Chapter 7

111 8 0
                                    

Yasmine's P.O.V.

Pumasok na ako sa classroom.

"Good morning class, next week. Meron tayong activity. Pupunta tayo sa simbahan ng school na ito. Sa Cadavona Parish Church" sabi ni ma'am

"Ma'am? Hindi po ba haunted yun?" sabi nung isa kong kaklase

"Kaya nga po ma'am" dagdag nung iba kong kaklase.

"Quiet! Dun tayo pupunta, activity nga eh" sabi ni ma'am.

"Yes ma'am" sabi namin.

*Lunch time*

"Hawk" sabi ko

"Oh, Yas, lunch time mo na ah" sabi nito.

"Oo nga, maya maya ako kakain. Next week, may activity kami. Dun kami sa Cadavona Parish Church. Ano sasama ka ba?" tanong ko

"Hindi pwede eh" sabi niya

"Bakit? Siguro may date ka noh. Ikaw ah, magandang multo ba siya? Maputi? White lady?" tanong ko

"Ano ba, hindi noh, una sa lahat wala akong dina-date. Tas isa pa, masasamang multo yung mga white lady!" sabi nito

"Eh bakit nga bawal?" tanong ko

"Multo kasi ako, kung krus nga bawal kong hawakan, pumasok pa kaya sa loob ng simbahan" sagot niya.

Sabagay ganun nga talaga yun. Hindi ko man lang naalala.

"Ahh oo, totoo pala yun noh. Ano pa amg bawal sayo Allergic ka rin ba sa bawang?" tanong ko

"Ano bang sinasabi mo? Sa aswang Lang yun noh! Mukha ba akong aswang?" tanong nito

"Sorry naman. Hmm. For sure bawal ka sa Holy water? Tama ba?" tanong ko

"Oo naman, sa lahat ng mythical creature bawal dun" sabi niya

"Eh, bat ka nga pala allergic dun, mabait ka naman eh" tanong ko

"Hindi ko rin alam, pero, hindi talaga pwede eh, maliban nalang kay Black Phantom at kay Lady Manes. Pwede silang pumasok jan" sabi nito

"Ang astig naman nun" sabi ko.

*1 week later*

"Class, so Andito na tayo sa Cadavona Parish Church, so eto ang gagawin niyo. Hahanapin niyo yung mga tinago kong red na paper jan. Dapat tig iisa kayong may maibabalik" Sabi ni ma'am

"Jan kalang Hawk?" tanong ko

"Oo, dito lang ako" sabi niya.

"Sige, iiwan ko tong panyo ko dito, dito kita titignan," sabi ko

"Sige, di naman ako aalis dito eh" sagot niya

Pinasok ko na yung simbahan, at napaka haunted nga nun. Pumunta ako sa likod at nakakita ng red na papel. Kinuha ko na.

"Ops, sorry, akin na toh ngayon" hinablot ni Tiffany yung papel na kinuha ko. Hindi na ako nakipag away dahil nakakakilabot na talaga.

Pumunta ako sa kabilang side nung simbahan at wala akong mahanap na red na papel. Nakakainis naman.

Hawk's P.O.V.

Ano ba naman, aabutin pa ako ng matagal dito eh. Napatingin ako sa gilid ko at nawala yung panyo ni Yasmine. Teka, nasaan na yun. Iniwan niya yun eh.

"Eto ba yung hinahanap mo?" Tanong sakin ni Yasmine

"Oh, bat anjan ka pa?" Tanong ko sakanya

"Wala, nakakatamad maghanap eh" sabi nito. Bat parang may mali?

"Ano ka ba, dali na, dun kna" sabi ko

"Ayoko" sabi niya

"Yasmine, sige na. Bumalik kana dun" sabi ko

"Ayoko sabi! Makulit ka? Nakakainis!" sigaw nito sa akin.

"Hindi ikaw si Yasmine, sino ka!" sabi ko

"Ano bang sinasabi mo. Ako lang naman ang nag iisang Yasmine eh" sabi niya.

"Oo nga, not unless you're a doppelganger! Ikaw yun! Tama ba ako?" pasigaw kong tinanong.

"Hindi!" sabi niya

"Enough! Ibalik mo sa akin yang panyo!" Sigaw ko

"And why? Hindi ko ibabalik sayo toh noh. Tapos ano ba ang sinasabi mo. Ako si Yasmine"

"Si Yasmine, nahimatay," sigawan nila sa loob. Sabi nila kapag nahihimatay ang isang tao pag kinokopya ng doppelganger ang katawan nito.

"Ikaw! Hindi ikaw si Yasmine!" sabi ko.

"Ibalik mo ang panyo niya" sabi ko.

"You can't trick me, ibalik mo yang panyo ni Yasmine" sabi ko.

Kailangan kong makuha yung panyo, para bumalik yung malay ni Yasmine. Pero paano? Paano ko gagawin yun?

"Ano? Kaya mo bang makita ang kaibigan mong nawawalan ng malay sa loob? WHAHAHAH" sabi nito.

"Makinig ka sakin. Alam kong nagagalit ka. Hindi pa huli ang lahat para sayo, pwede ka pang bumait" sabi ko

"Patawa ka?" sabi nito

" Seryoso ako, alam kong pinatay ka ng kakambal mo dahil sa selos at kinuha ang pagkatao mo. Pero hindi mo yung pwedeng gawin sa iba" sabi ko

"Hindi mo naiintindihan!" sabi nito.

"Ayaw kitang labanan Doppelganger, pero pinilit mo akong gawin to!" sabi ko.

"Hindi! Hindi mo makukuha ang panyo ni Yasmine!" sabi nito sa akin

"Dun ka nagkakamali!" sigaw ko.

Paano ko makukuha ang panyo sakanya? Alam ko na. Sa simbahan. Hindi rin siya makakapasok dun. Alam kong matutusta ako kapag pumasok ako dun, pero wala akong choice.

"Halika dito" sigaw ko at hinila siya sa likod. Tinulak ko siya papuntang simabahan. Natusta na siya.

Kaso pati ako nanghihina. Wala na siya. Nakuha ko na yung panyo kaya nakalabas na ako. Pero nanghihina padin ako.

"Nagkamalay na po si Yasmine ma'am" narinig ko ang sigaw ni Laurel.

"Tss! Nagpapapansin lang yan" , sabi naman ni Tiffany

"At paanong papansin yung walang malay ng ilang oras?" sabi naman ni Laurel

"Enough, ang mahalaga, maayos na ang kalagayan ni Yasmine, dahil dito, exempted na kayo sa activity niyo, you can go home" sabi nung prof nila.

Nanghihina padin ako. Napatingin sa akin si Yasmine at tumakbo.

"Ayos ka lang?" Sabi nito

"Oo, nakita ko yung doppelganger, pero wala na siya. Hindi na siya nagbago. Eh ikaw, maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ko

"Oo, halika na, sa bahay na tayo mag usap" sabi nito.

Umuwi na kaming dalawa. Nana sa ganon ay pareho kaming makapagpahinga.

"Oh, maayos ka na pala" sabi ni Yasmine sakin habang kagigising ko lang

"Oo" sabi ko

"Nga pala, yung tungkol sa doppelganger? Anong nangyari" tanong niya

"Kinopya niya yung katawan mo gamit nung panyo mo, yun yung dahilan kaya nawalan ka ng malay kanina" sabi niya sa akin

"Ganun pala yun, buti maayos ka na ngayon" sabi niya saakin.

Maayos na ang pakiramdam ko ngayon. Hindi na din ako nanghihina.

"Siya nga pala, kung doppelganger yun, pano mo nalamang hindi ako yun?" tanong niya sakin

"Alam ko kasi yung sungit mo HAHAHAHHA" sabi ko

"Tss! Bahala ka jan! Ewan ko sayo" sabi niya

Ngumiti naman ako at sinabing. "Seryoso, alam ko kasi kung paano ka masungit. Tulad nga ng sabi ko, may connection tayo. Kaya siyempre, alam ko kung sino yung totoong ikaw at hindi."

"Ganun pala, sige magpahinga ka na. Para may lakas kang lumaban sa mga multo HAHAHAHAHA. Biro lang" sabi nito

It's YOUWhere stories live. Discover now