Chapter 24

79 8 0
                                    

Yasmine's P.O.V.

Asa school na ako. Parang ang bilis kong maglakad. Nung nasa gate na ako, nakita ko yung lola na kumausap sa akin noon. Teka, multo tong si lola eh. Hindi ko nalang siya pinansin. Ibig bang sabihin nito nakakakita padin ako ng multo? Aish!

Pagpasok ko nakita ko si Jacob at Laurel na magkasama. Iba den tong si Laurel. Siguro nagkataon lang toh. Alam ko namang gustong gusto ni Laurel si Jacob eh. Pero di ako payag. Una sa lahat pangit yung attitude ni Jacob. Pero cute namn siya. Di ko nalang siya inabala.

Dumeretso muna ako sa Library. Hiniram ko yung Romeo and Juliet. Favorite ko talaga si Shakespeare eh.

Dumeretso agad ako sa classroom ko. Kaunti palang tao. Nakakapagtaka naman. Dumeretso ako sa upuan ko.

Saktong pag upo na pag upo ko, nilabas ko na yung book para basahin. Pagbukas ko nung libro...

"Fan ka ni Shakespeare?" alam ko yung boses na yun ah

"Ahm, oo. Ikaw?"

"Oo, favorite ko yung Julius Caesar"

"Ahh" ngumiti ako. Pero hindi ko maiwasang mamula. Napaka husky talaga ng boses niya.

"Romeo and Juliet, huh?"

"Ahh oo, favorite ko talaga toh" linapiy niya yung mukha niya sa pisngi ko. Huwaw? Buti kung si Hawk ka. Eh si Hazen ka naman

"Bat mo naman favorite?" kinakabahan ako

"Ahm... Ehem... Kasi ano. Jan ko nalaman yung kung ano nga ba yung love" nilayo niya yung mukha niya sakin.

"Ano nga ba ang love?"

"Ahm, it's all about sacrificing. Sacrificing yourself for your loved once"

Napatawa siya. "Para sakin hindi lang yun yung meaning ng love"

"Meron pa ba? Ano yun?"

"Love is patient, Love is kind, It does not envy, It does not boast, It is not proud, It is not rude, It is not self-seeking, It is not easily angered. It keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoice with the truth" napatingin naman ako skanya

"It always protects, always trust, always hopes, and always perseveres" dagdag ko sa mga sinabi niya. "Tama nga, san mo nabasa yan?" tanong ko sakanya. Pero siyempre alam ko kung saan galing yun. Sinisiguro ko lang na tama yung source niya.

"I'm reading bible" ibang iba si Hawk kay Hazen. Iisa lang sila,pero hindi sila pareho. Iba parin si Hawk.

"Good, 1 Corinthians 13:4-6" napangiti kaming pareho. Sakto naman dumating yung prof namin.

"Good morning class. Our lesson for today is all about Love" napatingin ako kay Hawk gamit ang peripheral vison ko. "Philosophy is about Love, right?". Nakaramdam naman ako ng call of nature. Hays!

"Ma'am? May I go out?" singit ko. Tumango lang sila. Lumabas ako.

Dumeretso sako sa restroom. Nasa loob ako ng cubicle, siyempre. Alangan naman. Habang nasa loob ako, naririnig ko yung mga babaeng nagbubulungan

"Ang gwapo nung transferee"
"Si Hazen? Aaa, ang gwapo niya"
"Ang hot pa niya. Mayghad!"
"Pareho sila nung friend niyang si Dane"
"Kaya nga ang hot hot din ni Dane kahit nerdy siya"
"Kaso diba bestfriend siya ni Yasmine. Hays, baka landiin niya din si Dane. Nilandi nga niya si Jacob eh"
"Kaya nga, aish! Yang Yasmine na yan"

Narinig kong lumabas na sila ng restroom. Lumabas na din ako ng cubicle. Ganun ba talaga tingin nila sakin? Malandi? Aish! Nakakainis naman. Di porke may kaibigan kang lalake nilalandi mo na? Sabagay ugali nila yun kaya nai co compare nila sa ibang tao. Nakakainis talaga eh

Bumalik na ako sa classroom. Kaso pagbalik ko tapos na yung 1st subject. Aba ayos din ah. Ganun ba ako katagal sa cr? Aish.

