Chapter 35

72 8 0
                                    

Hazen's P. O. V.

Ewan ko ba pero gustong gusto kong malaman kung sino ba yung Hawk na yun. Feeling ko kasi kilala ko siya eh. Na para bang close na close kami. Pero siguro din dahil first love niya si Yasmine.

"Son?" tawag sakin ni mom

"Yes mom? What is it"

"Are you okay?"

"Yes mom, why?"

"Isang taon kang na comatose anak, tapos paglagaling mo, bigla tayong umuwi dito. Hindi ka ba naninibago?"

"Mom, I'm fine. Hindi naman kasi ako na amnesia eh. Ayos lang ako"

"Sige"

"By the way, where's dad?"

"Ahm, may inaasikaso sa business natin"

"As usual, wala siya"

"Anak, naiintindihan mo naman siguro na para din sayo yung ginagawa ng dad mo diba?"

"I know that mom, the thing is... Hindi ko nararamdaman na may ama ako. Wala siya lagi, puro siya trabaho"

"Anak, Masanay ka na" umalis siya agad

Gusto niyang masanay ako? Gusto niyang masanay ako na walang ama? Seryoso to? Gusto ko pang naman lumaking may ama eh. Tss! Parang hindi pa ako nasanay. Tulad nga sa mga pelikula, kapag mayaman ang pamilya niyo, automatic na laging busy ang tatay mo sa trabaho. Sana pala hindi nalang kami mayaman.

Tama na ang drama

Pumunta ako sa pc ko. Si nearch ko sa fb yung Hawk na yun. Pero walang ibang lumabas kundi yung ibon mismo ng Hawk. Hindi ko rin naman apilyido niya. Tinignan ko s friends ni Yasmine, wala namang Hawk dun. Anu yun gawa gawa lang niya? Tas teka nga, ano nga bang pake ko kung first love niya yun.

Umalis nalang ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Pagod na pagod ako. Naiinis na kaya si Yasmine sa mga texts ko sakanya?

Nag vibrate yung phone ko. Ano nanamang meron? Nag chat si Kaleb sa gc namin noon. Buhay pa pala to?

"Mga pre! Reunion naman diyan nababagot na ako sa bahay" panguna ni Kaleb

"Wow! Pre buhay pa pala toh" sabi ni Dane

"Mag gc bang namamatay? Ugok ka nga talaga" reply ni Max

"Teka? Bat kasama pa ako dito? Diba umalis na ako" sabi ni Jacob

"Eh! Wag mo na ulit balaking umalis. Sige labas tayo bukas sa park meeting place" sabat ko

"Oh final na yun ah! WHAHAHA wala nang aangal HAHA" sabi ni Kaleb

"Oh sige, bukas na tayo mag usap usap" sabi ni Max

"Oh ano Jacob? Payag ka?" sabi ni Dane

"Oo na, oo na, bye"

Di na ako nag chat. Matagal na din nung huli kaming nag usap. Lalo na yung kasama ni Jacob.


*Kring Kring Kring*

Ang ingay naman ng alarm clock na toh!

Umaga na pala. May lakad pa pala ako ngayon. Para tuloy nagsisisi akong pumayag na lumabas kami.

Nagbihis na ako. Sumakay sa kotse at umalis.

Nauna na ako sa park. Bat wala pa yung mga yun? Umupo muna ako sa isang puno tsaka sumandal.

Isinandal ko yung ulo ko, may narinig akong kumakantang babae. Wow, ang ganda ng kanta niya.

"When the night has come, and the land is dark, and the moon, is the only light we'll see"

Ang ganda ng boses niya. Gusto kong umechos kaya sumabay ako. Gustong gusto ko din yang kantang yan eh

"No I won't be afraid, I won't be afraid. Just as long as you stand, stand by me"

Ako lang mag isa. Feeling ko tuloy wala na siya. Kinanta ko nalang yung chorus

"And darling, darling stand by me. Oh, stand by me" Anjan pa pala siya. "Oh stand now, stand by me"

Ang ganda ng boses niya, para siyang anghel. Hindi ko mapigilang mapangiti. Pamilyar yung boses niya. Tumayo ako para tignan siya, kaso walang tao nung tumingin ako. Asan naman na kaya yun? Sino kaya yun. Di kaya minu multo na ako?

