Chapter 8: An Angel Of Mine

39 12 22
                                    

Chapter 8: An Angel Of Mine














"Nakakainis talaga yung classmate nya."

"Sino?" tanong ni Rio sa akin.

"Denise yung name. Ito oh." Pinakita ko sa kanya ang Facebook account nito.

"Aysus! Mas maganda ka dyan no."

"Kahit na hahaha! Daig ng malandi ang maganda. Hmmmp!" sabi ko sa kanya.

"Ayy shems grabe hahaha!"

"Well, agree ako dyan Ven," sabi ni Casey.

"Totoo naman kasi. May tiwala naman ako kay Basti, ayoko lang sa kinikilos nung babae."

"Ano bang ginawa?"

"Ito oh." Pinakita ko ang screenshots ng mga myday nya.

"Aba aba."

"Tapos may boyfriend daw yan."

"Weh?"

"Hahaha nasobrahan ata yan sa pagiging friendly."

"Lahat gusto nyang maging boy... friends." Tsssk! Gigil na gigil talaga ako doon.

"Hayaan mo na. Alam naman nating lahat na mahal na mahal ka ni Basti at di ka nun sasaktan."

"Sa bagay. Weird lang kasi, dala talaga 'to ng trauma ko sa ginawa ni Jake noon."

"Ibang-iba si Basti kay Jake okay? Kaya chill ka lang dyan."

Maya-maya pa ay nag lunch time na. Pumunta si Marah sa room namin kasi dito raw siya kakain.

"Ano ulam mo?" tanong ko kay Marah habang nakatingin sa tupperware nya.

"Ampalaya with egg mga sis."

"Ayy ang mama talaga natin napakahilig sa itlog," sabi ni Rio.

"Hahaha! Syempre naman."

"Speaking of itlog, may boyfriend na yan si Marah," biro ko sa kanila.

"Hoyy sssh hahaha!"

"Di nga?" gulat na gulat na tanong ni Rio.

"Yap! Taga DLSU, college na."

"Wowww!"

"Iba na mga friends natin eh hahaha!" kantyaw ko sa kanila habang kumakain kami.

"Ven!! Punta tayo sa Museum sa Saturday."

"Bakit? Ano meron?"

"Wala lang. Gala lang ganun."

"Ahhh, sige sige."

"Sama mo si Basti, sama ko yung akin tas sama mo si Axel, Casey."

"Sana all may mga partners," biro ni Rio.

"Pwede mo namang ka-partner si Ray hahahaha!"

"Wala na bang iba?"

"Grabe naman kayo kay Ray. Ampogi pogi niyan no." Narinig ni Ray na pinag-uusapan namin siya kaya lumapit siya sa nakapabilog naming upuan.

"Ano yun?" tanong nya habang puno pa ang bibig.

"Punta kami ng National Museum sa Sabado. Sama ka?"

"Ayy oh sige sige!" Nakita kong andami niyang ulam sa takip ng tupperware nya.

"Aba! Mukhang nakaburaot ka na naman sa kabilang side ah."

"Hahaha! Oo ito oh. Gusto niyo?" Kumuha kami sa mga ulam na binigay sa kanya. Busog na kami pag kasama namin si Ray hahaha!

Pagkauwi ko, ginawa ko muna lahat ng assignments at worksheets bago ako kumain at mag-online.

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon