Chapter 39

66 7 0
                                    

Hazen's P. O. V.

Diretso padin ako sa pagsuntok ng pader. Nagdugo na yung kamao ko.

Bakit kasi Tiffany!

*Flashback*

Naalala ko na lahat. Naging multo ako dahil na comatose ako. Habang multo ako, minahal ko si Yasmine. Nakakausap ko din si Dane. May kimang multk din akong kinalaban at kasama ko si Yasmine sa bawat laban ko.

Naalala ko yung sinabi ni Max about kay Tiffany. Gusto ko siyang kausapin tungkol dun sa ginawa niya. Tinawagan ko siya through voice call sa messenger.

"Tiffany?"

"Yee Hazen? Missed me?"

"Ahm, I just wanna talk to you, I'll meet you in the park, ngayon na"

Daki dali akong sumakay sa kotse ko at dumeretso sa park. Matagal tagal pa siguro dadating yung Tiffany na yun. Sakto Ice cream.

"Hazen!" sigaw ni Tiffany. Wrong timing din

"Let's talk" dinala ko siya sa medyo tagong lugar dun sa plaza.

"Bat bigla mong naisipang kausapin ako? Did you missed me? No, I knew it. You realized that you loved me that is why may balak kang makipagbalikan?"

"Ahm, none of the above. Gusto kong ma clarify yung nangyari 1 year ago. Is it true? May kinalaman ka sa aksidente?" natigilan siya sa sinabi ko

"A-Ano bang sinasabi mo"

"Please Tiffany, sinabi na ni Max lahat. Lahat lahat,kahit pa yung pagbangga niya sa sasakyang ginamit mo. Bakit naisipan mong gawin yun? Are you insane?"

"Hazen, ginawa ko lang yung dahil mahal kita"

"HAHA! Is this even a joke? Mahal mo ako? Pero tinangka mong patayin ako?"

"Hindi ganun yun Hazen!"

"Oo nga! Dahil gusto mong ma amnesia ako, tapos pag nangyari yun, sasabihin mong girlfriend kita. Tapos maniniwala ako. Are you kidding me? Hindi kita mahal. Oo! Aaminin ko, nung naging girlfriend kita, minahal kita. Hindi ko ikakaila yun. Pero nung mga panahong mahal kita, hindi mo ako gusto. Saka mo lang ako nagustuhan dahil nalaman mong mayaman ako. Starting that day, nagsimula na akong kamuhian ka. You're ridiculous! Tapos ano? Plaplanuhin mong banggain ako? Para sa pera? Nag iisip ka ba? Edi sana pala pera nalang pinakasalan mo"

"Hazen-"

"Don't you dare call my name, never again. Hindi kita kilala"

"Hazen please"

"Tiffany stop"

"Hazen, I love you" umiiyak na saabi niya tsaka niya ako hinalikan. Hindi ako makawala sa halik na yun. Nakakainis!

May narinig akong nahulog na baso. Napalingom kaming dalawa.

Si Yasmine. Hinabol ko siya.

"Wait Yasmine!" sigaw ko. "Let me explain"

"You don't have to explain, wala naman kasing tayo" sinabi niya sakin at lumayo. Natigilan ako.

Hindi. Tinignan ko ng masama si Tiffany at pumasok sa sasakyan ko. Napaiyak nalang ako.

*End of flashback*

Nasaktan ko si Yasmine. Si Yasmine. Yung babaeng minahal ako kahit multo ako. Yung true love ko. Nasaktan ko siya dahil sa pinagagagawa ni Tiffany. Nasaktan ko siya. Ano nang gagawin ko ngayon.

Hindi pwedeng nandito lang ako sinusuntok tong pader. Pero anong gagawin ko?

Tinawagan ko si Max

"Pre, are you busy? punta ka sa bahay, I need someone to talk to"

"Sige pre, papunta na ako jan"

Binaba ko yung phone ko. Si Max lang naisipan kong tawagan, panigurado busy yung dalawa.

Maya maya may nag doorbell. Narinig ko. Tinawag ko yung isang yaya namin.

"Ya, pagbuksan niyo po yung nag doorbell kung si. Pag si Max po yun, papasukin niyo dito"

"Opo sir"

Umupo ako sa couch ng kwarto ko. Maya maya, andun na si Max.

"Bakit pare? May problema ba?"

"Si Yasmine toh pare. Nasaktan ko yung pinakamamahal kong babae" Napatingin siya sakin

"I knew it, you loved her. Pero, anong nangyari?"

"I talked to Tiffany about the accident. Tapos bigla niya akong hinalikan. She's insane. Sinubukan ko siyang paalisin. Pero andun pala si Yasmine. Nakita niya kami, pare umiyak siya. Nasaktan ko siya"

"Pre, clam down. It's not your fault. Kasalanan mo bang hinalikan ka ni Tiffany? Alam nating lahat na desperado siyang makuha. Sinubukan ka pa nga niyang patayin, remember?"

"Pero pare nasaktan ko siya eh"

"You know what, minsan may mga tao tayong nasasaktan dahil sa mga nagagawa natin. It's normal, pero hindi mo naman yun ginusto eh."

"Paano ko siya kakausapin?"

Napangiti siya. "Tingin ko, wag mo muna siyang kausapin"

"Baliw ka na din ba?"

"Trust me pare, ako ang bahala sayo, sa ngayon, dito ako matutulog."

"Why?"

"Alas diyes na pare, pinapunta mo ako dito. Do you think it's safe to go outside? Gusto mo bang sumunod agad ako kay Dane?"

"Baliw! Sige na! May damit ako jan. Yung iba ginagamit ni Dane. Baka multuhin ka nun ah"

"Ewan ko sayo. As if totoo ang mga multo"

"Totoo kaya sila"

"Ano ka bata? Bakit nakakita ka na ba?"

"Oo, naging multo nga ako eh" ay madaldal na bibig

"Baliw! Pahiram nitong blue HAHA astig"

Baliw di yung lalaking yun.

Hanggang ngayon iniisip ko kung paano ako makakabawi kay Yasmine. Hay! Hazen mag isip ka nga! Kung si Dane lang ako siguro madami na akong kalokohang naisip.

Speaking of Dane. I'm happy for him, oo masakit parin sa akin na nawala siya. But I'm happy na kasama na niya si Lady Manes. Alam ko yun. Ngayon pwede na sila ni Lady Manes. Since pareho na silang multo. Naikwento niya sakin noon nung si Hawk palang ako.

Wait a minute! That's it! Si Hawk. Si Hawk na mahal ni Yasmine. Bago ako bumawi sakanya bilang si Hazen, dapat bumawi muna ako sakanya bilang si Ghost no. 47 Hawk.

Gusto ko na sanang kausapin siya. Pero dahil nga sa sinabi ni Max, hindi ko muna gagawin yun. May tiwala ako sakanya. Ano man yung binabalak nun. Panigurado maganda yun. Sana nga...

It's YOUNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