Chapter 7: Jealousy

39 13 24
                                    

Chapter 7: Jealousy











Makiki-third wheel muna ako kina Casey at Axel pero parang hindi naman third wheel dahil kasama ko rin si Marah since magpapatingin din siya. Magpapatingin na kasi ako sa ophthalmologist dahil sobrang labo na ng mata ko. Na-confirm ko yun, nang hindi ko na gaanong nababasa yung mga writings sa whiteboard.

Akala ko ako lang ang may magandang memories noong Battle of the Bands pero si Casey din, dahil boyfriend na niya si Axel at doon niya yun sinagot!! Napakamemorable!

You messaged Marah:

"Kina Casey na tayo magkita ha."

"Osge."

Isa rin to si Marah eh. Akala ko walang ka-fling pero ayun may boyfriend ng taga La Salle. Magugulat ka na lang talaga. Suking-suki talaga mga tropa ko.

Lucas ang name ng boyfriend nya, first year college sa DLSU and ang course ay BS Civil Engineering. Mukhang totohanin nya talaga yung sinabi nya sa amin noon na mag-aasawa na lang daw sya ng engineer hmm.

You messaged Ibarraaaa:

"Babe, punta muna kami sa EO. Papacheck up ako tapos bibili na rin ng salamin."

"Sige po. Ingat ka! Sorry di kita masamahan. Ako kasi pinagbantay sa kapatid ko dahil umalis sina mama."

"Okay lang yun. Ingat ka rin sa kapatid mong makulit."

"Hahaha! Easy lang to patumbahin."

Lagi niya kasi sa akin kinekwento na badtrip siya sa bunsong kapatid niya na si Dexter. Sobrang kulit daw sabi niya. Kung makulit na siya sa paningin ko, times 5 pa raw kakulitan nun. Kaya hindi raw basta-basta pwedeng iwanan.

Pagpunta ko kina Casey, nandoon din si Axel sa baba ng bahay nila. Nakasuot siya ng shorts, white shirt na may pocket sa may chest nya at naka-cap. Nagcecellphone siya.

"Oh hi!" bati nya sa amin ni Marah nang makita nya kami.

"Ayy hello! Akyat lang kami ah."

"Sure, sure. I'll wait you guys here."  Sumandal siya sa isang kotse at bumalik sa pags-scroll sa cellphone nya.

Habang paakyat kami, hindi namin maiwasang magtaka.

"Alam na ba nila tita?" tanong ko kay Marah.

"Hindi pa yata."

"Tao po!"

"Ayy pasok kayo ineng!" Binuksan ni daddy ang pintuan nila.

"Salamat po!"

"Kayo na pala ni Baste!" sabi sa akin ni daddy. Tumingin ako kay Casey at binigyan ko siya ng confused na expression.

"Nalaman nya kay Basti." Ni-lip read ko ang sinabi nya.

"Ahh... Ahh opo haha."

"Aba eh, mabuti yun! Magaling talaga pumili ang pamangkin ko." Ngumiti lang ako kay daddy.

Maya-maya pa ay nagpaalam na rin kami para umalis.

Pagbaba namin, nagulat ako nang biglang binuksan ni Axel yung pintuan ng kotse. Sa kanya pala yun. Bigtime!

Pinagbuksan niya kami nina Marah ng pinto. Si Casey umupo sa harap. Nagkatinginan kami ni Marah dahil bigtime pala itong dinedate ng friend namin. May pakotse-kotse pa.

You messaged Marah:
"Gagi gulat ako."

Chinat ko na lang sya kasi nakakahiya naman pag narinig pa ni Axel mga pinagsasabi ko.

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionWhere stories live. Discover now