Chapter 27

75 8 0
                                    

Dane's POV

Sasabihin ko ba sakanya?

"Kay... Lady maNes HAHAHAHA" sabi ko bilang palusot. Ayoko munang sabihin sakanya

"Lady Manes? Binibiro mo ba ako! Tss! Hindi mo alam noh?" sabi niya

"Diko talaga alam HAHAHAHAH"

"Teka, pano mo nakilala ni Lady Manes?"

"Nakakakita nga ako ng multo eh. Kilala ko sila ni Black Phantom". Oo, tulad ni Laurel nakakakita at minsan nakakasama ko ang mga multo. Lalo na yung multong minahal ko. Hays ano bang sinasabi ko.

"Oo, madaming kilalang multo tong pinsan ko" singit ni Laurel. "May prankisa yata toh ng mga multo at nakakausap niya lahat" natawa silang pareho. Ewan ko sa mga ito.

"Paano mo nga ba nakilala si Lady Manes?kwento ka naman" tanong ni Yasmine. Napatingin lang ako sa baba.

"Matagal ko na siyang kialala, sige na iligpit niyi na yung booth natin" yun lang sinabi ko at umalis. Matatapos na rin tong mga booth mamaya.

Pumunta ako sa part nung feild na halos walang tao. Masyado akong sensitive kapag pinaguusapan si Marissa, ibig kong sabihin si Lady Manes. Aaminin ko, mahal na mahal ko siya. Sobrang mahal ko siya. Nakakakita na ako ng multo noon pa. Kaya matagal ko na siyang kilala. Noon palang, gusto ko na siya. 1,000 year old ang pagitan naming dalawa. Pero kahit pa, masakit para sakin na hindi kami pwede. Multo siya at tao ako. Kaya nga kapag nakikita ko si Hazen at si Yasmine. Dun ko na re realize na ang swerte nilang dlawa. Kahit hindi maalala ni Hazen si Yasmine may posibilidad pa na magmahalan sila. Kasi pareho silang tao. May relasyon kami noon ni Marissa. Pero itinigil niya dahil hindi daw kami pwede. Kahit pa ganun mahal ko siya.

Bakit kasi ganun? Kung sino pa yung minahal mo siya yung hindi pwedeng mapasayo. Kung pwede lang sana.

Isa pang dahilan ay si Kristopher o mas kilala bilang Black Phantom. Gustong gusto siya si Black Phantom. Nauna siyang mahalin ni Marissa, ngunit hindi sila nagtagal nang maging masama siya. Isa pa, bawal maging sila dahil isnag masamang multo si Black Phantom.

Nakakatawa nga eh. Magkaribal kami ni Black Phantom sa pag ibig. Pero halatang walang mananalo sa amin. Ako, tao, siya masamang multo. Pero nagmahal lang naman kami eh.

Pero kahit na anong gawin ko, siya lang talaga ang mahal ko. Dito kami madalas ni Marissa eh. Dito kasi siya namatay matapos siyang gahasain dito 982 years ago. Namatay siya at the age of 18. Dito siya nag stay sa lugar na iti. Dahil nga gutom siya  sa hustisya nagtagal siya. Pero habang tumatagal mas nagiging permanente na siya dito. Siya na ang nag gui guide sa mga multo. Galit din ako sa mga gumawa sakanya nun. Pero ano nga ba ang magagawa ko. Isa pa, wala na din sila eh.

Marissa, nasan ka na ba?

"Hanggang ngayon pa ba mahal mo siya? Hindi mo parin titigilan si Marissa?" alam ko yung boses na yun

"Kristopher? Bakit ka nandito?"

"Pwede ba, dito siya madalas manatili"

"Tama ka"

"Sagutin mo ang tanong ko. Mahal mo parin ba si Marissa?"

"Eh ano ba sayo!"

"Sagutin mo nalang"

"Oo, mahal na mahal"

"HAHAHA nahihibang ka na ba? Batid mo naman na hindi kayo pwede, dahil tao ka at multo siya"

"Alam mo din sa hindi kayo pwede... Isa kang masamang multo"

"Oo tama ka, isa akong masamang multo. Ngunit kahit gaano ako kasama, ang puso ko ay lumalambot pagdating sakanya"

Napaluha na ako sa pagkakataong ito. "Hanggang ngayon pa ba? Magkaribal padin tayo sa pag ibig niya?"

"Anong nais mong sabihin?"

"Pwede ba, wag mo nang ikaila. Mahal mo din naman siya eh. Ibig sabihin ba nun karibal padin kita? HAHAHA"

"Wag kang patawa bata! Pareho nating alam na kahit pag awayan natin ang puso niya, wala sa atin ang magwawagi. Pareho tayong hindi karapatdapat sakanya."

"Tama ka, pero hindi ko maiwasang ibigin siya. Siya lang naman itinitibok ng puso ko eh"

"Ako nga walang puso eh"

"Hindi yan totoo"

"Ano bang sinasabi mo! Hindi ako hangal! Isa akong masamang multo! Panigurado na nun na wala akong puso"

"Diyan ka nagkakamali. Kung wala kang puso, Paano ka umibig kay Marissa?" napalingon ito sakin. "Marahil tama ka, isa kang masamang multo. Pero kahit pa anong sabihin mo may puso ka" tumayo ako at iniwan siya dun.

Kahit isa siyang masamang multo, alam kong may puso padin siya. Naging masama lang naman siya dahil kay Marissa. Nagmahalan silang dalawa. Kaya nung nalaman ni Kristopher ang mga taong gumahasa kay Marissa, ginamit niya ang kapangyarihan niya upang patayin ang mga ito. Dahil dun hindi nagtagal yung pag ibig sakanya ni Marissa. Lumabag kasi siya sa batas, kaya ngayon, siya na ang namamahala sa mga masasamang multo. Gayunpaman, nagmahal lang naman siya. Nabaliw siya dahil sa pag ibig.

Hindi pa ito alam ni Yasmine. Kailangan niyang malaman to dahil nakakakita na siya ng multo. Pero, ayokong sabihin sakanya. Si Laurel na nga lang. Saktong tumawag si Laurel

"Hello?"

"Dane, ayos ka lang ba? Sorry kanina, hindi kasi alam ni Yasmine yunh about sainyo ni Lady Manes eh"

"Ayos lang. Na miss ko lang siya"

"Tingin mo, kailangan nang malaman ni Yasmine toh? Lalo na at nakakakita siya ng mga multo"

"Yun nga din iniisip ko eh, sige, ikaw nalang mag sabi sakanya. Wala akong tapang na loob para sabihin sakanya ito"

"Sigurado ka ba? Sige. Oh siya, naligpit na namin tong booth. Uuwi na kami ha? Mauna na ako sayo. Wag kang mag alala Dane ako na ang bahala. Bye"

Binaba ko na yung phone ko. Tama si Laurel. Dapat malaman toh ni Yasmine. Kasi kapag nagka aberya, pwedeng hindi pa niya maintindihan yung mga pangyayari. Dumeretso ako sa kotse ko para umuwi na.

Matagal na din nung huli kong nakita si Marissa. Habang nasa daan ako, hindi ko namalayan ang dumaan kotse at...

Dugo? May dugo ako?

tttttttttttttttttt....

It's YOUWhere stories live. Discover now