Chapter 26: What He Wants

15 6 0
                                    

Chapter 26: What He Wants






"Ayoko na..."

"Sorry Venice pero napapagod na kasi ako."

"P-pero..."

Bakit hindi ako makagalaw? Bakit hindi ko siya magawang pigilan?

Walang ibang salita ang naisasambit ng aking bibig. Napipipit. Ngunit hindi ibig sabihin ng aking pananahimik ay gusto ko ang ninanais niya.

Kumilos ka naman Venice.

Nakita ko siyang naglakad papalayo kasama ang isang babae. Kasing tangkad niya ito at pamilyar ang kanyang mukha sa akin. Siya si Anikka, ang babaeng tinatawag niya minsang "Ate Niks". Hindi ko lubos na akalain na siya ang magiging dahilan ng pagtatapos namin.

Paano at bakit?

"Basti!" sigaw ko habang tinatanaw ang bawat hakbang niya papalayo sa akin kasama ang iba.

"Basti!"

"Basti!" pakawala ko. Malalalim na hininga ang pinakawalan ko. Tumambad sa akin ang puting kisame.

Nananaginip lang pala ako.

Kahit na panaginip lang iyon, naramdaman kong basang-basa ang mga mata ko.

Agad akong nagdasal na sana'y hindi mangyari iyon.

You messaged Ibarraaaa:

"Babe... Ang sama ng panaginip ko. Nakipagbreak ka raw sa akin. I love you!! :(("

"Panaginip lang yun babe. Almusal ka na."

"Opo."

Nagdaan ang isang linggo na hindi siya gaanong nakikipag-usap sa akin. Naintindihan ko yun dahil nagpaalam naman siya sa akin.

Excited na akong mag weekend para makausap ko na ulit sya at makamusta ang lagay nya sa nagdaang mga araw.

Tinapos ko lahat ng gagawin ko para mamayang gabi ay oras ko lang para kay Basti.

Kinagabihan, nagchat ako sa kanya pero hindi siya ulit agad na nagreply. Ang kaninang masigla kong mukha ay agad na napalitan ng lungkot at pagkadismaya.

Mararamdaman mo naman kapag hindi same ng energy yung binibigay sa'yo eh.

You messaged Ibarraaaa:

"Babe okay pa ba tayo?"

"Uhm... Oo."

"Bakit kasi feeling ko ayaw mo na? Parang ayaw mo na."

"Nafefeel ko rin eh."

Agad na may tumulong luha mula sa mga mata ko. Hindi ko naman inaasahan na ganoon ang sasabihin niya. Nararamdaman kong hindi na kami maayos. Jusko naman! Kahit dito man lang sana hindi tumama ang instincts ko 'di ba?

"Bakit? May nagawa ba ako? Masyado na ba akong makulit?"

"Hindi babe. Hindi sa'yo yung problema."

"Kung ganoon... Bakit?"

"Napapagod na rin kasi ako. Lahat naman tayo napapagod hindi ba?" Naalala ko ang panaginip ko noong isang gabi.

"Oo naiintindihan ko yun, pero pwede ka namang magpahinga eh."

"Hindi ko alam. Sa totoo lang Ven, napepressure na rin ako lalo na sa dami ng responsibilities na nakapatong sa akin."

Ilang beses ko siyang tinanong kung may problema. Ito ang kinakatakot kong magiging epekto ng hindi niya pagsasabi ng pinoproblema nya sa akin.

Hindi ba kapag napapagod ka, dapat magpahinga ka lang? Pwede ka namang magpahinga Basti, wag mo lang sana akong iwan.

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionWhere stories live. Discover now