Chapter 23: Drowning From Insecurities

17 5 0
                                    

Chapter 23: Drowning From Insecurities












Hindi ko alam kung ano na naman ba ang pumasok sa isip ko at bigla akong nakaramdam ng insecurities. Ang hirap kapag inaatake na naman ako ng ganito. Bumababa self confidence ko at tingin ko sa sarili ko. Hindi naman dapat ganito eh.

Habang nakahiga ako ay nagscroll muna ako sa news feed ng Facebook account ko, nang biglang may nakita akong shared post ni Basti ng isang magandang babae.

Ang ganda nya! Maiksi buhok, maputi, clear skin, at maganda. Hindi siya ako, isa syang underrated celebrity na hate na hate ko. Mas lalo akong nainsecure sa nakita ko.

Dahil doon, nagsearch ako ng picture ni Shen Yue at nilagay ko yun sa Ig story ko. Sinabi ko rin na magpapagupit ako nang ganoon kaikli pag napagtripan ko.

Ilang saglit pa ay nakatanggap ako ng message mula kay Basti.

Ibarraaaa messaged you:
"Wag ka na magpagupit, okay na yan sa'yo. Balaka, magagalit ako pag nagpagupit ka."

"Ha? Bakit? O sige, di rin naman ako pinayagan ni Mama eh."

"Basta."

"Bakit nga?"

"Lagi na lang kasi ganito eh."

"Ha? Bakit? Ano bang akala mo? Ginagaya ko yung crush mo?"

"Bakit hindi ba?"

"Hindi."

"Tsss... Nagagandahan lang naman ako doon Ven eh pero ikaw yung mahal ko."

"Okay, sorry."

"Lagi na lang talaga ganito eh. Nakakainis na."

Shems! Mukhang away na naman nang dahil sa akin. Hala ka! Insecurities kasi eh!

Naluha ako dahil sa sinabi niya, ramdam kong naiinis na siya sa akin. Kasalanan ko rin naman to eh.

"Sorry, masyado kasi ako naiinsecure sa kanila eh."
"Babeee! Sorry na."

Tinadtad ko sya ng messages. Hindi siya agad na nagrereply pero nase-seen naman nya. Umiiyak at nagpapanic na ako dahil sa nangyayari. Kasalanan ko to! Kung di ko na lang sana inopen.

"Tulog na tayo. Maaga pa tayo bukas."

Basti naman!

"Matutulog ka nang hindi pa tayo ayos? Ayusin muna natin 'to."

"Ba't ba kasi kailangan mong ma-insecure? Ang ganda ganda mo eh."

"Yung beauty nila, pasok sa standards ng society, sa standards ninyo. Minamahal sila ng iba kasi maganda sila. Ako, hindi."

"Anong pasok sa standards ng iba? Standards namin? Maganda ka, di ka lang naniniwala. Saka bakit mo kailangang i-meet yung standards nila?"
"Nandito naman ako. Mahal naman kita. Di pa ba sapat yun Ven?"

Sobra ko siyang nasaktan sa ginawa ko. Di ko na kaya, nagbreakdown na naman ako ulit. Wala na akong pakialam kahit hindi na ako makahinga nang maayos dahil sa labis kong pag-iyak. Basta maayos ko 'to okay na ako.

"Paano naman ako? Ansakit lang kasi, gusto mo laging makapasok sa standards nila."
"Ako yung laging nandito bakit iniisip mo pa rin na makibagay sa kanila?"

"Natatakot kasi ako."

"Saan?"

"Na hanapin mo yung wala sa akin sa iba."

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionWhere stories live. Discover now