Chapter 33: Truth Will Set You Free

19 6 0
                                    

Chapter 33: Truth Will Set You Free



(Kathang Isip by Ben&Ben plays in background)

Siguro tama nga ang Ben&Ben...

Kung gaano kabilis nagsimula
Ganoon katuling nawala

Pero iniisip ko pa rin kung mabilis nga ba ang pagkakasagot ko sa kanya at kung dapat bang pinaabot ko muna ng dalawa o higit pang taon ang panliligaw niya.

Maaari ba tayong bumalik sa umpisa?

Bago kasi nabuo ang desisyon kong sagutin siya ay natakot akong pahabain pa ang panahon ng panliligaw niya. Natakot ako na baka mawala rin siya at hindi ulit umabot sa relasyon ba may "label" ang namamagitan sa aming dalawa. Isa pa, naisip ko rin naman na worth it siya kaya kahit hindi pa ako pinapayagan magkaroon ng boyfriend ay sinubukan ko pa rin.

'Di ba nga ito ang iyong gusto...

I broke my parent's rule for someone. But is it worth it?

O ito'y lilisan na ako...

Worth it nga ba ang risk na ginawa ko ngayong nasaktan na naman akong muli?

Pumasok ako sa kwarto ko at nagmuni-muni. Ilang saglit pa ay naisipan kong buksan ang laptop ko at nagtungo sa Facebook. Sinearch ko ang account niya at nakakalungkot pa ring makita na "Add Friend" button na ang nakikita ko. Para bang ganoon lang kadali sa kaniyang talikuran at kalimutan ang lahat.

Unti-unti ko na tuloy sinisisi ang sarili ko sa mga nangyayari. Kung hindi ko lang naman din siguro siya pinayagan, hindi sana kami aabot sa ganito. Sayang ang almost 3 years naming friendship.

Sabi nga sa nabasa ko, "Never turn your friendship into a relationship, or else you'll lose both." Iyon nga ang nangyari. Kahit magmakaawa pa ako sa kaniya na iligtas namin ang friendship namin imposible na iyong mangyari.

Kahit malaman ko na lang ang tunay na dahilan kung bakit kailangan naming maghiwalay, siguro magiging okay na ako.

Baka naman alam ko na ang totoo, baka totoong 'hindi na niya ako mahal' ngunit hindi ko lang iyon kinoconsider na totoo dahil hindi ko kayang tanggapin.

Hmmm...

Galit pa kaya siya sa akin?

Gabi-gabi akong binabagabag ng tanong na ito at kahit anong gawin ko ay hindi ko makuha-kuha ang sagot.

Sa totoo lang, hindi naman talaga ako nagalit sa kanya. Hindi ko kaya.

Ganoon ko talaga siguro siya kamahal. Naiinis ako, pero saglit lang at sa tuwing alam kong naiinis ako sa kanya ay may bigla-biglang nagmemessage sa akin na common friend namin at pinapaalalahanan ako na hindi dapat akong magalit.

Ayaw ni Lord na magalit ako sa kanya.

Tila nararamdaman kong parang napakabagal ng takbo ng Abril. Siguro dahil pare-pareho lang naman ang ginagawa ko sa bahay sa araw-araw: tulog, kain, nood, iyak, repeat. Mahirap pero unti-unti na rin kaming nasasanay sa ganitong sistema at para maibsan kahit papaano ang lungkot, bumalik ako sa pagtutugtog ng aking ukulele at sinimulang mag-aral para sa mga darating na CETS.

Busy-busyhan para kahit papaano'y unti-unti siyang makalimutan.

Ilang araw ding nagtuloy-tuloy ang pagrereview ko. Kahit papaano ay nakatulong naman. Tuwing gabi, bago ako matulog ay pinapanood ko na lang ang Team Payaman sa Youtube para hindi ako malungkot. Pagod na rin kasi akong umiyak. Gusto ko na munang isipin ang makabubuti para sa sarili ko.

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon