Chapter 22: Am I Really Welcome?

21 5 0
                                    

Chapter 22: Am I Really Welcome?









Excited na ako dahil ngayong araw ko makikita ang mga kasama ko sa Alab Teatro. Ngayon din iaannounce kung ano ang magiging tema namin.

Hinintay ko si Casey sa baba ng bahay nila. As usual, sabay kaming papasok ngayon. Mas gusto ko kasing may kasabay pumasok dahil bukod sa nakakatipid sa pamasahe (napaghahatian kasi namin) ay may kakwentuhan ako tuwing umaga. Saka maaga kumilos si Casey kaya di nakakatamad bumangon.

Habang hinihintay ko siya, may dumaan na motor at pamilyar ang sakay. Pinunasan ko ang salamin ko at tiningnan kung sino yun. Lulan ng motor ang Mama at Papa ni Basti. Kakaway sana ako pero hindi naman sila nakatingin sa gawi ko kaya hindi ko na tinuloy.

Ilang saglit pa ay bumaba na si Casey.

"Arat na! Pahawak muna ako nito te." Pinahawak niya sa akin ang envelope niya na may lamang mga files. Siya kasi ang Class Secretary.

"Nakita ko sina Tita Jessie kanina. Kakadaan lang."

"Nakita ka nila?"

"Hindi eh."

"Ayy sayang."

Medyo maaga-aga pa nang nakarating kami sa school kaya bumaba muna kami ni Casey para bumili ng hot choco. Masarap uminom ng hot choco sa room dahil sobrang lamig dito.

Pagkabalik namin ay saktong dumating naman si Sir Fuentes, ang teacher namin sa FABM 1 na hinahangaan ko nang sobra. Hinahangaan ko siya dahil ang talino niya. Pumapasok siya sa room namin na cellphone lang ang dala-dala niya pero kaya nyang ituro ang buong accouting cycle nang sobrang effective. Mas lalo ko pang pinag-iigihan ang pakikinig sa kanya dahil ito ang major ng course na kukunin ko.

Kahit na nakikita ko ng mahirap ang kukunin kong course, desidido pa rin talaga ako na kunin yun.

"O sige gawin niyo yung Adjusting Entries nitong mga ibibigay kong given. Isulat nyo muna pala yung Unadjusted Trial Balance..."

"Acquired a six-month insurance for its properties on August 1, 2019, for a total of 6,000." Patuloy si sir sa pagdidictate ng mga iaadjust namin mamaya. Pagkatapos noon ay nanahimik ang lahat at sobrang tutok na sa calculator.

Hindi lahat sa amin ay nakatapos within 1 hour kaya mamayang tanghalian nya na lang daw kukunin ang mga worksheets namin.

After lunch ay Marketing na namin. Gusto ko naman yung subject kaso bagong kain ako kaya lagi akong inaantok. Di lang naman ako yung inaantok sa oras nya, halos lahat kami. Napakagaling nga ni Ma'am Lea magturo eh at sobrang hands-on siya sa amin.

"Any questions regarding sa project ninyo?" tanong niya sa amin. Naalala ko, itatanong ko pala kung anong format ang kailangan nya para doon sa project namin.

"Ma'am?" Nagtaas ako ng kamay.

"Yes, miss?"

"Ano pong format yung report na gagawin namin and kailan po ipapasa."

"Uhmm...Pag-iisipan ko pa yung sa format pero yung deadline sa 3rd week ng February."

"Okay po Ma'am, thank you po!" Umupo ako ulit at isinulat yun sa notepad ko.

"Ayy wait lang ha ABM, may napansin kasi talaga ako sa isa niyong classmate. Specifically, kay Ms. Martinez no." Napaayos ako ng upo at gulat na gulat na tumingin sa kanya.

"Kasi kanina di ba nagreport kayo and isa siya sa mga laging nandito sa harapan. Pero, meron talagang kakaiba sa kanya..."

"I love how persistent she is lalo na when it comes to time. Pag sinabi nyang ganitong oras kakausapin niya ako, bababa talaga sya doon sa office ko para kausapin niya ako. And yung mga groupmates nya di niya pinapabayaan. I hope she inspires you to do your best ABM." Para akong kinikiliti sa mga sinasabi ni Ma'am Lea about sa akin. Hindi ko ineexpect na maaappreciate ako ng isang teacher na nilolook up ko. Isa pa, bago lang ako dito sa school na ito kaya mas lalo akong kinilig na napansin niya ako. Akala ko efforts wasted lang eh.

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें