Chapter 1: How It Feels

89 15 24
                                    

Chapter 1: How It Feels






Oras ay kay bilis ang pagtakbo lalo na kapag nadarama mo ang labis na kasiyahan.

Isang buwan na ang nakalipas magmula nang maging kami ni Basti. Sobrang unexpected pa rin na maiinlove ako sa kanya, sa kanya na minsan ko nang itinuring na boy bestfriend.

Para pa rin akong nasa ulap at parang kahapon lang iyon nangyari.

May mga tampuhan na ring nangyari at ang malala ay ang una naming pag-aaway dahil pinairal ko ang pagiging immature ko.

"Alam mo kung ganito lang din tayo Venice, mas mabuti pa kung ihinto na lang natin."

"So sumusuko ka na agad? Ganun ganun na lang yun?"

"..."

"Dahil lang doon, aayaw ka na? Ni hindi mo man lang ako bibigyan ng pagkakataon para ayusin ko iyong nagawa ko at patunayan sa'yo na kaya kong magbago..."

Lingid sa aking kaalaman na ang simpleng tweet na iyon ay ganito ang kahahantungan. Hindi ko na ulit iyon gagawin.

"Sorry."

"So ano? Wala na?"

"Hindi, hindi sa ganun babe. Sorry, nadala lang ako."

"Alam ko iyong kasalanan ko at pinagsisisihan ko yun babe. Sana lang bigyan mo pa ako ng chance," tiningnan ko siya.

"Pareho tayong may mali at sobrang sorry kung sinabayan ko pa ng pagka-immature ko ang nangyari."

"Sorry din," niyakap nya ako.

"Wag kang sumuko, wag mo akong iwan."

"Di kita iiwan Basti ano ka ba? Sabay nating haharapin lahat ng problema. Part lang ito, wala pa tayo sa kalahati."

Tumulo ang mga luha ko mula sa aking mga mata dahil di ko na napigilan pa.

Pinunasan nya yun.

"Wag ka na umiyak. Sorry, sorry talaga."

"Sorry din. Gusto kong maggrow kasama mo. Kaya naman natin iyon di ba?"

"Oo... I LOVE YOU!"

"I love you too!"

Palagi kong hinihiling sa Maykapal na sana ay iyon na ang huling beses na mag-aaway kami sa parehong rason. Magbabago ako kung para rin naman ito sa ikabubuti ng relasyon namin.
Alam ko na marami pang problema ang darating at sana ang pag-ibig naming dalawa ang mas makapagpapatatag dito.

*messenger notification*

Ibarraaaa messaged you:

"Happy Monthsary Babe!!!"

Kagigising ko pa lang at ito na agad ang bungad sa akin. Sobrang saya ng umaga ko.

Motivated tuloy pumasok si Venice.

"Happy Monthsary din Babe!!"

"I love you! Nagbreakfast ka na?"

"I love you too. Di pa po, kakagising ko lang eh."

"Ahh, sige magprepare ka muna."

"Okii!"

"Ayy Babe.."

"Po?"

"Sa Weekend na lang tayo magkita ha. Midterms pa kasi natin pareho eh."

"Oo sure. Goodluck sa Midterms!"

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionWhere stories live. Discover now