Chapter 38

74 6 0
                                    

Hazen's P. O. V.

Hinatid ko nalang si Yasmine sakanila dahil umuulan.

"Hindi muna ako uuwi" sabi niya

"Bakit?"

"Dadaan muna ako sa puntod ni Dane"

"Samahan nalang kita"

"Wag na, wag ka nang mag abala pa"

"Eh umuulan eh. Tas isa pa, miss ko na rin si Dane"

Nag drive ako papuntang sementeryo.

Dumeretso agad kami sa puntod niya. Meron kasing silungan yung puntod niya, kumbaga parang bahay ganun. Umupo agad kami.

"One week na rin tol nung nawala ka. Kaso na mi miss padin kita" sabi niya.

Napatingin ako sa puntod ni Dane.

"Alam mo ba, noon palang lagi na kaming magkasama. At the age of 13,may crush nga siya na, pero hindi ko nakilala. ang pangalan Marissa" napatingin agad siya sakin "Bakit?"

"Wala, sige continue mo"

"Nung 15 naman kami, tambayan namin yung beach na malapit. Nangako kami na dadalhin namin dun yung babaeng mamahalin namin"

"May nadala ka na ba dun?"

"Wala nga eh. Si Dane naman, sabi niya nadala niya na dun si Marissa, hanggang ngayon di ko kilala yang Marissa na yun."

Napangiti siya bigla.

"Tumila na pala yung ulan. Gusto mo bang pumunta dun sa beach?"

"Sige, tara"

"Mauna na kami sayo tol" paalam niya kay Dane

Sumakay kami sa kotse ko. Siya yung unang babaeng makakasama ko dun. Nakadating na kami.

Umupo kami sa isang bato dun. Ewan ko ba pero parang hindi ito yung unang beses na nakasama ko siya dito.

"Alam mo, dito ko unang nakilala at naging kaibigan si Dane"

"Talaga?"

"Oo, sa totoo lang, kilala ko na siya sa school noon. Pumunta kasi ako dito nun, favorite spot kasi namin to si Haw- wala" hindi niya natuloy yung sinabi niya

"Bakit? Sige lang i kwento mo lang."

"Sure, favorite spot namin to ni Hawk.  Alam mo, siya lang yung lalakeng minahal ko. Hanggang ngayon mahal ko padin siya. One day, bigla na lang siyang nawala. Kilala din siya ni Dane, sa totoo lang kababata siya ni Dane. Kaya sakanya ko na share yung mga problema ko tungkol kay Hawk. "

"Ganun ba" bigla akong napa simangot.

"Bakit?" sasabihin ko ba?

"Wala wala"

"Ano nga? Curiosity kills me"

"Kasi ano ehh...". "Kasi Yasmine..."

"Ano nga?"

"Yasmine, gusto kita" sinabi ko nalng ba yun. Bigla siyang napangiti.

"Gusto din kita, matagal na" nagulat ako sa mga sinabi niya. Seryoso ba toh? Kinurot ko yung bewang ko, hindi nga ito panaginip

"Pero diba, mahal mo si Hawk?"

Ngumiti siya sakin. "Sana maintindihan mo lahat Hazen. Sana talaga" tumayo siya tsaka umalis.

Gusto ko sana siyang pigilan. Kaso, naka alis na siya. Hindi ko naiintindihan.

Sumasakit nanaman ulo ko. May naalala ulit ako. Teka!

It's YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon