Chapter 29: Valentine's Day

27 6 0
                                    

Chapter 29: Valentine's Day









Ibarraaaa messaged you:
"Ven, sorry di tayo makakapagkita bukas. May kailangan pa kasi akong ipasa na requirement para makapagstart na ako."

As what I've expected, di kami matutuloy.

"Okay lang, ingat ka."

"Salamat!"

Habang nagbabackread ako ng messages namin ni Basti ay may bigla akong narinig na nagdadabog sa sala namin. Tumayo ako para silipin kung ano iyon. Bahagya kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko at nakita kong nag-aaway na naman sina mama at papa. Two consecutive days na silang nag-aaway nang dahil sa pera. Nang dahil sa pag-aaway nila ay hindi na nila ako na-congrats sa pagiging successful ng aming play.

Sabay-sabay pa talaga.

Out of frustration, nai-post ko sa ang aking labis na hinanakit sa Ig story ko na connected sa Facebook.

"Sabay-sabay pa talaga... Ayoko na." Caption ko gamit ang Create mode ng Instagram.

Ibarraaaa replied to your story:
"Kaya mo yan. Alam kong kaya mo yan. Sorry din."

Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko dahil sa sinabi niya. Kung kailan ko pa siya pinakakailangan ay doon pa siya nawala, doon pa kami hindi okay.

"Salamat, I love you!"

"Basta kaya mo yan."

Hindi ko ineexpect na hindi siya mag-a-i love you too sa akin. Ganoon ba talaga 'pag cool off? First time ko kasi eh kaya hindi ako sigurado sa sistema ng cool off namin.

Chinat ko si Rio dahil kailangan na kailangan ko talaga ng kausap.

"Rioooo! Ayoko na."

"Hala bakit?"

"Sila papa kasi eh nag-aaway na naman. Base sa pagkakarinig ko dahil yun sa mga inutang ni papa sa mga unauthorized creditors." Nakakaasar talaga. Parang walang silbi pagiging ABM student ko dahil hindi ko man lang na-guide si papa.

"Anyare? Kumalma ka muna."

"Since illegal nga yung mga yun and nababaon na kami sa utang, may mga nagsesend na sa amin ng text messages na nagbibigay ng threats. Sumbong ko to lahat sa SEC eh. Di ko na alam gagawin ko. Pucha! Sabay-sabay pa kasi."

"Sssh! Puntahan kita dyan."

"Wag na. Gabi na."

"Kahit na. Hindi ka okay oh."

"Okay lang kahit makinig ka na lang muna ngayon. Gusto ko lang talaga ng kausap. Kayo lang masasandalan ko lalo na ngayon."

"Wag kang susuko ah. Nandito pa kami. Malalagpasan niyo yan. Hahanap tayo ng paraan."

Ang buhay lang naman ng cellphone ko ay tumatakbo sa Facebook, Instagram, at Twitter. Ngayon ay binuksan ko ang social diary ko which is ang Twitter. Nakita kong nagtweet sya.

@sebmadriaga:
"Alam kong marami kang pinoproblema. Naniniwala akong kaya mo yan. Sorry."

Bwiset naman. Wala na akong ibang nagawa kung hindi itulog ang nararamdaman ko.

VALENTINE'S na Valentine's day ngunit hindi ramdam sa bahay ang pagmamahal ngayon. Ramdam ko pa rin ang galit na namamagitan sa mga magulang ko at ang lungkot dahil sa amin ni Basti.

Ang tanging nilo-look forward ko sa araw na ito at ang munting selebrasyon naming magkakaklase ng Valentine's day kasama ang adviser namin.

May color coding na inilabas ang student council para sa araw na ito:

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionWhere stories live. Discover now