"Oh? Mukhang pinahirapan ka ni nature HAHAHA" pang asar sa akin ni Laurel. Hay naku

"Eh, diko namalayan yung time eh" depensa ko. Tawa padin siya ng tawa. Abnormal din yata to eh.

"Oh siya halika na, mahuli pa tayo sa next subject natin" dagdag pa niya.

Habang nasa corridor kami, nag ring uli yung phone ko. May nag text nanaman, at nag text yung kahapon.
"Bilisan mo kayang maglakad, mahuhuli ka sa next subject mo"

Anluhh? Ano daw? So ibig sabihin andito lang siya.

"Wow, sino yan?" sabi ni Laurel

"Diko rin kilala, kahapon pa kasi toh nag te text sa akin eh"

"Secret admirer mo yata yan Wahhhh" kilig kilig pa siya. Hays magsama sila ni mama. "Oh? Reply-an mo na" exited eh?

"Sino ka po ba?" reply ko dun sa nag text.

"Hindi na nag reply, halika na" sabi ko.

"Eh, hintayin mo lang siya" Kilig kilig din siya. Pumunta na kami sa classroom. Tuloy ang pag tingin ko sa phone ko. Nung pumasok na yung teacher ko, tinago ko na yung phone ko.

Panay padin yung asar sa akin ni Laurel. Teka, bakit wala pa si Hazen? San nanaman pumunta yun?

"Okay class, I will confiscate your phone. Don't worry, ibabalik ko after ng lecture ko" Aish! Ma'am naman eh.

Inabot ko na yung phone ko sa teacher namin.

Nasaan na ba kasi si Hazen.

Nag start nang mag lecture si ma'am. Pero iniisip ko pa din kung nasaan na yung Hazen na yun. Kung saan saan nagpupupunta yung mult- yung lalakeng yun. Na miss kong sabihin yung salitan yun lalo na pag umaalis siya noon.

Habang nasa kalagitnaan kami ng lecture, may nag ring na phone. Teka, parang ring tone ko yun ah

"Whom phone is this?" tanong ni prof. Aish! Uhuu yung phone ko

"It's mine" lahat sila nagtinginan sakin

"May text ka Ms. Rawlinson, it says 'don't loose your smile:)'"  tumawa din si ma'am. Lahat ng classmates ko nagtawanan. Aish! Ma'am alam niyo ba yung word na privacy? Kailangan niyo pang ipagsigawan.

Nilapag niya lang phone ko tapos nag continue sa discussion. Ibang klaseng teacher din toh eh.

Biglang pumasok si Hazen. Ibang klase to ah. 15 minutes late.

"Mr. Cackler, you're late!" oh yan na sermunan

"I'm sorry ma'am, it won't happen again" tsaka siya ngumiti. Medyo lumambot naman si ma'am. Huwaw? Ibang klase din eh, pati pa ba teacher?

"Okay Mr. Cackler, you can take your seat" umupo siya.

As usual nasa tabi ko siya.

*Lunch time*

"Sabay na tayo" aya sa akin ni Laurel

"Hindi na, mauna kana. Dadaan pa akong library. Ibabalik ko lang yung hiniram ko kanina"

"Oh siya siya" umalis na siya.

Bumalik na ako sa library. Inabot ko yung libro sa librarian.

"Ahm Ms, pwede pong magtanong? Meron po bang libro ng Julius Caesar?" tanong ko sakanila. Favorite daw ni Hazen eh. HAHA

"Ahm, wala dito Ms, try niyo dun sa bayan. Yung library dun, for sure meron yun dun" sagot niya.

"Sige po, salamat" tumango lang ako at umalis.

Ano kayang meron sa librong yun at gustong gusto ni Hazen?

It's YOUWhere stories live. Discover now