"Kay Jacob? Anong ginawa niyo? San kayo pumunta"

"Wala, lumabas lang."

"Nag da date kayo?"

"Parang ganun na nga"

"Alam kong gusto mo si Jacob. Pero payo lang ha, wag na wag mo siyang mamahalin ng lubos lubusan, dahan dahan lang. Baka masaktan ka sa dulo"

"Alam ko naman yan. Tas isa pa, responsible naman ako. Sige na, eat up"

Tumingin siya sakin tas ngumiti. Yung mga ngiti niya yung kumukumpleto sa araw ko. Siguro ganun nga yun kasi para ko na siyang, tatay, anak, kuya, kapatid. Siya na yung lahat para sakin. Siya yung pinakamahalagang kayamanan na meron ako.

It's YOUWhere stories live. Discover now