Chapter 25: What Happened?

14 5 0
                                    

Chapter 25: What Happened?









Na-stuck ako kakatitig sa convo naming dalawa ni Sebastian. Pumunta ako sa settings at tiningnan ang nakaset na nicknames naming dalawa dito sa messenger.

Ibarraaaa
Sebastian Madriaga

Claraaaaa
Venice Allison Martinez

Ang cute lang talaga. Limang buwan na makalipas nang sagutin ko siya at hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapaniwala na kami na.

After kong magdaydream ay nag-ayos na rin ako ng gamit at napagpasiyahang gumanyak papuntang school. Sabado ngayon pero may practice kami para sa upcoming stage play namin. Halos 3 weeks na lang ang natitira at sobrang excited na akong ipamalas yung galing ko sa pag-arte.

Memorize ko na ang mga linyahan ko. Sobrang lalim ng hugot pero kaya ko naman nang bigyan ng hustisya kahit na masaya ang lovelife ko. Gusto ko maging memorable itong first ever stage play ko kaya gagalingan ko talaga.

"Hindi naman siguro magagalit boyfriend mo kapag hinawakan ko kamay mo di ba?" tanong sa akin ni Dom.

"Hay naku kuya! Este... Dom. Hindi yun magagalit kasi for play naman eh."

Hinawakan ni Dom ang kamay ko. Wala akong naramdamang kilig, hindi tulad ng paghawak ni Basti si kamay ko. Pinipilit kong isipin na si Basti ang gumagawa nito para mas ma-feel ko yung role ng character ko.

Medyo nakakailang dahil iba ang titig ni Dom sa akin. Napakalagkit at para bang may gusto siya sa akin pero ganito lang talaga siguro siya. Isa pa, matagal na rin siya sa teatro kaya katanggap-tanggap naman na effective yung gestures nya.

"Minahal kita... Pero iniwan mo pa rin ako," bitaw ko habang nakatitig sa mga mata niya.

"Minahal din kita pero kailangan kong gawin yun."

"Bakit kailangan pa? Subukan mo naman sa akin ipaintindi. Gulong-gulo na ako, gulong-gulo..." bumalik ako sa pagkakaupo sa props naming upuan. Ginagalingan ko dahil titig na titig sina Ate Cheska sa performance namin.

"Cut muna!" sigaw ni Ate Cheska.

"Punta muna kayo dito Dom."

"Bakit po Ate? May mali po ba?"

"Regarding sa acting wala naman na. Pareho na kayong okay doon. Siguro sa gestures and blockings, need pa ng improvement."

"Okay po."

Bumalik kami sa stage at itinuro sa amin ni Ate Cheska ang mga dapat gawin. Ginaya namin siya at feeling ko mas lalong gumanda ang gawa namin.

Lunch na. Nag-open ako ng messenger para tingnan kung may message si Basti pero wala akong message na natanggap sa kanya. Balita ko, ngayon ang kuhaan nila ng cards. Ano kayang nangyari?

You messaged Ibarraaaa:

"Babe? Musta? Kuhaan niyo raw ng card ngayon? Musta ka? Btw, nandito ako sa school nagpaprac kami para sa stage play."

Akala ko hindi siya agad magrereply dahil naka off ang active status nya.

Ibarraaaa messaged you:

"Ok lang, binagsak ako ng teacher namin sa Perdev. Pero tinawanan ko na lang hahaha!"

Hays! Sasabihin nyang okay sya pero hindi naman talaga siya okay.

"Sure kang okay ka?"

"Yup. Wag moko intindihin. Wala lang naman sa akin yun."

Paanong hindi ko siya iintindihin? Nararamdaman kong disappointed na naman sya sa results ng grades nya at hindi nya yun deserve kasi alam kong ginagawa nya lahat para doon.

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionWhere stories live. Discover now