Chapter 31: It's Time

18 5 0
                                    

Chapter 31: It's Time








Yakap-yakap ko siya habang nanonood kami ng "Hello Love, Goodbye" sa laptop ko. Napakabilis ko talagang umiyak sa mga ganitong klase ng film kaya may tissue na nakahanda sa tabi.

"Hahaha babe... Wag ka na umiyak."

"Kasi naman 'to si Kath eh... Walang Joy kay Joy pfft!! Bakit pa kasi wrong timing pagkikita nila?" sabi ko habang humihikbi at pinupunasan ang luha' t sipon ko gamit ang damit ni Basti (joke!) gamit tissue syempre.

"Ganoon talaga babe. Sabi naman ni Alden maghihintay sya eh."

"Eh paano kung may dumating na iba?"

"Eh di... happy."

"Piste ka!"

"Hahaha joke lang!"

"Pinalaya-laya niya tapos baka pagsisihan niya lang sa huli."

Venice, film lang yan ha. Film.

"Ven, babe...." seryosong namutawi sa bibig niya at pinindot ang pause button ng pinapanood namin although credits naman na iyon.

"Minsan, kailangan mong palayain ang isang tao para sa mga pangarap niya." May point din talaga 'to minsan.

"Gustuhin man nila na palayain sila o hindi. Kadalasan hindi iyon agad na naiintindihan pero eventually  worthy naman. At saka babalik naman siya, maghihintay daw si Ethan para sa kanya," dagdag pa niya. Tumingin ako sa kanya.

"Ikaw babe... Kung ako si Kathryn, di naman kami nagkakalayo ng hitsura eh."

"Ayy wow!"

"Wag ka na umangal!" pagtataray ko sa kanya.

"Kung ikaw si Kathryn dapat ako si Daniel."

"Sige, yung Daniel na nasa Growing Up pa lang." Para pareho silang payat.

"Oks lang at least pogi pa rin."

"Eh going back, paano kung gustuhin ko rin na i-achieve ko muna yung mga pangarap ko, gagawin mo rin kaya yung ginawa ni Ethan?"

"Hindi mo naman kailangan hilingin sa akin na gawin din yung ginawa ni Ethan kasi gagawin ko talaga kahit na 'di mo sabihin at kahit masakit. Mahahandle ko naman yung pain at saka remember, gusto ko maachieve mo yung mga pangarap mo hindi ba? Kaya ko namang maghintay para sa'yo." Napakaselfless ng boyfriend ko.

"Anyway, tinanong ko lang naman. Pero mas gusto ko maggrow kasama ka at saka ma-achieve yung mga yun kasama ka." Niyakap ko siya ulit.

"Alam mo, hindi sa lahat ng oras mali o pangit ang magparaya, kasi minsan dito pa naipapakita kung gaano mo talaga kamahal ang isang tao.

"Pag pinalaya mo walang kasiguraduhan na babalik pero kailangan mong maniwala kay tadhana. Dahil kung kayo, kayo talaga." Napakaganda ng mga sinabi niya. Makes sense.

"Naniniwala ka ba sa right love pero wrong timing babe?" tanong ko sa kanya. Ako kasi naniniwala ako, ewan ko lang sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Sabi ng iba wala raw ganoon kasi wala naman daw maling oras kung tamang pagmamahal na iyon. Pero, para sa akin may ganoon. Naniniwala akong may nakalaang oras para sa lahat ng bagay lalo na sa pag-ibig."

"Kaya mahal na mahal kita eh. Ang sarap makipag deep talks sa'yo."

"Mas mahal kita. Ayaw mo nung isang deep?"

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionOù les histoires vivent. Découvrez maintenant