Chapter 5: Battle Of The Bands

39 13 22
                                    

Chapter 5: Battle Of The Bands









Maaga kami pumunta sa school para magprepare. Ngayon kasi namin ipeperform yung by batch na sayaw namin. Ang astig lang talaga dito kasi united yung batch tapos may mga nakita pa akong nagpeprepare ng mga foods sa baba. Pero mas united ang mga Grade 12 at talagang they're making the most out of their remaining moments together. Saddd! Next year, kami na yan.

Lahat kaming Grade 11 ay nakasuot ng pink na shirt dahil iyon ang naka-assign sa grade level namin. Maya-maya pa ay pinababa na kami para magready sa parade.

Napakamalas ko kasi white yung shoes ko at umulan pa ngayong araw. Dumarami tuloy yung mud stains sa white shoes ko. Lagot ako kay mama!!

Bumalik kami sa loob ng school after ng parade. Nagulat ako dahil may mga banners na nakabalandra sa lahat ng buildings at yun ang pangalan ng mga teams per batch. Ang cool nga eh dahil yung mga pangalan ng teams by level ay "Slytherin"(G7), "Scorching Eagles"(G8), "Mulawin"(G12) at sa amin naman ay "Ethereals".

Pagkatapos naming magperform medyo na-bored na ako kaya bumalik kami nina Casey sa room. Pinaglaruan na lang namin nina Rio yung basketball na ginamit naming props sa sayaw kanina. Btw, kaya basketball sa amin dahil yun ang na-assign sa batch namin. Sa ibang level, hulahoops o kaya naman yantok.

"Di pa ba pwedeng umuwi?"

"Di pa raw Ven eh. Sabi sa akin ni Ma'am Laura, may pakain pa mamaya."

"Ayy weh? Sige wag muna tayo umuwi."

"Hoy excited na ako sa BOTB bukas!!" sabi ni Rio.

"Ako rin!!"

"Hala! Bukas na nga pala yun no? Hindi ko naremind si Basti teka." Nawala sa isip ko na Sabado na pala bukas.

You messaged Ibarraaaa:
"Babe? Bukas na yung BOTB ha!"

Ilang saglit pa ay may notification agad akong natanggap. Akala ko may klase to. Pagtingin ko sa oras 11:45 na pala kaya baka pauwi na siya.

"Hala! May gagawin kasi ako bukas eh."

"Ayy weh?" bigla akong nawala sa mood.

"Oh bakit anyare?" tanong sa akin ni Casey.

"Di raw sya makakapunta."

"Di nga? Sayang naman yung ticket."

"Oo nga eh. Di bale hahanap na lang ako ng iba."

Ibarraaaa messaged you:
"Sorry talaga ha."

"Ok."

"Lah wag ka na magalit."

"Di ako galit haha."

"Lah huy."

"Venice!!"

"Lah."

"Babe!"

"Di nga ako galitt. Okay lang, ingat kayo." Reverse psychology mode on. Nakatingin sa akin sina Rio.

"Anyare sayo?"

"Si Basti kasi."

"Ito di naman mabiro. May gagawin kami pero umaga yun. Makakapunta ako hahaha!"

"Lah parang ewan!" sigaw ko at napatingin ulit sa akin sina Casey.

"Hahaha! Bakit?" tanong ni Casey.

"Sabi nya kasi di raw sya makakapunta yun pala pinagtitripan nya lang ako."

"Hahaha! Batukan mo na yang pinsan ko."

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon