Chapter 37: At Last

13 4 0
                                    

Chapter 37: At Last







Sobrang nakakastress ang online classes. Times 3 ang stress na dala nito. But I thank God kasi kahit papaano ay may enough materials and equipments ako para makipagsabayan sa 'new normal'.

Isa ako sa mga estudyante na tutol sa pagtuloy ng academic year ngayon pero minsan ay napapaisip din ako na sayang ang isang taon. Kung sana lang ay enough ang funds ng government para sa lahat ng mag-aaral, wala sanang maleleft behind.

Wala eh, nandito na tayo. Kailangang harapin ang panibagong sistema. Mahirap at mas nakakastress (since napakababa ng pasensya ko pagdating sa mabagal na internet connection). Kung may enough money lang ako para tulungan ang mga gustong-gusto mag-aral pero walang kakayanan this school year, matagal ko na iyong ginawa.

Gusto ko pa naman sanang mag With High Honors ngayon pero hindi ko na ata iyon magagawa.

Gigising ako ng 6am para magprepare at maghanap agad ng stable connection. 7 am ay start na ng online classes at kapag nalate ka, hindi ka na makakaattend dahil hinohold na ng teacher ang Zoom participation.

Minsan nakakaantok pero minsan hyper akong magsagot lalo na kapag FABM 2 ang pinag-uusapan.

Kapag hapon naman ay ginagawa ko ang mga schoolworks at kapag gabi ay pinapasa ko na agad iyon.

Ayaw kong mahuli sa pagpasa nang dahil lang sa napakabagal ng internet connection.

Exhausting pero may mga pangarap nga pala ako.

Everytime na napapagod ako, naaalala ko si Basti. Siya kasi itong laging nagchecheer sa akin. Nakakamiss din iyong mga "Goodluck" at "I love you(s)" niya na nakapagpapatanggal ng stress. Siya rin itong walang sawa sa pagreremind sa akin na wag masyadong magpakapagod sa academics.

Kamusta na kaya siya ngayon?

Nag-sneak ako sa gc namin nina Abi. Mukhang busy din siya sa online class at college applications.

I'm happy na nag-aasikaso na rin siya para sa college niya. Although hindi man niya maitutuloy ang pag-aaral sa America dahil sa COVID-19, still masaya ako dahil nagkaroon sya ng back-up plan agad. Pareho sila ni Casey ng balak na pasukang school sa college. For sure naman makakapasa silang dalawa doon.

Inasahan kong lilisanin niya ako dahil pupunta siyang America pero hindi iyon ang nangyari. Umalis siya dahil ayaw na niya.

Unti-unti naman nang natatanggap Venice hindi ba?

"Kaya mo yan Venice, masaya ka para sa kanya."

At least tutuparin niya iyong mga pangarap niya na sinabi niya sa akin,  kahit wala na ako sa tabi niya habang inaabot niya iyon.

Bittersweet feeling.

Minsan napapaisip ako na sayang lahat lalo na iyong friendship namin, pero at least we tried. I guess, kailangan kong maging masaya sa pamamagitan ng part na iyon.

Hindi ko naman mapipilit ang sarili ko at aminado ako na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakamove on.

*message notification*

Venice:
"Review ulit tayo mamaya via zoom ha. Sa Physics na muna tayo since yun yung nabigay ko sa inyong pre-test kanina."

Marah:
"Ayy shocks wait lang di ko pa nasasagutan."

Venice:
"Send ko na lang ulit yung link."

You sent a link.

Jia:
"Gagi ang baba ng score ko doon."

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon