Chapter 12

94 9 0
                                    

Yasmine's P.O.V.

*Kinaumagahan*

"Hawk, punta na akong school. Sasama ka?" tanong ko

"Tatanungin mo pa, eh lagi naman akong sumasama sayo" sabi niya

Oo nga naman may point siya

"Oh, tara na!" sabi ko.

Habang naglalakad kami. Bumusina si Jacob sa amin.

"Yasmine!" sigaw nito.

"Hello" sabi ko.

"Papunta ka ding school?" tanong niya sa akin

"Ahm oo eh" sabi ko

"Oh buti naman, tara, sumabay ka na" sabi niya.

Bumulong namn si Hawk sakin "Wag, baka mapano ka"

"Ahm, salamat pero, maglalakad nalang ako, may dadaanan pa ako" palusot ko

"Ganun ba? Sige, mauna na ako sayo ha? Ingat" sabi naman niya.

"Ingat ka din sabi ko" at nginitian ko siya. Malamang nakakahiya kaya.

"Hoy! Ikaw panay ngiti mo dun" sabi ni Hawk sakin. Isa pa toh

"Eh bakit ba? Ang cute niya talaga" sabi ko

"Tss, ewan ko sayo! Late kana bilisan mong maglakad!" sigaw nito sakin. At naglakad

Ano ba't ang aga aga galit nanaman toh.

"Huy! Sandali!" hinabol ko siya

As usual, naglakad lang kami papuntang school. Pero dahil nga hinabol ko tong lalakeng toh. Mukha akong aso dahil hingal na hingal na ako

Pagpasok ko sa gate, nakita ko si Jacob na naka abang sakin. May bitbit na tubig at twalya.

"Yasmine!" sigaw nito. Well, alam ko naman na may atraso toh sakin noon. Pero dahil nga ayos na yun, pinabayaan ko nalang.

"Oh? Jacob? Bakit?" tanong ko sakanya

"Mukhang pawis na pawis ka ah, hingal na hingal ka pa" sabi nito

"Ah oo, naglalakad kasi ako eh" sabi ko

"Oh eto tubig at towel" sabay abot sa akin. Hindi ko agad tinanggap dahil baka isa nanaman toh sa trip niya

"Wag na" sabi ko

"Sige na. Look, if you're thinking na kalokohan ko lang toh. Hindi. Actually, gusto kong bumawi sayo" sabi niya. Ang sama naman ng tingin sakin ni Hawk.

Tinanggap ko nalang

"Salamat"

"Jacob!" sigaw nung mga trop niya

"Oh siya, mauna na ako sayo. Sige, ingat" sabi niya sakin. Nakangiti din naman ako. Siyempre, first time talaga na may lalakeng gumanito sakin.

"Hanggang tenga yang ngiti mo ah" sabi ni Hawk

"Eh bakit ba?" sabi ko

"Tss, umamin ka nga. Gusto mo siguro yung Jacob na yun. Huy babalaan kita. Playboy yun." sabi niya

"Ano ka ba. Hindi ko yun gusto noh. Never Kong maglakagusto sa isang tulad nun. Nakakainis kaya" sabi ko. Pero ang cute

"Tss alam ko yang mga ngitiang ganyan, ganyan yung mga ngitiang kapag tumitingin ako sayo" sabi niya. Tas umalis siya. Namula ako dun sa sinabi niya. Ay luhh. Mayghad biglang lumakas yung kabog ng dibdib ko.

Nauna na siyang naglakad, saktong lumapit sa akin si Laurel.

"Yasmine, mali pala yung sinabi ko sayo" sabi niya

It's YOUWhere stories live. Discover now