Tss ano ba nasa isip ko.

"Huy!"

"Ay Takte!- Dane naman"

"Bakit? Bat parang nakakita ka ng multo"

"Wala wala, wala pa ba sila?"

"Kasama ko si Kaleb kanina, kaso may dinaanan, dumaan siya sa bilihan ng ice cream"

"Ganun ba? Kelan pa nahilig sa ice cream yun"

"Ewan ko"

"Uy mga pre!" sigaw ni Kaleb

"Oh?! Ang tagal mo namang bumili ng ice cream!" reklamo ni Dane

"Eh bakit ba? Ayan oh tig iisa kayo" abot niya samin yung mga ice cream. Kilala ko tong Kaleb na to. Hindi naman toh mahilig sa Ice cream HAHA

"Mga pre!" sigaw ni Jacob kasama si Max

Lumapit sila sa amin. Nakita ko yung tinginan nina Max at Kaleb. Parang may pag aalangan yung tingin niya. Ano nanaman kaya meron? Hindi ko nalang pinansin.

"San tayo?" tanong ko

"Dun sa beach" sabat ni Max. Napatingin kaming lahat sakanya. Parang ngayon konlang uli narinig yung boses niya.

"Tara!" sigaw ni Jacob. Sumakay na kami sa kotse ko.

"Bakit nandito kayong lahat?" tanong ko

"Hindi kami nag kotse para makasakay dito sa kotse mo HAHA" tumawa pa si Kaleb. kahit kaylan talaga tong mga to.

Pina andar ko nalang yung sasakyan ko. Umupo kami sa tabing dagat. Tambayan namin toh, pero hindi ko alam kung bakit ganto. Parang hindi lang sila yung kasama ko noon dito. Parang may nakasama pa ako noon. Nilabas ko yung isang bucket ng light beer. Para kahit papano may inuman din HAHA

"Mga pre, naalala niyo ba nung una tayong naging magkaibigan two years ago? Tutoy pa nun si Dane HAHA" pang asar ni Kaleb. Binatukan naman ito ni Dane

"Totoo naman ah, nag ki kiss pa nga kayo ni Max nun eh HAHA" sabi ni Jacob. Naalala ko noon, pag dina-dare namin silang dalwa na mag kiss, ginagawa naman nila.

"Wag nalang kayong magsalita!" sabi ni Max.

"Bakit Max? Gusto mo bang i kiss uli kita? " dagdag ni Dane HAHAH nakakatawa sila.

"Sige nga, kiss mo uli si Max" pang asar ko.

Nilapit naman ni Dane yung mukha niya kay Max. "Dane! Lumayo ka nga sakin!"

"Halika dito" natawa nalang kaming lahat. Hinalikan niya agad si Max.

"Kadiri! Mahawaan mo pa ako niyang nerdy Virus mo eh" tumawa nalang kaming lahat. Ang sarap balikan ng nakaraan

"Ang arte mo!" sigaw ni Jacob

"Kaya nga! Tas wala nang nerdy virus yang si Dane" dagdag ni Kaleb

"Kahit na, malay mo kung may nakakahawang sakit" sabi ni Max.

"Yung hygiene niya kasi" sabi ko tas tumawa kaming lahat.

"Ano ka ba naman Max. Hindi ka naman mahahawa sakin eh. Hindi naman nakakahawa ang lung cancer"

Natahimik kaming lahat. Naibuga naman ni Max yung beer niya. Sina Kaleb at Jacob, literal na napanganga
. Lahat kami hindi makakibo

"A-ano bang sinasabi mo?"

It's YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon