Chapter 10

97 9 0
                                    

Yasmine's P.O.V.

"Oh Laurel, bakit pinapunta mo akong mag isa" tanong ko.

"Hhh. Ganito kasi yan. Wag mong sasabihin toh kay Hawk" sabi niya

"Ano ba yun" tanong ko

"Pinag aralan ko na yung nangyayari kay Hawk. Siya si Number 47, tama ba ako?" tanong niya

"Oo, naaalala ko. Yun yung tawag sa kanya nung mga multong nakakaharap. Bakit? Ano bang meron dun?" tanong ko.

"Ganto kasi yung napag aralan ko. Isang taon na nung na aksidente si Hawk. Tama ba?" tanong niya

"Oo" sabi ko

"At hindi niya naaalala yung mga kakilala niya, unless nakita niya yung mukha nito" sabi niya

"Oo, tama ka" sagot ko

"Napag alaman ko na ang ganung uri ng kaluluwa, maaring hindi pa nailibing ang mga labi nila" sabi nito.

"So, ibig sabihin, kaya hindi siya makatawid sa kabilang buhay, ay dahil kailangan pa niyang hanapin yung katawan niya" tanong ko

"Oo" sagot niya

"Kung ganun, may posibilidad ba na.. Buhay pa siya?" tanong ko.

"Huh? Ano toh, drama drama lang? Malamang hindi, saka ka lang pwedeng lumabas ng katawan mo kapag patay ka na. Malamang patay na yun noh" sabi naman nito.

"Eh, bakit hindi ko pwedeng sabihin toh kay Hawk?" tanong ko

"Kasi, napag alaman ko na merong multong pumupunterya kay Hawk. Kapag nalaman niya na andito oa yung katawan niya. Pwedeng unahin niyang hanapin yung katawan niya. Kesa harapin yung mga multing pinupunterya siya" sabi niya

"Eh, anong mangyayari kung ganun yung nangyari" tanong ko

Ang gulo ng tanong ko.

"Kapag nangyari yun at nagbalak siyang bumalik sa katawan niya, pwede siya maging masamang multo tulad ng iba" sabi niya

Medyo kinilabutan ako sa part na yun. Pero hindi naman gaano, siyempre sanay na ako. Ikaw pa ba naman, kumakausap ng multo, nakikipaglaban sa multo. Hays. Hindi na gaanong nakakakilabot.

"Sige, salamat Laurel. Mauna na ako ha?" sabi ko

"See you next Monday" sabi niya.

"Teka, nga pala. Minsan, nasapian niya na ako. Wala bang mangyayaring masama sa akin?" tanong ko

"Wala naman, mas mag ingat ka. Dahil pag mas nalaman niya ang katotohanan, pwede niya nang gamitin yang katawan mo since alam niya nang sumapi" sagot naman nito

"Sige, mauna na ako, salamat uli" sabi ko at umalis na din

Umuwi na ako. Naalala kong wala pala si Hawk.

Ngayon na pala yung uwi ni mama. Exited na akong makita siya! Dali dali akong umuwi.

"Ma! Nakauwi ka na ba? Mama!" sigaw ko.

Bakit kaya wala pa yun. Dapat nakauwi na yun ngayon eh. Nag vibrate yung phone ko kaya chi-neck ko. Merong nag text

"Nak, di pa ako makakauwi, siguro next week pa, ingat ka lagi jan
-Mama"

Hays. Exited pa naman akong makita siya. Nakakainis naman.

"Huy!" ginulat ako ni Hawk

"Ay anak ng!" sigaw ko.

Tumawa naman siya ng malakas. "HAHAHAHAHAH"

"Hindi yung nakakatawa, pwede ba sa susunod wag kang manggulat! Nakakainis naman to!" dagdag ko ko

It's YOUWhere stories live. Discover now