Chapter 39: The Last Time

17 4 0
                                    

Chapter 39: The Last Time






“Kakayanin ko naman po sa Maynila at saka uuwi naman po ako dito kapag walang pasok,” sabi ko kina papa. Inilagay ko ang aking maleta sa car trunk. Napakarami ko palang bitbit hahaha! Akala mo hindi uuwi ng isang taon.

“Lah wala na akong mabubwisit,” ani Vivien.

“Di ba dapat masaya ka? HAHAHAHA! Yes, makakatakas na rin ako sa’yo.”

“Tse!”

“Basta mag-iingat ka doon ah. Maganda ba yung nakita niyong apartment doon?” tanong sa akin ni papa.

“Maganda at saka safe naman. Walking distance na lang din yun sa UST,” sagot ko at saka pumasok sa sasakyan. Ihahatid ako ni papa sa tutuluyan ko sa Maynila.

“Aalis na ikaw ate?”tanong ni Vince. Sht! The hardest part.

“Oo, pero babalik naman ako kapag walang pasok.”

“Halika! Sama ka na. Ihahatid natin ate mo.”

Dinaanan namin si Marah para sabay na kaming pupunta doon. Siya kasi ang makakasama ko sa apartment. Exciting!

“Hello po tito!” bati ni Marah. Tinulungan ko siyang ilagay ang mga gamit niya sa likod ng sasakyan.

“Mas marami kang dala sa akin sis ha,” biro ko sa kanya.

“Ayy weh? Hahaha! Oks lang yan, yoko na umuwi eh ahaha joke,” bulong niya sa akin.

”Ingat ka doon Marah ha!” sigaw ng mama niya at kumaway siya sa amin.

“Alis na po kami tita!” bati ko.

“Ingat kayo! Goodluck! Pagbalik niyo, diploma ang iuwi ha wag lalaki,” bilin ni tita.

“HAHAHA! Opo. Ewan ko lang po dito kay Marah.”
“Tsss…I hate boys. Mga walang paninindigan.”

“Whew, deep.”

Sobrang saya, lalo na noong nadaanan namin iyong UST.

Panibagong kabanata na naman pala ng buhay ko ang magbubukas.

“I’m so exciteddd!” sabi ni Marah.

“Same.”

Pagdating namin sa apartment ay naghihintay ang landlord. Kulay beige ang pader ng bahay at ang bawat kanto ay may black and white na paint.

“Hello! Kayo ba yung mga freshmen sa UST?” tanong ni Ate Kate, ang landlord.

“Ahh opo.”

“Sige, pasok na kayo. Pati iyong mga gamit niyo.”

Pagpasok namin ay kumpleto na sa furniture and fixtures ang bahay. Dalawang palapag itong nirentahan namin. Sa sala ay mayroong Smart TV, table, gray na sofa at iba pa. Sa kusina naman ay may stove na, pero ang mga cooking materials ay kami na ang magpoprovide, nandito rin ang ref na for sure mapupuno ng pagkain. Dalawa ang kwarto nitong bahay. Good choice para kapag may dinalang lalaki, alam niyo iyon PRIVACY HAHAHA! Joke! All-in-all okay naman ang bahay at feel naman ni papa na safe since may nakakabit pang cctv dito, plus may guard pa sa may gate nitong village.

“Ayos naman pala eh, sulit ang bayad niyo rito. 7,500 talaga original price nito?”

“Actually sir 10,000 po talaga ‘to pero since mga scholar naman sila ng UST, binabaan ko na po.”

“Ahh salamat naman kung ganoon.”

“Ayy ate ito po pala down payment namin.”

“Salamat dito ah. Ito ang susi. Kayo na lang bahala magpaduplicate. Ito rin pala susi sa mga kwarto ninyo.”

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionWhere stories live. Discover now